FOURTEEN

17 1 0
                                    

CHAPTER 14

Stephen POV

Makarating ako dun sa address na sinned sakin, it was an abandon building.

Nung una parang ayaw ko pumasok pero, naglakad na ako para malaman kung bakit nya ako pinapunta dito.

Nang may naaninag na akong tao,

"Wow! I never thought na ikaw pala yan."

Hindi ko akalain na kilala ko pala kung sino yung nakakausap ko, at tumulong sakin.

Nakipag hand shake ako sa kanya. Like partnership ang lagay namin ngayon.

And I saw a man na nakatali sa isang chair full of blood.

"Who is he?" Lumapit ako para mas matitigan ko sya.

Pero kahit anong gawin kong titig hindi ko sya makilala.

"He is the investigator who found Klein's fingerprint dun sa crime scene. Saphire's case."

"I thought it was a clean kill kung i-huhulog sya sa cliff causing explosion para walang evidence yet may nakuha pa din sila?" Nagchuckle na lang siya.

"Kaya nga ginawan ko na agad ng paraan para hindi ka mabisto."

Lumapit sya dito and he snapped his finger dun sa mga tauhan nya.

"Watch me. I will teach you how to clean this kind of mess." Nakakatakot ang ngiti nya.

He was a real deal.

Tinanggal nila sa pagkakatali yung investigator tas inilagay dun maliit na mixer ng semento.

Wala rin kasi ito malay kaya binuhat ito papasok at binuhusan ng binuhusan ng buhangin at semento. Habang umiikot ang mixer tinapatan nya ito ng hoss na malakas ang tubig.

Nagsisisigaw ang investigator sa loob.

As in nakakatakot ang ginagawa nya.

Hindi lang pala basta tubig ang nasa hoss, mainit na tubig rin pala yun kaya umuusok.

Hanggang sa wala na kaming narinig na ingay.

"See. That's how you should do it." At lumabas na ng building.

Napalunok ako sa napanood ko. Yes, I killed a person because of him but yung ganitong way of killing? Mas okay pa ata yung ginawa ko.

1 shot, 1 kill.

Yung sa kanya, torture muna hanggang sa mamamatay.

Kailangan ko mag stay as I am ngayon kesa sa maranasan ko yung ginawa sa kanya.

Wyaine POV

May nareceive ako na text message that I need to go to school today. Hindi dapat ako papasok kasi death anniversary ngayon ni Saphire. I wanted to visit her.

Pero dahil may request na pumunta ako, kailangan ko pumunta since I have a responsibility. I need to set aside any personal matter kaya mahirap ang may katayuan.

Nang makarating ako sa school,papasok na sana ako ng hallway pero may biglang pinagkakaguluhan sa may gate malapit sa outside parking lot. Anlakas ng bulungan. Ano kayang meron?

Naramdaman ko na lang na nasa tabihan ko si Stephen.

"Ano naman kayang meron doon?"

Nagchuckle na lang ako ng hindi ko sya tiningnan. Gumalaw bigla ang crowd at parang may gini-give way-an sila.

At nakita ko ang isang babae na miss na miss ko na. Babaeng hinahanap hanap ng mga mata ko.

Bakit hindi nya sinabi na ngayon siya uuwi? Wait. Kasabay nya yung mga yun?

Pero napansin ko, her eyes were lifeless. No emotion.

Tiningnan ko si Stephen na parang gulat na gulat na makita si Crissane.

"Hi." She greeted. But it's not for me. Kay Stephen sya nakatingin.

Nagiba ang aura ni Stephen parang hindi sya makapaniwala na nasa harapan nya si Crissane.

"I think we need to talk." Sabay lakad naman ni Crissane papasok na parang hindi nya ako nakita. Sakit.

Crissane POV

We are now in his office.

"Welcome back." He said.

"Hmm. I think hindi mo inaasahan na babalik pa ako di ba?" Bigla syang napatigil sa paglakad papunta sa swivel chair. Pero ako naupo na sa sofa.

Tumawa naman sya na parang pilit.

"Hindi naman sa ganun. Nagulat lamang ako. You've been missing for a year."

"I am not missing. Namahinga lang ako ng kaunti. Nasobrahan ako sa pag rereview last time. But I think alam ko na alam mo kung nasaan ako." Kita sa mukha nya na hindi maipinta kung ano dapat magiging reaction nya.

Kumuha ako ng isang magazine sa center table at kunwari binabasa ko yun.

"You hired someone to kill me, right?"

Lumapit naman ito at umupo sa isa pang sofa sa side nitong mahaba.

"Maybe there is a misunderstanding. I ..."

"Nope. You really did. One of my friends said, they are your men. I think they killed civilians, akala siguro kami yun. Your men were misled."

Sinipa nya ang center table sa galit at nasa harapan ko na mismo sya. Nakahawak sa balikat ko at magkapantay ng level ang mukha. Pinakita na naman nya ang nakakatakot nyang mata pero hindi na ako matitinag.

Alam kong may hawak sya sa may bulsa nya pero hindi naituloy ilabas kasi may kumatok na guard.

"Ayos lang po kayo sir?"

Itinulak ko sya at tumayo ako. "Yes, he's fine. We are just doing something." Napatawa naman ako sa sinabi ko.

Lumapit na ako sa may pintuan para lumabas but, "Nga pala, enrolled na nga pala ulit ako dito. I am looking forward to your dream world." Sabay smirk at lumabas na ng office nya.

Narinig ko ang pagwawala nya at nandun pa rin yung guard.

"Hayaan nyo lang po sya. Mainiit ulo nun kasi di nakapaglabas." Tumawa naman yung guard.

The Psychopath [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon