Chapter Nine

1.4K 68 1
                                    

     Mabibigat na paghinga at mabibilis na hakbang ang ginawa ni Savi at Chandler

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     Mabibigat na paghinga at mabibilis na hakbang ang ginawa ni Savi at Chandler. Mabilis din ang tibok ng puso nila at maraming tumatakbo sa isip.

Nang makarating sa lobby ang dalawa ay agad na hinanap ng mata ni Savi si Dylan.

"Savi," pagkuha ni Chandler ng atensyon niya. Tinuro niya si Dylan sa pamamagitan ng paggalaw ng ulo niya sa dereskyon nito.

Nakita naman agad ni Savi si Dylan na napapalibutan ng mga staff ng resort.

Nagmamadaling lumapit si Savi kay Dylan, sa likod niya ay nakasunod ang nag-aalala ring si Chandler.

Napansin agad sila ni Dylan kaya sinalubong nito si Savi.

"Anong nangyari?" Nakakunot ang noo ni Savi dahil sa pag-aalala.

"Nasaan ang bata?" tanong ni Chandler.

Hindi pinansin ni Dylan si Chandler at nakatuon lang ang mga mata kay Savi.

"Savi may importante kasi akong tawag kaya iniwan ko muna siya sa isang staff. He was playing with the other kids when I left, but when I came back he wasn't there anymore... Hinahanap na namin siya. Siguradong nandito lang si Syl." Guilt was written all over Dylan's face. He was even ashamed to face Savi.

"Sino yung staff, Dylan?"

"Ako po," sabat ng isang babae. Lumapit ito sakanilang tatlo. "Sabi po kasi ni Ma'am Bianca ay siya na ang bahala sa bata kaya iniwan ko na sila."

Nanlaki ang mata ni Savi bago ibalik ang tingin kay Dylan.

"Bianca left him with the other kids in the playground..." Dylan trailed off. He couldn't look at Savi because of the guilt and the anger he felt for himself.

Hindi dapat niya 'to iniwan. Hindi naman niyang inakala na mawawala ito lalo na at binilin niya ang bata sa staff. Saglit lang naman siyang nawala at may mga kasama pang bata si Sylver no'n.

"Where is she?" Puno ng pagtitimpi ang boses ni Savi.

"The kid's afraid of her. Either he went after you or he hid himself," sabi ni Chandler.

Ngayon ay nakuha na ni Chandler ang atensyon ng dalawa.

"Where did you go? Baka nga sinundan ka niya," tanong ni Savi.

Tila ba namutla si Dylan nang maisip kung saan siya pumunta pagtapos niyang magpaalam kay Sylver.

"Walang signal kanina, kaya lumabas ako..." Dylan took a pause. "The gates can be seen from the playground. Hindi malabong nakita niya akong lumabas."

Nanlambot ang mga tuhod ni Savi at tila ba kinapos siya sa hangin dahil sa narinig. May malaking kalsada sa labas at delikado ang kagubatan sa labas ng resort para sa isang bata.

Kitang-kita naman ang pag-igting ng panga ni Chandler habang matalim na nakatingin kay Dylan. Ang pag-aalala na nararamdaman niya ay nagiging inis na.

His Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon