CHAPTER 2
Crisseane POV
"Apo, saan mo balak pumasok na unibersidad?", tanong ni Lola sakin.
Crisseane de Los Reyes, 17 years old. Wala na akong mga magulang. Namatay sila sa isang car accident kaya si Lola na lang nag aalaga sa akin na isang shaman.
Well, yes. Shaman. Sila yung mga nagtataboy ng masasamang spirits or ghost. Pero ewan ko parang kakaiba si Lola, hindi katulad ng iba na nagkakanta ng kung ano anong ritual. Nakikipagusap lang siya.
Ako rin nakakakita since nasa lahi namin kaya wala akong nagiging kaibigan. Hirap no kapag naging freak ka sa paningin nila. Hindi ka talaga nila lalapitan. But, hindi ako nagreklamo na may ganito akong ability. There are times na tumutulong pa ako sa mga ghost to resolve their grudge or yung magawa ang gusto nilang gawin bago sila pumunta ng heaven.
Alam nyo ba kung saan ako mas takot?
Sa tao. Ang tao kayang saktan ang kapwa tao. Pero ang ghost hindi. Paparamdam lang at mananakot sayo pero hindi ka nya kayang hawakan.
"Hmm. Wag na lang kaya ako mag aral ng college, Lola. Dito na lang ako sa bahay at maghahanap ng trabaho." sagot ko sa kanya.
"Nako, hindi ako makakapayag apo. Sayang ang talinong ipinagkaloob sayo kung hindi mo iyan magagamit ng ayos. Nangako din ako sa ..." hindi ko na sya pinatapos at alam ko na kung ano ang sasabihin nya.
Nangako sya sa mga magulang ko na pagtatapusin ako ng pag aaral para magkaroon ng magandang future. Hmm. Well, hindi naman ako naniniwala that education is the key for a better future. Hindi naman lahat ng itinuturo sa school, applied sa real life situation. Kahit nga specified courses eh. Magtetraining ka pa rin sa working place mo bago pa ang actual. Tama? Mali?
"Nga pala apo. Nakatanggap ako ng recommendation sa isang school. Malapit ako sa Headmaster ng university na iyon. Ang kaso nga lang patay na sya. Tinanong ko kung pwede pa rin kitang papasukin dun at kung valid pa ang recommendation letter na yun. Ang sabi pwede pa daw." Sabi ni Lola.
She handed me a letter envelop at nakita ko ang stamp.
Napalaki ang mata ko at, "Somerset University? Seryoso ka, Lola?". At tumango sya.
Kita sa mata nya na parang nagtataka sya bakit ako nagulat ng makita ko ang sulat.
"Lola, paano mo naging kakilala ang Head ng isa sa kilalang university sa buong Asia?". Nagulat din sya ng marinig ang "kilalang university sa buong Asia".
"Totoo ba iyan, Apo? Matalik kong kaibigan ang Head ng university na iyan. Hindi ko alam na seseryosohin nya ang kanyang pangarap na magiging isa sa kilalang school sa bansa ang university nya. At sa buong Asya pa. Napakagaling talaga ng taong iyon. Basta para sa anak nya, gagawin nya talaga ang lahat."
Hindi ako makapaniwala na kaibigan ni Lola ang Head ng SU. Hindi ko na pinansin yung huli nyang sinabi. Grabe kakaiba talaga ang Lola.
"Pero mahal po ang bayarin dito, Lola. Baka mabigla ka or ..." hindi na ako nakapagsalita ng mabasa ko ang letter.
"FOR FREE?" Napasigaw ako.
"Oo, apo. Libre ang pagpasok mo ng college dyan. Kasi Malaki daw ang utang na loob sakin ng hukluban na yun kaya binigyan ka niya ng full scholarship sa school nya. Kahit pa ibalik mo yan, wala ng bisa."
Tama si Lola wala ng atrasan to. Hindi ko akalain makakapasok ako sa pangarap ko na school.
Walang ano ano, umakyat na ako sa taas para mag research ng lahat lahat sa SU. Habang binabasa ko lalo lamang akong naiinlove sa school na yun. Napakadami kong nababasang magagandang reviews sa school na yun.
"Hindi lang sa internet kita makikita, makikita na kita sa personal." I giggled.
Pagka scroll ko, napatigil ako bigla.
Isang headline ang nabasa ko na nakapagpapintig ng matindi sa puso ko.
'A car fell and exploded in a cliff. A burned corpse found inside'
Tumaas ang balahibo ko sa nakita at bigla kong pinatay ang computer. Bakit ngayon ko pa nabasa yun?
"Aysss! Hindi mo dapat iniisip yun. Ang mabuti pa matulog na lang tayo."
Nahiga na ako sa aking napakalambot na kama. Hmm. Si Lola, hindi naman sya masasabing mahirap. May kaya rin naman sya dahil ni Lolo. Sa tunay mayaman sila ni Lolo. Ang kaso syempre hindi naman lahat ng tao ay kayang tumagal sa lupa kaya naiwan si Lola. Kaya nagdecide si Lola na dito na lamang kami sa Somerset City magstay para hindi daw sya lumungkot. Sa States kasi namatay sina Mommy pati nagkaroon ng kidney failure si Lolo kaya dito na lamang daw kami.
"Help me, please! Help!" At isang pagsabog ang lumabas sa panaginip ko at nagising ako.
Isang babae na duguan ang ulo, humihingi sya ng tulong. Tas bigla na lamang sya sumabog.
Hindi ko pa nakikita ang mukhang iyon.
Sino kaya yun?
-----
Last na po.This is my original work. Wala pong halong plagiarism. Kaya po sana walang magpa-plagiarize. Ask permission if you want to use the idea. I'll allow naman po.Sana po ay basahin nyo sya hanggang dulo.If there are typographical errors, plus hindi po maintindihan leave it in the comment section. Tenchuu!! Enjoy!
BINABASA MO ANG
The Psychopath [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
ActionWhat is a psychopath? "Most people might assume this describes someone who is reserved, a loner, keeps to himself, etc. However, this is not the case in Anti-social Personality Disorder or ASPD," he explains. "When we say anti-social in ASPD, it mea...