Chapter Ten

1.5K 64 1
                                    

     Muling pumasok si Chandler sa kagubatan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     Muling pumasok si Chandler sa kagubatan. Hindi naman mapanganib ang parte na malapit sa resort kaya kung hindi dahil sa ulan, mas madali sanang libutin ito.

"Sylver!" Chandler was still calm earlier but now, anxiety has invaded his chest too.

Hindi na niya nararamdaman ang pagod, at pilit na tinatalasan ang mata kahit pa maulan.

Sa tingin niya ay nagtago ang bata matapos matakot kay Bianca, kaya hindi ito mahanap.

"Sylver! It's me, you can come out!" Umaasa si Chandler na marinig siya ng bata at makinig ito.

"Sylver!" Makailang ulit pa niyang tinawag ang bata bago makarinig ng kaluskos.

Agad napunta ang tingin niya sa dereksyon ng tunog. Mula ro'n ay lumabas ang luhaang bata na ngayon ay nabasa na ng ulan.

Nanlaki ang mga mata ni Chandler at agad na tinakbo ang pagitan nila hanggang sa makalapit sa bata.

Binuhat niya agad si Sylver at sumilong sa mga nag-lalakihang puno.

Tinignan niya kung saan ito nanggaling. Mukhang nasa ilalim siya ng mga ugat ng malaking puno.

"Sylver? Are you hurt? May masakit?" tanong niya sa bata.

"Mommy!" Iyak ng bata.

Dahil sa pagtago nito ay hindi siya nabasa ng ulan. Nabasa lang siya noong lumabas sa tinataguan matapos makumpirma na si Chandler ang tumatawag sa kaniya.

Mahigpit na yumakap si Sylver sa taong nakahanap sa kaniya.

"Sylver... It's alright, you're safe now." Mariing pinikit ni Chandler ang mga habang dinadama ang yakap ng bata.

Gamit ang isang radio transceiver ay ipinaalam niya sa mga rescuers na nahanap na niya ang bata.

Agad silang nahanap ng mga ito at pinayungan upang makabalik na sa resort.

Mahigpit ang yakap ni Sylver at Chandler sa isa't isa, ito ang paraan nila para humupa na ang takot na nararamdaman kanina.

Malayo pa lang ay nakita na ni Chandler si Savi. Agad na nagtama ang mga tingin nila at kitang-kita niya ang mga luhang nag-sisimulang mabuo sa mga mata ni Savanna.

Walang pagdadalawang isip na tumakbo si Savanna papunta sakanila. Hindi na niya alintana ang ulan sa kagustuhang mayakap ang anak.

"Sylver!" sigaw niya sa pangalan ng bata.

Sa isang iglap ay naagaw na ni Savi ang bata mula kay Chandler at mahigpit itong niyakap.

"Shh nandito na si mommy."

Nanatiling nakatitig sa mag-ina si Chandler, kahit papaano ay gumaan na ang loob niya nang makita ang dalawang magkasama.

Nakasunod lang si Dylan kay Savi kaya't agad nitong niyakap ang mag-ina.

His Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon