Scarlet's POV
Pagkatanggal pa lang ng tali sa akin ay bumagsak na ako sa sahig dahil sa sobrang panghihina. Tila hinde ko na maigalaw ang buo kong katawan
"Scarlet I still love you" naluluhang wika sa akin ni Louie. Nakikita ko ngayon sa mga mata niya ang pag sisisi at pagmamahal
Bakit ngayon pa? Kung kailan umabot na sa ganito ang sitwasyon? Kung kailan nasa bingit na ako ng kamatayan? Napangiti pa rin ako sa tinuran niya, ngayon ko lang din napagtanto na hinde pa rin pala nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya
Napalitan lang iyon ng galit at sa kagustuhan kong makabawe sa lahat ng ginawa niya sa akin ay humantong sa ganito ang lahat
Sasagot pa sana ako sa kanya nang makita kong binaril ni Stacey si Mama, bigla namang nawala ang panghihina na nararamdaman ko
Nakaramdam ako bigla ng galit na siyang naging dahilan para makapunta bigla sa kanya, ininda ko ang sakit at panghihina na nararamdaman ko
Kinuha ko mula sa kanya ang baril habang nasa iba ang kanyang atensyon, binaril ko bigla ang dalawang kasama niya sa binti dahil nakita ko na nakatutok na sa akin ang kanilang mga baril kaya inunahan ko na sila
Hinde ko alam kung saan ako ako nakahugot ng lakas o ng tapang para gawin ang lahat ng iyon pero bigla ko na lang nagawa lahat
Pagkatapos non ay nararamdaman ko na ulit na nanghihina na talaga ako pero hinde pa ako pwedeng tumigil kailangan ko munang masiguro na wala nang masasaktan na iba pa si Stacey
Bigla na lamang akong sinugod ni Stacey at nakipag agawan sa akin ng baril pero kahit nanghihina ako ay hinde ko hahayaan na makukuha niya ito sakin ng ganun kadali
Pero dahil mas lamang siya sa akin sa lakas ay sa huli ay nakuha niya pa rin ang baril mula sa akin, nakita ko pa na itinutok niya sa akin ang baril at kinalabit niya kaagad ang gatilyo
Ipinikit ko ang mga mata ko, handa na akong matamaan ng bala pero ilang saglit pa ay hinde ako tinamaan ng bala. Iminulat ko ang mga mata ko at nagulat sa nakita ko
Si Mr. Lee ay nakahandusay sa sahig. Sinalo niya ang bala na dapat ay para sa akin, doon ako napaluha. Kaya niya ginawa yun dahil sa pagmamahal sa akin. Kahit kanina ko lang nalaman na siya ang tatay ko, nagpapasalamat ako at the same time nalulungkot sa mga nangyayari
"Pati sarili nating tatay Stacey!" tapos ay napapaluha na ako, lumapit siya sa amin. Hinawakan naman ni Mr. Lee ang pisnge ni Stacey at may sinabi sa kanya
Tapos ilang saglit lang ay nahimatay siya, gagalaw pa sana ako nang makaramdam ako ng kamay na humawak sa buhok ko
"Kasalanan mo ang lahat ng ito!!" sigaw sa akin ni Stacey, may luha din ang kanyang mukha at sa akin ibinunton ang lahat ng galit niya
Ngayon ay wala na talaga akong magagawa, hinde na kaya ng katawan ko ang lumaban pa sa kanya. Napapahawak na lamang ako sa kamay niya para bitawan niya ang buhok ko pero kahit anong gawin ko ay wala pa rin
Napakasakit ng pagkakahawak at hila niya sa buhok ko, napakahigpit nito na tila tatanggalin niya ang buhok ko anumang oras
Nakarinig kami ng siren ng pulis at ambulansya, nataranta naman si Stacey at basta basta nalang binitawan ang buhok ko
Pero pabagsak niyang binitawan ang ulo na para bang sinadya niya ito. Hinde ko na natansya ang pagkakabitaw niya sa akin, naramdaman ko na lang na bumagsak ako at ang ulo ko ang unang tinamaan
![](https://img.wattpad.com/cover/224354365-288-k424814.jpg)
YOU ARE READING
The Ex Wife's Sweet Revenge
Любовные романыThis is story about a married couple who's marriage fall because of the husband having an affair with someone. Then his innocent and caring wife change into a strong, coldhearted person she could be. After for how many years of departed they meet ag...