Chapter Seven

1.8K 72 2
                                    

     Nang magising si Savi ay nakahiga na sa tabi niya si Sylver

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     Nang magising si Savi ay nakahiga na sa tabi niya si Sylver. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog, isang bagay lang ang naalala niya.

Savanna. Savanna ang totoo niyang pangalan. Hindi man niya makita ang lalaki sa alaala niya kanina ay natatandaan niya kung ano ang tawag nito sa kaniya.

Savi siguro ang palayaw niya, hindi rin naman malabo 'yon dahil ang nakaraan lang na naalala niya ay 'yong panahon na bata pa siya. Bagay nga naman sa isang bata ang maikling palayaw.

Hindi niya alam kung dapat na ba niya itong sabihin kay Dylan o maghintay muna. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit bumabalik ang mga alaala niya sa kaniya ngayon? Tatlong taon na rin na hindi nadadagdagan ang mga alaala niya. Kaya anong nangyari? Bakit biglang dumadagdag nanaman ang mga ito?

Kung kailan naman sinukuan na niya ang mga alaala at saka pa ito bumabalik.

"Savi, gising ka na pala." Agad na lumapit si Dylan sa kaniya at umupo sa tabi niya.

Naiiyak siyang yumakap kay Dylan. Mas lalo tuloy nag-alala para sa kaniya ang kasintahan.

"Anong problema? May masakit pa ba?" Sunod-sunod na tanong ni Dylan.

"Simula kagabi, may mga maliit na alaalang bumabalik sa 'kin. They weren't vivid, and they were only a few moments of my past, pero bago sila," paliwanag ni Savi. "I don't understand. Why am I getting new memories? I never got new memories in three years," dagdag pa niya.

Hinaplos ni Dylan ang buhok ni Savi.

"Maybe it's because of the environment. We'll consult your doctor again. May masakit ba ngayon? 'Yong ulo mo?" Sinapo ni Dylan ang mukha ng kaharap at tinuyo ang gilid ng mata ni Savi.

Biglang naalala ni Savi ang lalaking kasama niya kanina.

"Wala nang masakit," sagot ni Savi. "Si Chandler pala? Kasama namin siya kanina."

Natigilan si Dylan dahil sa sinabi ni Savi. Hindi pa nga niya natatanong kung bakit sila magkasama. Binaba ni Dylan ang kamay niya at saka nag-iwas ng tingin.

"Bakit mo siya hinahanap?Gabi na, syempre nakauwi na siya," saad ni Dylan.

Dylan wasn't the jealous type. However, he was clearly jealous right now, it's written all over his face. Mahinang natawa si Savi dahil sa reaksyon ni Dylan.

"Are you jealous?" tanong niya rito.

"Why would I be?" Dylan pursed his lips, he couldn't look at Savi because he was indeed jealous.

The man danced with her last night and was even spending time with Savi and Sylver when he was busy working.

"Halata kaya sa mukha mo," biro ni Savi.

"I just... I don't like him." Dylan couldn't explain why he's bothered by the idea of Chandler being around his girlfriend.

"Ha? Bakit naman, dahil ba fiancé siya ng kapatid mo? Are you being a strict Kuya right now?" Lumapit sa Savi kay Dylan at pinatong ang ulo niya sa balikat nito.

His Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon