TWENTY-EIGHT

12 1 0
                                    

CHAPTER 28

Third Person POV

Nang makarating sina Wyaine sa hospital, kasunod laamang nila si Marvean na nagpahuli.

"Ito na po, Madam." Sabi ni Kiro kay Alisa.

Tumalon ito sa tuwa ng dalhan siya ng pagkain.

"Nga pala may masarap dun na Coffee shop, samahan mo ko." Aya ni Alisa kay Kiro sabay hila palabas.

"Sama ako!" Habol naman ni Teir.

Sumunod naman yung dalawa at naiwan si Wyaine sa loob ng kwarto ganun din si Saphire.

Nakatitig silang dalawa habang nakatayo sa isang babaeng walang malay. Walang kahit anong reaction sa ingay, ni pag-galaw ng kamay ay wala.

"Crissane, I know that you are there. Nakikinig sa mga usapan nila. Let me talk to you." Sabi ni Saphire.

Dahan dahang humiga si Saphire sa mismong pwesto ni Crissane at sinubukang sumanib dito. Hindi para gamitin ang katawan, but to talk to her soul. And it happens.

She saw her in a bench, crying. Nag-iisa lamang sya sa dilim. Agad naman itong lumapit at yumakap.

"Okay ka lang ba?" Sa pagkagulat ni Crissane naitulak nya si Saphire.

"Saphire? How ...?" Hindi nya alam kung anong irereact kasi nakikita nya si Saphire kahit na wala syang malay.

"I guess this is a soul-soul talk?" Pagbibiro ni Saphire.

Umayos ng upo si Crissane at hinintay na magsalita si Saphire.

"Sorry." Yun lamang ang lumabas sa bibig nya at yumuko ito bigla.

"Para naman saan?"

"I remember everything. Maybe related to sa pagkamatay ng Lola mo and ni Rhea." Napalunok si Crissane at hinayaan siyang magsalita.

"Remember, nasa bahay ninyo ang file ni Head?" Tumango naman ito.

"It is the reason why Rhea died. I talked to your grandmother na nasakin ang Certificate of Ownership and The Will of Sir Alfonso. And si Rhea ang nagdala noon sa kanya. When I died, they found out also, na nahawakan ni Rhea ang file and he killed her also. At maaaring ganun din ang reason kung bakit namatay ang Lola mo."

"Pero di ba nakita mo na si Stephen ang pumatay kay Rhea?" Tumango naman si Saphire.

"But iniutos lang yun sa kanya. Nung nasa States ka, I heard something into a room. Hindi ako pumasok basta nakinig lamang ako kasi parang voice record naman sya."

Flashback

Habang naglalakad sa may hallway kung saan wala na ang mga estudyante sa school, nandun si Saphire para magimbestiga or maghanap ng clue na makakatulong sa kanila sa kaso.

Napadaan ito sa isang kwarto at may narinig na parang nagsasalita pero voice record lamang ito.

'Stephen, I need to ask a favor.'

'What is it?'

'Do you know Rhea? A friend of Saphire?'

'Yeah. Why?'

'Can you get her for me. I need to ask something.'

'Ask? About what?'

'What did she know about how Saphire died.'

'You mean?'

'She's investigating about the case. She was enrolled here. I think it is better to dispose her.'

Bigla lamang wala syang narinig.

Tinry nyang pumasok sa loob pero wala ng tao. Bukas ang bintana na para bang may magnanakaw na kumuha niyon. Pero hindi na niya hinabol kasi hindi na niya naiintindihan ang nangyayari.

End of Flashback

"Talagang sunud sunuran lamang si Stephen." At tumango tango naman si Saphire.

"I think nandun yun sa case na nakuha nina Marvean. Feeling ko si Klein talaga ang nag cocompile ng lahat ng evidences before Cloud get rid of it. All of you needs to end this, for us." Napabuntong hininga na lamang si Crissane.

"What do you mean?"

"Hmm."

"Why?"

"I think hindi ko na laban to Crissane. I already know who did that to me. And hindi lang sakin pati sayo kaya I will entrust everything on you."

Hindi makapaniwala si Crissane sa narinig nya.

"No. You should see it na mapakulong at magbayad sa ginawa nya sayo, satin." Umiling na lang si Saphire habang tumutulo ang luha.

"Crissane, pwede ko namang gawin yun doon. Pwede ko kayong panoorin kasama sina Head at Lola mo. They are guiding you, kaya gusto kong gawin rin yun."

Umuling-iling si Crissane na parang talagang ayaw nyang paalisin si Saphire.

"Crissane, please hayaan mong magpahinga na ako."

"Pero Saphire, paano ang family mo? Hindi mo ba sila gustong makita? Pwede mo gamitin ang katawan ko para mayakap sila. I will let you in, but please stay. Please." Pero ayaw pa din ni Saphire.

"Hindi na nila kailangan pang masaktan ulit. They already knew na patay na ako. Ayaw ko nang pahirapan sila ulit. And also, kaya lamang naman ako nagstay here is to know the reason and who killed me, kaya no need na ipagamit mo sa akin ang katawan mo."

"How about use me to kill Cloud?"

Hinawakan ni Saphire si Crissane sa magkabilang balikat at tinitigan.

"Crissane, yun ang hindi ko kayang gawin. I don't like your hands to be tainted by blood because of my grudge against him. There are still ways kung paano sya mapaparusahan." Lalong lumakas ang pagiyak ni Crissane kasi hindi nya matanggap ang desisyon ni Saphire.

"You know, the reason why kung bakit ayaw kitang paalisin? Kasi you are my only friend. Hindi ako nagkaroon ng kaibigan kasi I am a freak sa paningin ng mga nakakasama ko. Kaya gusto kong mapag-isa. Pero ikaw, nandyan ka palagi sa tabi ko. Kinocomfort mo ako. Tinulungan mo ako. Kaya ito lang ang kaya kong ibalik para sa mga ginawa mo."

Hinawakan niya ang mukha ni Crissane at pinunasan ang kanyang luha.

"Crissane, nandyan sila para sayo. Hinding hindi ka nila iiwanan, pangako. Alam mo ba ang turing namin sa isa't isa ay parang isang pamilya. At parte ka na ng pamilyang yun. Hinding hindi ka na magiisa. Hindi mo rin kailangan ibalik ang mga bagay na iyon. I am much grateful nung nakilala kita. Mas maswerte ako na nakasama kita."

Sa sobrang lungkot ng nararamdaman ni Crissane niyakap nya ito ng mahigpit at umiyak na parang walang bukas.

Pero hindi nya alam na ang katawan nya ay naapektuhan din.

The Psychopath [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon