Chapter One

4.8K 145 15
                                    

"Love, hindi mo ba ako sasabayan magbreakfast?" Kanina pa niya hinihintay ang asawa kaya hindi pa niya ginagalaw ang pagkaing niluto niya, talagang naghintay siya sa tapat ng hagdan upang salubungin ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Love, hindi mo ba ako sasabayan magbreakfast?" Kanina pa niya hinihintay ang asawa kaya hindi pa niya ginagalaw ang pagkaing niluto niya, talagang naghintay siya sa tapat ng hagdan upang salubungin ito. Ngunit nilagpasan lang siya ni Chandler, kala mo ay wala itong narinig o nakikita.

"Chandler!" tawag niya sa asawa. Hindi na siya makatiis, napapansin niyang malamig ito sa kaniya nitong buwan. Hindi siya sanay, hindi niya gugustuhing masanay. Ilang beses niya itong tinanong, pero wala naman siyang nakukuhang sagot.

Masakit kapag biglang nagbago ang taong mahal mo, lalo na kung hindi mo alam kung bakit at kahit anong gawin niya ay hindi mo siya magagawang iwan. Masyadong malalim ang pinag-samahan nila, naniniwala siyang hindi siya magagawang saktan ng taong 'to, kaya bakit?

Sa puntong to ay wala na siyang paki kung paano nagagawa ni Chandler na saktan siya, na maging malamig sa kaniya, ang gusto na lang niya ay bumalik sa dati ang asawa. Dahil hindi na niya kaya, nakakatakot ang ideya na baka mawala ito Baka hindi niya kayanin.

Huminto saglit si Chandler ngunit hindi niya nilingon ang asawa.

"Savanna, I don't have time for that," sabi ni Chandler.

Natigilan si Savanna habang si Chandler naman ay ituloy na ang paglalakad. Nang mawala sa paningin niya si Chandler ay agad na nag-unahan ang mga luha niya, bigla na lang siyang naupo dahil tila ba nang-hina ang kanyang tuhod.

"We're fine, ayos lang tayo..." mahinang sambit ni Savanna kahit pa hindi naman siya maririnig ni Chandler.

Mahal siya ni Chandler, at napatunayan na 'yon ng asawa niya.

Inalala niya ang nakaraan kung saan ilang beses pinatunayan ni Chandler sa kaniya na mahal siya nito. Kahit kalabanin nga ang magulang ay nagawa ni Chandler para sa kaniya, 'yon ang lalaking hindi lang handa bitiwan ang lahat kundi ginawa niya talaga para lang kay Savanna. Malabong hayaan nitong masira silang dalawa, 'yon ang pilit na pinapasok ni Savanna sa isip niya.

Naalala niya ang hirap na pinagdaanan nila no'ng subukan silang paghiwalayin ng ama ni Chandler. Isang ulila si Savanna, nakatira lamang siya sa isang bahay-ampunan at pinalaki ng mga Madre, kaya naman hindi siya matanggap ng pamilya ni Chandler.

Naging isang lihim ang kasal nila, kailan lang din ito nalaman ng pamilya ni Chandler. Ngunit pinagtatakpan pa rin ito ng ama niya, kahit anong gawin nila ay pamilya pa rin nila si Chandler kaya't kapag nalaman ng tao ay pati sila damay.

He was an heir to a big company, a future engineer with a bright future, his family won't let him end up with a mere orphan like Savanna. That's why he needed to choose, and he chose Savanna, he chose her over anything else.

He also proved that he can live without his inheritance, he was able to give Savanna a comfortable life with just his hard work. Being one of the best engineers out there made it easier for him to completely cut his dad off their life.

His Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon