Chapter Eight

1.6K 72 1
                                    

     Hindi nagugustuhan ni Savi ang mga tingin na binabato ni Bianca kay Sylver

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     Hindi nagugustuhan ni Savi ang mga tingin na binabato ni Bianca kay Sylver. Panay pa ang reklamo nito kapag umiiyak o nagsasalita ang anak niya. Gusto naman niyang intindihin si Bianca pero ayaw niyang dinadamay ang anak niya.

Wala namang ibang maisip si Savi na dahilan kung bakit gano'n na lang si Bianca sa bata. Siguradong dahil alam nito na hindi tunay na anak ni Dylan si Sylver.

"Mommy mommy, look!" Tumuro ulit si Sylver sa labas para ipakita kay Savi ang mga hayop na nakikita niya.

"Can you make him shut up? Ang ingay masyado," reklamo nanaman ni Bianca.

Bigla nakaramdam ng inis si Savi, masyado na kasi siyang naririndi sa mga reklamo ni Bianca. Lahat na lang nang sabihin o kahit ang mahihinang ingay ng anak niya ay pinapansin nito.

Nagtitimpi lang siya dahil ayaw niyang hindi maging maganda ang relasyon nilang dalawa. Para rin kay Dylan kaya pinipilit niyang intindihin ang ugali ni Bianca.

Tumingin si Savi kay Chandler, ngunit deretso lang ang tingin nito. Hindi man lang niya sinaway ang kasintahan. Medyo nadismaya tuloy si Savi sa kaniya.

"He's a kid, Bianca. That's not how you should act around a child," saway ni Dylan.

Napatingin si Savi sa katabi. Napansin niya na naiinis na rin si Dylan pero pinipigil lang nito.

"Why do you have to bring them pa kasi."

Kumunot ang noo ni Savi. Kailangan ba talaga niyang ipamukha kala Savi na ayaw niya silang kasama?

"Pamilya ko sila. It's natural to have them beside me," may diing saad ni Dylan.

Inis na nilabas ni Savi ang Ipad at earphones para kay Sylver. Kung sakali na magbitaw pa ng salita si Bianca, hindi niya alam kun kaya pa niyang pigilan ang sarili.

Kinagat ni Sylver ang ibabang labi upang pigilan ang pag-tulo ng luha niya. Napansin niya kasing hindi siya gusto ng babaeng kasama nila. Tapos hindi rin maganda ang timpla ng mga magulang niya ngayon.

Kunwari siyang nakatingin sa screen ng Ipad kahit panay ang sulyap niya sa mga nakapaligid sa kaniya.

The child's lips were curved downward and it kept quivering while pressed together. But he tried to keep himself from crying because he was too embarrassed to do so.

Natatakot pa siya na baka mas lalo siyang pagalitan ni Bianca.

Saglit na napalingon si Chandler sa likod niya kaya nakita ang itsura ng bata. Kumunot ang noo niya at masamang tinignan si Bianca.

Gusto man niyang magalit dito ay hindi pwede. Hawak siya sa leeg ng ama niya, at isang salita lang ni Bianca ay magdududa na ang ama niya sa kaniya.

Pigil na pigil ang inis niya nang lingunin niya si Dylan.

His Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon