Chapter Fourteen

813 10 4
                                        

     Chandler's world was spinning due to alcohol until Savanna held his cheek

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chandler's world was spinning due to alcohol until Savanna held his cheek. Everything stilled and he would've given into his feelings again if Savanna did not suddenly drop to the floor.

When he realized that Savi just collapsed in front of him, he quickly went to her side and gently tapped on her cheek.

Savi whimpered and tears began to stream down her cheeks. She was barely conscious.

"C-Chandler..." she cried.

Umiikot ang paningin ni Chandler dahil sa alak ngunit nagawa pa rin niyan i-angat ang ulo ni Savi papunta sa hita niya.

"Savanna!" Naghalo ang kaba at epekto ng alak kay Chandler. Sinubukan niyang buhatin si Savi ngunit hindi rin siya makatayo.

"Fvck!" Chandler muttered a curse. He might drop Savi if he forces himself to carry her.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Calvin, sa likod niya ay ang dalawa pang kaibigan ni Chandler.

"Nandito 'yon si Chad-Gâgo anong nangyari?" Nagulat si Calvin sa nadatnan.

Dali-daling pumasok sina Shon at River, agad nilang dinaluhan ang kaibigan.

"Help her," mahinang saad ni Chandler.

Pumwesto ang dalawa sa kabilang gilid ni Savi. Nilagay ni Shon ang kamay niya sa noo ni Savi at napansin na malamig ang pawis nito. Hanggang ngayon din ay mabigat pa rin ang paghinga ni Savi.

"Shīt, kailangan na 'tin siyang dalhin sa ospital," giit ni Shon. Mabilis niyang binuhat ang pawisan at walang malay na si Savi.

Tatayo sana si Chandler upang sumunod kay Shon ngunit pinigilan siya ni River.

"Stay here. You'll just slow us down. Sober up," sabi ni River.

"Ako na bahala dyan pati sa bata. Dalhin niyo na si Savi. May nadaanan tayong ospital diba? Do'n niyo dalhin," si Calvin.

Nagsasalubong ang kilay ni Chandler habang nakatingin kay Savanna. Pero sa huli ay wala siyang nagawa kundi sumunod na lang sa sinabi ni River.

Nang makalabas ang dalawa kasama si Savanna ay tinulungan ni Calvin si Chandler na umupo sa sofa.

"The kid is inside the room," sabi ni Chandler sa kaibigan.

Tumango si Calvin at iniwan na muna si Chandler upang tignan ang bata.

Pinikit ni Chandler ang mga mata niya dahil mabigat na rin ang talukap nito. Hindi mawala ang kunot sa noo niya habang iniisip si Savanna. Lalo na matapos makita ang itsura nito kanina habang nakatingin sa kaniya. Pero kahit mabigat ang kanyang pakiramdam ay nakatulog din siya dala ng alak.

Makalipas ang halos tatlong oras ay nagising si Chandler. Bahagya siyang yumuko at pinatong ang dalawang siko sa mga hita niya. Masakit pa rin ang ulo niya ngunit nawala na ang matinding hilo na nararamdaman kanina.

His Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon