Chapter Three

2.8K 106 3
                                    

     Apat na taon ang lumipas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     Apat na taon ang lumipas. Matagal na naghintay si Savi para sa taong susundo sa kanila ng anak niya, ngunit sa loob ng apat na taon ay walang dumating. Kahit ang mga alaala niya ay mukhang tuluyan na siyang iniwan.

Apat na taon ding sinubukan hanapin ni Dylan ang pamilya niya ngunit lagi silang bigo. Ayaw na niyang umasa na mahahanap pa niya ang ama ni Sylver, wala naman magandang naidulot ang paghihintay niya.

Nagsisimula pa lang sumikat ang araw pero gising na ang magkasintahang sina Savi at Dylan.

"Where's Sylver?" tanong ni Savi. Abala siya sa pag-aayos ng gamit nila nang pumasok si Dylan sa kwarto nila. Isang taon na rin ang lumipas simula noong lumapit si Sav isa kwarto ni Dylan. Ang dati namang kuwartong ginagamit niya ay pinaayos nila upang maging sakto sa anak niyang lalaki.

Nasa tapat lang ng kuwarto nila ang kuwarto ng bata ngunit, madalas pa rin tumabi sa kanila ang ito. Nasanay siguro si Sylver na katabi ang ina niya sa pagtulog.

Four years ago, she was so afraid of what the future holds for her. Tapos ngayon ay masaya na siya sa pamilyang binuo nila ni Dylan, sa apat na taon nilang magkasama ay kahit minsan ay hindi siya nagawang saktan ni Dylan. He was everything a woman could ask for. How can she not fall for him? He saved her, it was enough for her to trust him.

"Tulog pa," sagot naman ni Dylan. Mukhang tapos na mag-luto ng almusal si Dylan kaya't bumalik na siya sa kwarto nila ni Savi.

Savi had a lot in mind after she found out that they'll be going back to Manila soon. It's been four long years. She doubts that going there would bring back her memories. Savi have also sworn to not dwell on the past anymore and just live in the present, with Dylan and Sylver.

Ngunit kung sakali man na babalik ito, sana ay hindi no'n masira ang pamilyang binuo niya kasama si Dylan. Pagod na siyang maghintay sa taong hindi niya naman maalala, simula no'ng hayaan niya ang sarili na mahalin si Dylan. Binitawan na niya ang ama ni Sylver. Kung mahal siya nito ay sana nahanap na siya noon pa.

Hindi pwedeng habang buhay na lang siyang maghintay. Kaya no'ng sinabi ni Dylan na mahal siya nito ay tinanggap 'yon ni Savi. Masaya siya kay Dylan, ito na rin ang kinikilalang ama ng anak niya. Kailangan na niyang iwan ang nakaraan.

"Paano kapag bumalik na ang mga alaala mo?" Nagulat si Savi sa naging tanong ni Dylan. Parang nabasa nito ang malalim niyang iniisip kanina.

Alam niyang sa loob niya ay may natitira pa ring takot, takot sa mga pagbabagong dala ng mga alaala niya. Pero sa loob ng apat na taon ay si Dylan ang laging nandyan para sa kaniya, ito ang naging sandalan niya. Kahit bumalik pa ang mga alaala niya ay alam niyang nasa tabi lang niya si Dylan. Dahil do'n ay mas lumakas ang loob niya. Alam niyang sapat ang apat na taon at ang pagmamahal na binigay ni Dylan sa kaniya para piliin niya ito.

"Then, we'll be ready for it. Remembering won't make me forget about everything we shared. I won't forget the Savi that I am today..." Binitawan ni Savi ang mga hawak niya at lumapit kay Dylan.

His Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon