Chapter 16

2.2K 50 3
                                    

Scarlet's POV

Maaga akong nagising at bumangon, wala na si Chris sa tabi ko kaya dumeretso ako sa kwarto na pinagtulugan ng kambal ngunit wala na din sila ng madatnan ko doon. Nakakita ako ng note sa ibabaw ng kama nila at pinulot yun.

Love,

Umalis na kami ng mga bata para makauwi na. Hindi daw sila sany sa pinagtulugan nila, hindi ka na namin ginising dahil napakahimbing na ng tulog mo. Hintayin ka na lang namin ng mga bata dito sa bahay. Have a nice day love, I love you!

Sincerely yours,
Love

Napangiti ako sa mensaheng iniwa nila sa akin. Kahit kailan talaga hindi nawawala ang sweetness ni Chris sa akin. Kahit matagal na kaming magkasama, kung ano ang ipinakita niya nung una kaming magkita ganun pa rin siya hanggang ngayon. Kaya pagkatapos ng lahat ng ito. Magsesettle at sila na ng mga anak ko ang gagawin kong priority.

Bumalik na ako sa kwarto ko, naligo at naghanda na nang aking isusuot pagkatapos non ay bumaba na ako para mag almusal. Sakto naman at nakapag luto na si manang ng aming kakainin kaya kumain na ako at niyaya ko na din sila na kumain. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay manang na papasok na ako sa trabaho.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko at nagmaneho na papuntang trabaho. Habang nasa byahe ako ay naiisip ko kung ano kaya ang gagawin nina Louie at Stacey mabawi lang sakin ang bahay. Nang biglang pumasok sa isip ko na hindi ko pa pala natatawagan si Chris simula pa kaninang umaga. Kaya inihinto ko muna ang sasakyan sa may tabi at hinanap ang cellphone ko sa bag.

Ngunit kahit anong hanap ko sa cellphone ko ay hindi ko talaga mahanap. Nang biglang pumasok sa isip ko na naiwan ko pala ito sa tabi ng kama ko kaya dali dali kong inistart ang makina ng kotse at nagmaneho pauwi ng bahay.

Nagulat ako ng mapansing may kotse sa harapan ng gate ng bahay, sino naman kaya ang pupunta sa bahay na wala ako? Kaya pagkaparada ko pa lang ng kotse sa labas ng bahay ay pumasok na ako agad. Pagkapasok ko pa lang ay nagkalat ang mga gamit sa sala, may mga nabasag na din na mga gamit. Ano kayang nangyari dito? Makalipas ng ilang segundo ay nakarinig na naman ako ng nabasag na gamit at mula iyon sa kusina kaya dali dali akong nagtungo sa kusina.

Naabutan ko doon si Stacey, pinapagalitan ang isa sa mga katulog ng bahay na ito. At ano naman ang ginagawa ng babaeng yan dito?

"Diba sinabi ko sa inyo na ako ang masusunod sa bahay na ito?!" galit na asik niya sa kasambahay. Sumingit naman kaagad ako sa usapan.

"At sinong nagsabi sayo na ikaw ang masusunod sa pamamahay na ito?" lumingon siya sa gawi ko at tila nagulat na makitang nandoon ako sa bahay. Sandali lang iyon at napalitan agad ng galit at inis ang timpla ng kanyang mukha.

"Andito ka pala Scarlet. Diba dapat nasa trabaho ka?"

"Tinake advantage mo ang kaalamang pupunta ako sa trabaho at pumunta ka dito ng wala ako, hindi lang yun binasag mo pa ang mga pag aari ko, ang kapal talaga ng mukha mo para gawin ang lahat ng yan Stacey" dahil sa sinabi ko ay tumiim bagang siya. Ipinulupot ang kanyang mga kamay na parang nagtitimpi sa akin at sa presensya ko. Magtiis kang impokrita ka!

"Maghintay ka lang Scarlet mababawi din namin itong bahay mula sayo!"

"Well lets wait and see tignan natin kung mababawi niyo ito at pwede ka nang umalis Stacey, kasi hindi welcome ang isang tulad mo sa pamamahay ko" tumalikod na ako sa kanya handa na sana akong umalis ng bahay ng maramdaman ko siya sa likod. Humarap kaagad ako at pagkaharap ko ay naabutan ko ang kamay niya na handa na para sampalin ako kaya sinalo ko ang kamay niyang iyon at siya ang sinampal ko ng napakalakas sa mukha.

The Ex Wife's Sweet RevengeWhere stories live. Discover now