Tahimik lang si Savanna habang naka-upo sa kama. Nakasandal siya sa unan at nakatitig sa kawalan simula nang magising siya.
Noon ay kahit anong pilit niya, mga malabong alaala lang ng kabataan niya ang naaalala niya, pero matapos makilala si Chandler ay pati ang alaala niya sa highschool ay malinaw na sa kaniya.
Tuwing kinakausap siya ay tipid lang ang mga sagot niya. Kaya naman kanina pa nag-aalala sa kaniya si Dylan.
"Savi, may hindi ka sinasabi sa 'kin..." panimula ni Dylan.
Laging sinasabi ni Savi na ayos lang siya tuwing tinatanong ni Dylan kung kumusta na ang pakiramdam niya. Ngunit nahalata pa rin ni Dylan ang pagsisinungaling niya.
Napigil ang paghinga ni Savi at unti-unti niyang dinala ang tingin kay Dylan.
Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ni Dylan. Kung tungkol ba ito sa mga alaala niya o dahil lang sa pag-sabi niya na ayos lang siya kahit hindi naman.
Sa huli ay bumigay rin siya't sinabi ang bumabagabag sa kaniya.
"Dylan, natatakot ako sa mga alaala ko," mahinang sambit ni Savi. Bumaba ang tingin niya dahil hindi niya magawang tignan sa mata si Dylan habang sinasabi 'yon.
Napaayos ng upo sa sofa si Dylan. Napalunok din ito bago tumayo at umupo sa kama ni Savi.
"Bakit?"
Huminga nang malalim si Savi na para bang hinahanda ang sarili. Mariin din siyang pumikit bago magsalita.
"My real name's Savanna. Hindi ko pa naalala lahat pero nalilito na 'ko. On the surface, they're so much alike. But the truth is, they feel like two different people. Savanna would say yes to the things that Savi would say no to. It scares me because I have to choose who I should be when both of them is me."
Alam ni Savi na kahit ano ang maging desisyon niya, may mawawala sa kaniya. May mga masasaktan.
Maraming tanong ang tumatakbo sa isip niya. Mga tanong na dapat ay binabalewala niya dahil nandyan na si Dylan.
Ngunit hindi niya mapigil ang sarili. Paano ba kasi sila nasira ni Chandler?
Sa mga alaala niya ay malinaw na mahal nila ang isa't isa at malabong maghiwalay ang dalawa, masyado na silang matagal magkasama. Ramdam na ramdam pa rin niya kung gaano siya kamahal ni Chandler at unti-unti na ring bumabalik ang nararamdaman niya para rito.
Kaya anong nangyari? Naghiwalay ba sila? Bakit?
Hindi napansin ni Savi ang pagpatak ng luha niya. Iniwas niya ang mukha mula kay Dylan upang itago ang mga 'yon.
Akala niya ay tapos na niyang iyakan ang nakaraan. Hindi niya inakalang mas masakit pang makaalala kaysa makalimot.
Inangat niya ang tingin kay Dylan na halatang nasasaktan din para sa kaniya. Siguro kaya lang naging masakit dahil sa lalaking kaharap niya. Dahil hinding-hindi niya magagawang saktan ang taong nag-alaga at nagpasaya sa kaniya nang ilang taon.
BINABASA MO ANG
His Ex-Wife
Roman d'amour(UNDER REVISION) Savanna thought their love was enough to make a marriage last. Until her husband-Chandler suddenly forced her to sign an annulment. Her life was forever changed when she lost her memories that same day. Waking up in a hospital, wit...