CHAPTER 25
Wyaine POV
Andito na sya sa isang VIP room na binabantayan ng mga guards kasi may possibility na bumalik sila dito para pagtangkaan ulit si Crissane.
Tinititigan ko lang sya. Balot ng bandage ang ulo nya, she was supported by non-invasive ventilation, and has monitor in her right para sa vitals nya.
Bakit kailangan pang mangyari to? Masyado akong nagpakampante sa sinabi nya nung gabing iyon.
Flashback
"Wyaine, mag-ingat ka ha?" sabay yakap nya sakin.
"Mas mag-ingat ka! Sasamahan na lang kita."
"No. I can handle it by myself." Ramdam ko yung ngiti sya sa pangitan ng aming pagyakap.
End of Flashback
Dapat talaga sinamahan ko na sya! Dapat hindi ko na siya iniwan sa secret basement.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto at footsteps na pagpasok. Pumasok sina kuya Jhonny at kompleto sila. Agad namang lumapit si Alisa kay Crissane at hinawakan ang kamay.
"Gumising ka na agad ha?" Tutulo na sana ang luha nya pero lumihis sya ng tingin para hindi tumuloy ang pagiyak nya.
Tinap naman ni Kiro ang likuran ni Alisa sabay sabing, "She will be fine."
Hindi pa sila nakakatagal, biglang nagsalita si Kuya Jhonny.
"Wyaine, tara muna sa bahay. We need to talk. Alisa, ikaw muna magbantay sa kanya ha?" Tumango naman si Alisa at naglakad na sila palabas. Sumunod naman ako.
Nang makarating kami sa bahay nagstop kami sa may lamesa.
"Wyaine, I guess we need to tell you the truth." Seryosong simula ni Kuya Jhonny.
"Truth? About what?"
"Your real identity." Simpleng sagot ni Marvean.
"Ano bang pinagsasabi ninyo? Ako lang to si Wyaine." Napatawa naman ako sa behavior nila. Pero sila? Napaka seryoso ng mukha nila.
"Wyaine, your father was the Headmaster of Somerset University."
Hindi ko alam kung anong irereact ko.
"Mga baliw ba kayo? Napakaimposible yang sinasabi nyo. I was left behind my parents sa orphanage."
"Orphange sponsored by your father."
Bigla kong naalala na laging pumupunta doon si Headmaster. Nakikipaglaro at lagi akong hinahanap.
Flashback
"Mister, bakit po pala parati kayong pumupunta dito? Wala po ba kayong pamilya?"
Umiling lamang sya.
"Wala akong kasama, nagiisa lang ako sa bahay."
"Bakit po?" tanong ko naman sa kanya.
Tumingin sya sa malayo at nagsalita.
"Namatay ang asawa ko sa sunog kasama ng kaibigan ko na naging pangalawang asawa nya. Ang anak ko naman inilayo ko sa akin para hindi sya mapahamak ng dahil sa anak ng mag-asawang yun." Sabay ngiti nya sakin.
"Bakit hindi nyo po hanapin yung anak nyo?"
"Nakita ko na sya, pero hindi ko magawang magpakilala kasi baka may mangyaring masama sa kanya."
End of Flashback
Tumulo na lamang ang luha ko ng maalala ko yun.
"Walang nakakaalam ng tunay na pangalan ni Head kundi ako, si Marvean, Teir, Saphire, Cloud at... Crissane."
Sobrang nanghihina ako sa mga naririnig ko at sinasabi nila. Nakakasama ko na pala ang ama ko?
"Wala ring nakakaalam kung nasaan ka. Kasi hindi niya kilala who is the real psychopath kaya talagang itinanago niya ang identity mo. Pero alam ni Cloud ang tungkol sayo. Kaya sya pumasok sa SU."
Hinayaan ko na lang si Kuya Jhonny magsalita.
