Scarlet's POV
"Are you ready kids?" masiglang tanong ni Chris sa kanila.
"Yes po!" sabay na wika ng mga anak ko
"Sige mauna na kayo doon ha? Sasabay na lang si Mommy sa mga kawork niya okay?" malambing kong saad sa kanila.
"Hindi ka sasabay sa amin Mommy?" malungkot na wika ng bunso kong si Violet
"Hindi baby pero mag kikita naman tayo doon, kase sinabihan ni Mommy yung mga kawork niya na sabay sabay na sila pupunta kaya kailangan kasama nila si Mommy papunta doon kase hindi nila alam ang lugar baby" mahabang paliwanag ko kay Violet
"Okay Mommy! Be safe!" sabay nilang sabi sa akin pagkatapos ay pumasok na sila sa kotse. Nilapitan naman ako ni Chris at hinalikan sa noo.
"Mag iingat ka Love, bilisan mo ah? I love you" pagkatapos ay hinalikan ako sa labi. Sandali lang yun ay kinalas niya na at pumasok na din siya. Kinawayan ko naman sila habang papaalis na ang kotse sila. Nang tuluyan na silang nawala sa paningin ko ay saka na ako pumasok sa kotse ko at ipinaharurot ito papunta sa kompanya ko kung saan naghihintay ang lahat ng empleyado ko.
Pagkarating na pagkarating ko doon ay nakita ko na agad ang excitement sa kanilang mga mukha kaya ipinarada ko na ang sasakyan ko sa may dulo at pinuntahan ay isang malaking van na iniwan ko na dito kagabi pa.
"Ngayon pasok na tayong lahat!" masayang sigaw ko sa kanila. Isa isa naman silang pumasok sa loob, nandoon na din sa loob ang driver na maghahatid sa kanila. Sumakay na din ako sa kotse at ipinaharurot ito papunta sa aming pupuntahan.
Pagkarating na pagkarating namin ay hindi ko parin mapigilan ang hindi mamangha sa lugar na ito. Napakaputi ng mga buhangin at ang tubig ay malinaw na malinaw na kulay asul, walang katao tao dito maliban sa amin. Kaya dinala ko muna sila sa kung saan kami tutuloy sa isang buong linggo.
Kanya kanyang kuha na sila ng mga susi sa kanilang mga kwarto at isa isa ding tumungo na dito samantala ako ay dumiretso na sa kwarto natutuluyan namin.
Doon nakita ko na natutulog ang mga bata, kaya niyaya ako ni Chris na maglakad lakad muna sa may dalampasigan at pumayag naman ako.
"I miss this time yung kaya pa kitang solohin" nakangiting sabi sakin ni Chris
"Sulit sulitin mo na" sabi ko sa kanya. Hawak kamay kaming naglakad papunta sa dalampasigan, tanghaling tapat at kahit mainit ang panahon napakalamig naman ng tubig sa dagat. Nagtuloy tuloy kami sa paglalakad ng makasalubong namin sina Louie at Stacey na naglalakad din sa may dalampasigan.
Hawak ni Louie ang tyan ni Stacey na para bang hinihintay niya na lumabas na ang bata sa sinapupunan nito. Humigpit naman ang hawak ko sa kamay ni Chris, siguro napansin niya ito kaya inayos niya ang pagkakahawak sa akin na parang may inaalo niya ako sa paraang iyon. Tinignan ko naman siya at nakita ko sa mmata niya ang sakit pero ngumiti parin siya sa akin ng napakatamis.
Nang iniangat ni Louie ang kanyang ulo ay tila nagulat pa siya ng makita kami ni Chris sa harapan niya, siguro dahil din sa napatigil siya ay napalingon na din si Stacey sa direksyon namin.
Nang makita niya kami ay napalitan bigla nang inis ang kanyang mukha. Si Louie ay tulala parin na nakatingin sa akin na tila ba ay parang nakakita siya ng multo sa harapan niya.
"Bakit kayo nandito?" mataray na tanong sa amin ni Stacey.
"Syempre, ako ang nagrenta nitong buong resort at isla kaya natural lang na nandito ako" nakataas kilay kong sagot sa kanya. Tila naman napahiya siya kaya kinalabit niya si Louie pero natulos parin ito sa kinatatayuan
YOU ARE READING
The Ex Wife's Sweet Revenge
RomanceThis is story about a married couple who's marriage fall because of the husband having an affair with someone. Then his innocent and caring wife change into a strong, coldhearted person she could be. After for how many years of departed they meet ag...