Chapter Six

2.4K 74 2
                                    

     Nag-simulang tumulo ang mga luha ni Chandler nang makapasok siya sa bahay niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     Nag-simulang tumulo ang mga luha ni Chandler nang makapasok siya sa bahay niya. Sumandal siya sa pinto at hinayaan ang sariling bumagsak sa sahig. Pinatong niya ang magkabilang siko sa mga tuhod at tinago ang mukha niya sa mga palad.

It was a relief that both Savanna and their son is alive and well. But just thinking about how long she waited and how much she suffered tormented him. He couldn't help but blame it on himself.

He wasn't in the right state of mind when they made the plan. Pero kahit ganoon ay talagang naniwala siya na dapat niyang ilayo muna sa kaniya si Savanna. Hindi naman niya inakalang maaaksidente ito.

Ngunit siguro nga mas pabor sa kaniya na walang maalala si Savi. Hindi nito kailangan dalahin ang sakit at bigat na dala-dala niya. 'Yon naman talaga ang plano, ang siguraduhing ligtas si Savanna kahit matalo pa siya sa laban niya.

Kaya mas pinili niyang sirain ang relasyon nilang mag-asawa kaysa sabihin kay Savanna ang totoo. Naalala pa niya kung paano nabuo ang lahat ng desisyon niya.

Four years ago...

Katatapos lang ng trabaho ni Chandler at pauwi na sana siya nang harangin siya ng dalawang lalaki.

Naningkit ang mga mata ni Chandler kasabay ng pagsalubong ng mga kilay niya. May mga mapaglarong ngisi ang dalawang lalaki sa harap niya na tila ba nananakot. Ngunit walang 'yong epekto kay Chandler, sa isip niya kasi ay kayang kaya niya ang dalawang ito.

"Hawak namin shota mo at kung hindi ka sasama, mapapahamak siya," sabi ng isa sa mga lalaki. Nag-tawanan pa ang mga 'to.

Tinamaan ng kaba si Chandler. Pero malabo naman na alam nila ang tungkol kay Savanna, hanggang ngayon ay ang pamilya lang nila at malalapit na kaibigan ang nakakaalam ng tungkol sa kasal nila. Wala rin gaanong nakakikilala kay Savi dahil halos magdadalawang taon pa lang naman noong lumipat sila sa Manila. Hindi pa madalas lumabas si Savi dahil sa sitwasyon nila.

Simula nang tumutol si Anthony Zapeda sa relasyon ni Chandler at Savi ay naging mailap na si Chandler sa pamilya. Maging sa mga events at gatherings ay hindi siya sumasama.

The men in front of him doesn't look like the ones that work for his father. They look like typical thugs, while his father's men are usually in suits.

"Sinong hawak niyo? Wala naman akong girlfriend," Chandler scoffed. It was true, Savanna was already his wife. These guys might be just trying to fool him so they can rob him.

"Wag ka na mag-sinungaling, hinihintay ka na ni Ruth."

Agad na nanlaki ang mga mata ni Chandler. Kilala niya ang pangalan na 'yon, katulad ni Savanna ay matagal na niyang kilala si Ruth. Dahil matalik na magkaibigan ang dalawa. Hindi gaano lumalabas ng bahay ang asawa niya dahil ayaw nito ng gulo mula sa ama niya. Kaya naman kapag gustong magkita nila Savanna at Ruth ay sinusundo niya ang kaibigan ng asawa para dalhin sa bahay nila. Si Savanna lang ang koneksyon niya kay Ruth kaya nagulat siya sa sinabi ng dalawang lalaking kaharap niya.

His Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon