TWENTY-SIX

11 0 0
                                    

CHAPTER 26

Wyaine POV

"Pero paano napunta yung envelope kay Lola Sivila?" Dagdag kong tanong.

"Yun ang hindi pa namin alam. Pero sabi ni Crissane, maaaring may kinalaman naman yun sa pagkamatay ni Rhea. Because Rhea is working with Saphire. They were not just friends."

"Sabi ni Stephen hindi daw sya ang pumatay kay Saphire. Si Cloud din ba?"

"Yes. According to our investigation, nalaman ni Cloud that the file after our Head died, ay naibigay na kay Saphire. And we found out na yung file na nakay Saphire ay yung Certification of Ownership and the Will and Testament ng father nya. Nasa kotse yun ni Saphire. Buti na lang at hindi iyon ang nadala nyang kotse nung pinatay sya." Sabi ni Kuya Jhonny at hindi ko napansin na umalis pala si Teir para kuhanin ang dalawang envelope.

Ibinigay nya ito sakin at binuksan ito.

Both of the will, sakin nakapangalan.

"Yan ang dahilan ng pagkamatay nilang lahat. Take good care of it. Yan ang hinahanap nya." Sabi ni Kuya Jhonny.

"Any time, makikita na ni Cloud na wala ng laman ang vault once na nakarating na sya sa States." Sabi ni Marvean at pumunta sa ref para kumuha ng bear.

"Bakit sakin nakapangalan ang both will nila?" tanong ko pa ulit.

Andami ko talagang tanong lalo na itong will nila.

"Silang dalawa ay hindi tulad ng ibang mag-kaibigan. They trust each other kahit may ganun na nangyari, like an affair. Well, hindi naman natin masisisi ang iba kung iba ang approach nila sa situation nina Sir Rafael. Simula't sapol, ang Certificate of Ownership ni Sir Rafael ay nakay Head. Napadagdag lang ang Will nung maobserbahan na niya at lumalabas ang tunay na ugali ng anak nila. Mahalaga din kay Sir Rafael ang Corporation, lalo na at pinaghirapan ito ng Papa mo. Kaya minabuti nya na ang Will ay ipangalan sayo dahil alam nya, na alam ni Head kung nasan ka."

Mas madami pang alam ang mga kaibigan ko sa pamilya ko kesa sakin.

"But we are investigating kung bakit nasa Lola Sivilia yung envelope ni Head na kinuha ni Kuya Jhonny." Sabi ni Marvean.

"Di ba sabi mo Kiro, may file dyan si Saphire. Ano ba talaga laman nun? Alam daw ni Crissane ang password. How is it possible?" Nagchuckle lang sila.

"But we already opened it. Nilink namin sa PC ni Kiro ang system namin sa States nung nandun pa si Crissane. Come here." Sabi ni Teir dahil kinuha na pala nya yung laptop nya.

"May isang folder kaming hindi binuksan. Coz' we thought na para sayo yan. Pero itong isa was the voice recording inside the office of Head nung nangyari na pinatay sya ni Cloud." He played the recording and it was their voice.

'What brings you here, Cloud?' tanong ni Head.

'Nothing. Just visiting my Stepfather?' Patanong din ang sagot nya.

Narinig namin ang mahinang tawa ni Head.

"Nasan ang recorder na yan?" Tanong ni Kiro.

"I installed it. Nakita mo ba yung isang souvenir dun? Yung circle na glittered ang loob with father and son na nakaupo sa bench?" Tanong ni Marvean.

Tumango na lamang kami ni Kiro.

"The micro recorder there is the button itself. Once na nakaopen ang ilaw ng souvenir, mag rerecord yun. Kada pumasok si Cloud sa loob, nakarecord lahat ng usapan nila. Which is naka save naman sa system namin sa States."

'You have it, am I right?' biglang salita ni Cloud kasi tumahimik sila after the greeting.

'Have what?'

'Don't deny it. I know you have it, since then.'

'What if I do?'

'Give it to me. It's mine.'

Bigla nalang tumawa ng malakas si Head.

'Yours? How is that so?'

Biglang may malakas na pagpalo sa lamesa ang nagpasakit ng tenga ko. Anlakas.

'It was mine in the first place when they died.'

'Because of you?'

Tas tumahimik nung sinabi yun ni Head.

'Don't be like that. I know your weakness. His existence.'

'Ackkk!'

"Sinakal ba si Head?"

"Nope. Potassium was injected to him."

May mga narinig kaming noise na para bang inupo nya si Head at may inilagay sa lamesa.

'Sleep tight, forever.'

Then nag end na ang recording.

"He was using you, Wyaine sa mga plano nya. Kaya magingat ka! Ikaw lang ang target nya kaya pihado, your life is in danger. Once na namatay ka, he is the legal inheritor ng corporation kasi mawawalan ng bisa ang Will and Testament nilang dalawa." Pag wa-warning sakin ni Kuya Jhonny.

Doble ingat talaga ang kailangan ko. Lalo na at kailangan kong protektahan sya. She knows everything.

Nagring na lang bigla ang phone ni Kiro.

"Ano oras kayo babalik dito? Nagugutom na ako." Rinig na rinig naming ang boses ni Alisa. Sumisigaw na ata.

"Ito na pabalik na! What do you want?" Ako na yung sumagot.

"Jollibee." Sabay hang up.

Napatawa na lang kaming lahat. Hindi man lang ako pinasalita bago patayin. Itatanong ko pa sana ang condition ni Crissane.

Tumayo na kami at nagready na papunta sa hospital pero pinastop ako ni Teir.

"This is yours." Inabot nya sakin ang usb at inilagay ko naman sa drawer ko kasama ng dalawang envelop."

Matatapos din ang lahat ng to.

Akala ko talaga iniwan ako ng pamilya ko kasi hindi nila ako mahal. Pero bakit hindi ko naman nakilala si Head kung sya talaga ang tatay ko di ba?

Siguro dahil makakalimutin ako kaya ganun. O baka hindi ko sya nakikita dahil lagi syang nasa trabaho. Ang tangi ko lang kasing natatandaan ay mukha ng mama ko.

Ewan ko ba. Bakit late ko na nalalaman ang mga bagay bagay.

"Nga pala," Pigil samin ni Marvean.

"Muntik ko ng makalimutan. I found case in Cloud's office."

Sabay lapag nya sa lamesa.

Pagkabukas namin, puro sa flash drive and hard disk.

"Nagtry ako magopen ng isa dyan and I think they are all CCTV recordings na hinahanap natin."

Hahawakan ko sana pero pinigilan ako ni Kuya Jhonny.

"Don't touch it. Pwede tayong makahanap ang evidence sa fingerprint dyan."

"I already did. Kay Klein na fingerprint and nandyan, wala ng iba. Pero as per them parang babago pa lamang daw yun. Kasi hindi nagfade ang fingerprint. More like the time na nakita ko yung case." Sabi ni Marvean.

"Maybe it is safe to assume that, he is one of us." Sabi naman ni Teir.

"What do you mean?" Tanong ko.

"Hindi mo ba napansin? The fingerprint that day na namatay si Saphire dun sa debris? Parang intentional na inilagay nya yun doon. Like he was leading us to someone. " Teir explained.

Pero sa totoo nagtataka din ako noon lalo na nung pinakita nya ang mukha nya sa camera dun sa bahay nina Crissane. If he is really the killer, he will stay himself hidden.

"For me, parang tinutulungan nya tayo na mahuli si Cloud. Since he is really the real psychopath."

The Psychopath [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon