Chris' POV
Sa loob ng sampung buwan, pag aayos ng kasal namin ni Scarlet at ang pangungumbinsi lang kay Jane ang ginagawa ko
Hinde sa nangingialam ako sa kanya pero handa akong sustusan sila ng pamilya niya, ayoko lang na malaman ni Scarlet na may anak ako sa iba
Ayokong makawala pa sa akin si Scarlet, mahal na mahal ko siya. Gagawin ko ang lahat manatili lang siya sa akin
Pero nangyari din ang kinatatakutan ko, nandito kami ni Jane sa cafe na minsan kong pinagdalhan kay Scarlet
"Please Jane pumayag ka na sa gusto ko" yan ang unang mga salitang lumabas sa bibig ko. Desperado na kung desperado, ayoko lang na may mga hadlang sa aming dalawa
"Yan lang pala ang dahilan kaya mo ako dinala rito?" mataray niyang tanong sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya na sawa na siyang pakinggan ang araw araw kong pangungulit ko sa kanya
"Pagbigyan mo na ako, sa susunod na taon na ang kasal namin ni Scarlet. Ayokong malaman niya ang tungkol kay Drake. Iiwan niya ako, natatakot akong iwan niya ako kapag nalaman niya yun" mahabang lintaya ko, lahat ng sinabi ko ay totoo. Natatakot talaga akong iwan ako ni Scarlet. Naging blanko naman ang mukha ni Jane pagkasabi ko nang mga katagang yun
"Pero wala kang karapatang paalisin ako sa trabaho" matigas at walang emosyon niyang sambit sa akin. Kailan ko kaya makukumbinsi ang babaeng ito? Hirap na hirap na din akong magtago kay Scarlet, pero wala akong lakas na sabihin sa kanya dahil napangungunahan ako ng takot. Takot na baka iwan niya ako kapag nalaman niya ang totoo.
Magsasalita pa sana ako ng bigla muling magsalita si Jane
"Kung ayaw mong malaman niya na may anak ka sa akin, hayaan mo na lang ako Chris. Masaya ako sa trabaho ko ngayon" tila nauubusan na siya ng pasensya sa akin
"Huwag na huwag mong sasabihin Jane, ayokong mawala siya sa akin" hiling ko sa kanya, hinde ko na alam ang pinag gagagawa ko ngayon pero ito ang sa tingin kong makakabuti para sa amin
Magsasalita pa sana akong muli nang marinig ko ang boses ni Scarlet, takot ang bumalot sa buong sistema ko
"Ano ang ayaw mong sabihin sa akin Love?" tanong ni Scarlet. Sabay pa kaming napalingon sa kanya ni Jane, bigla naman akong kinabahan at nag iisip nang kung ano ang pwede kong isasagot sa kanya. Narinig niya kaya ang usapan namin?
Sabay kaming nagulat ni Jane nang makita namin si Scarlet na nasa harapan na namin
"K-kanina ka pa ba Love?" nauutal na tanong ko sa kanya. Bigla naman akong kinabahan at natakot, natakot sa kung ano ang magiging reaksyon niya at kaba sa kung ano ang mangyayari ngayon
"Oo kanina pa at narinig ko ang lahat ng sinabi niyong dalawa!" bigla ay napataas ang boses niya. Kitang kita sa mga mata niya ang sakit, siguro dahil na rin sa kanyang mga narinig. Maluha luha na din ang kanyang mga mata na para bang pinipigilan ang mga luha na nais kumawala sa kanyang mga mata
"Anak mo pala ang batang yun, tinanong kita Chris tinanong kita! Pero nagawa mo paring magsinungaling sa akin!" nagsimula nang tumaas ang boses niya, nararamdaman ko mula doon ang gakit at sakit. Siguro nga mali talaga itong nagawa ko
"Bakit ka pa nagsinungaling sa akin?! Tatanggapin ko naman eh! Pero bakit nagsinungaling ka pa!" pagtaas muli ng boses niya, yung boses niya ay di ko mawari kung galit ba o nasasaktan. Hinde ako makasagot sa kanya, wala akong lakas para sagutin lahat ng mga sinabe niya
![](https://img.wattpad.com/cover/224354365-288-k424814.jpg)
YOU ARE READING
The Ex Wife's Sweet Revenge
RomansaThis is story about a married couple who's marriage fall because of the husband having an affair with someone. Then his innocent and caring wife change into a strong, coldhearted person she could be. After for how many years of departed they meet ag...