"Matagal ko ng kilala si Headmaster Alfonso Amadeo. Siya ang nagpa-aral sakin. Ako yung nagpapadala ng allowance mo habang nag aaral ka sa ibang school. He decided to build a school para mas makasama ka nya. Pinagipunan nya ito at naipundar nya. Kaya babago palang sya yet naging popular sa buong Asia. Hindi ka ba nagtataka kung bakit nagkaroon ka ng full scholarship dito sa SU?"
Napailing na lang ako.
"It's because of him. Kaya ganito ka-prestigious ang school ay para maging comfortable ka and maibigay nya yung dapat para sayo in secret way. The reason of being a member of Pentagon, ay dahil din ni Head. Kasi ikaw ang susunod na magiging may-ari ng SU. Kaya gusto nya magkaroon ka ng exposure in leadership."
"But who is the real psychopath?" Singit na tanong ni Kiro.
"Cloud. He is the stepson of our Headmaster."
Napa wow naman si Kiro.
"He was the one who killed his parents when he was 14 years old. But later on, he became interested in the corporation kaya sinimulan nyang hanapin ang Certicate of Ownership ng kanyang ama, kasi pangalawa sa may biggest shares ang father nya. But it disappeared. Akala nya kasama sa nasunog nung araw na yun pero nalaman nya na nasa papa mo iyon, kaya pumasok sya sa SU para makuha yun. And then your father died." Kwento ni Kuya Jhonny.
"You mean, hindi suicide ang nangyari? At hindi din si Stephen ang may gawa?"
Tumango si Kuya Jhonny.
"The reason naman kung bakit galit na galit si Stephen and pretending to be a psychopath, ginamit sya ni Cloud. Cloud frame you up na ikaw ang pumatay kay Sirene that day. Cloud testify as witness pero hindi napush through ang kaso kasi binura nya ang evidence which was na-retrieved ko naman. Sinend ko ito kay Stephen. Hindi ko alam kung napanood niya yun. Also, kaya sya ang nadidiin as the real psychopath because Cloud's identity was switched to him."
"Ibig sabihin ang pagkamatay ng Lola ni Crissane at ni Rhea, hindi si Stephen ang gumawa?" Tanong ko ulit.
Tumango ulit si Kuya Jhonny.
"About sa pagkamatay ng lola ni Crissane, silang dalawa ni Marvean ang nainvestigate nung nasa States siya." Sabay turo kay Marvean.
"There are two assumptions ang nabuo namin ni Crissane nung iniembistigahan namin ang pagkamatay ng Lola nya. First, hindi gusto ni Lola Sivila na maging kapalit ni Sir Rafael si Cloud. Kasi kapag napa-sa-kanya ang certificate of ownership pihado may gagawin yun na kababalaghan para mapasakanya pati buong company." Kwento ni Marvean.
"Ano bang relationship ni Lola Sivila sa Corporation? Bakit naman nadawit sya rito?" Isa ko pang tanong.
Sa tunay napakadami ko pang gustong itanong sa kanila pero kailangan hinay hinay para hindi maging magulo.
"Pangatlo sa may biggest share sa Prime Alfonso Corporation. Kaya nagkaroon ng full scholarship si Crissane. Kaya yan ang pangalawa sa assumption namin. But when Crissane visited their house, may nakita syang envelope."
"Envelope?" Tanong ni Kiro.
Hindi niya alam ang tungkol doon?
"Yes. The will and also the Certificate of Ownership ni Head ang laman nun."
"Chineck ko ang authenticity nun, pero sinabi ni Kuya Jhonny sya daw ang kumuha nun sa loob ng vault ni Head sa office niya. Iniutos daw yun ni Head." Paliwanag naman ni Teir.
"Yes. Ako kumuha nun. Binigyan nya ako ng emergency key ng vault kung sakali man na bigla nya itong ipakuha sakin. At ang main key nun ay yung ibinigay sayo ni Head."
Hindi na ako makaimik kasi ako na lang pala walang alam dito.
BINABASA MO ANG
The Psychopath [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
AkčníWhat is a psychopath? "Most people might assume this describes someone who is reserved, a loner, keeps to himself, etc. However, this is not the case in Anti-social Personality Disorder or ASPD," he explains. "When we say anti-social in ASPD, it mea...