Prologue

4K 50 10
                                    

"Sav..." Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Chandler.

Madilim na ang kalangitan at kung hindi dahil sa mga ilaw rito sa park ay baka hindi na kami magkakitaan. He looks like he is as defeated as I am. Tinabihan niya ako sa bench at saka hinawakan ng mahigpit ang isa kong kamay bago tumingala.

"Natanggal ako sa trabaho kanina, Chad," sabi ko sabay kagat sa labi ko dahil nararamdaman ko na ang mga luhang kanina pa gusto tumulo.

"Ako rin..." mas lalo lang humigpit ang hawak niya sa 'kin. Dahil sa narinig ay agad tumulo ang mga luha ko kaya napayuko ako upang itago sila. Mukhang alam na naming parehas ang dahilan kung bakit kami natanggal sa trabaho.

"Don't cry. It's a part-time job, kaya ko ulit maghanap ng bago," sabi niya na para bang hindi 'yon malaking bagay. Hindi ko nga alam kung ilang trabaho ba talaga meron siya, tapos ako isa na nga lang, natanggal pa ako.

Hindi naman niya kailangan pagdaanan ang mga to kung hindi dahil sa 'kin. His father won't kick him out if only he agreed on breaking up with me. But I can't help but to be disappointed on his dad as well, how could he punish his son to this extent?

"Chandler, hindi ka pa ba napapagod ipaglaban tayo? Your life changed because of me... hindi mo naman kailangan gawin ang lahat ng 'to kung papayag ka lang sa gusto ng ama mo." Hindi ko gustong sabihin ang mga bagay na 'yon, hindi ko siya gustong bitawan. Kaso nakikita ko kung gaano siya nahihirapan at dahil 'yon sa 'kin.

"Savanna, hindi ako mapapagod ipaglaban ka." Humarap siya sa 'kin na nakakunot ang noo. "Please don't give up on us, I'm trying my best. Without you, I will never know love. I will stay as my father's puppet and unhappy." Dumikit ang palad niya sa pisnge kong basa na ng luha.

"Nahihirapan ka eh..." Pinunasan niya ang magkabilang pisnge ko.

"Mas mahirap kapag nawala ka sa 'kin," aniya habang nakatitig sa mga mata ko. Bigla na lang kumunot ang noo ko at bumuhos ang luha ko, hindi ko alam kung dapat bang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Alam ko kasing hindi ko kayang sirain ang meron kami mag-isa. Hindi ko kayang tumakbo kung hahabulin niya ako.

Tinanggal niya ang suot niyang jacket at pinasuot sa 'kin to, medyo malamig na ang ihip ng hangin kaya dumikit ako sa kaniya at pinatong ang ulo ko sa balikat niya.

"Sav, I was thinking. Why don't we get married after my graduation..." Agad umangat ang ulo ko dahil sa narinig, tinignan ko siya para malaman kung seryoso ba siya.

"You can stay at my place, I'll take care of everything. After my graduation, it won't be so hard anymore. I'll earn more..." Naniniwala naman ako sa kakayanan niya. He even paid for my tuition fee when his dad took away my scholarship, of course I know I'll be in safe hands with him.

Besides, I won't let him do all the work. Dahil tulad niya, gagawin ko rin ang lahat para sa 'min.

"They can't separate us easily if we're married. I'll do everything to give you the life you deserve, Sav. Para hindi ka na rin mag-isa lang sa apartment mo, I worry about you a lot. Having kids can wait too. But it's still your decision, what-

"Okay..." Halatang nagulat siya sa naging sagot ko, he was hesitating so I guess he wasn't expecting my answer.

"Sure ka?" Natawa ako sa naging reaksyon niya pero agad din naman akong tumango. He smiled so brightly, I can see happiness and relief in his eyes.

Hinila niya ako papunta sa isang yakap. How can I not agree if home is wherever he is. We've been together for so long already, nangako na rin siyang papakasalan ako no'ng bata pa kami. I chuckled when I remember that silly promise he made when we were younger, he really doesn't break any promise.

His Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon