Louie's POV
Hindi ako makapaniwala, hinahalikan ako ngayon ni Scarlet. Kahit hindi ko aminin, namiss ko iyong mga halik niya. Mga haplos niya sakin.
Nagpatuloy ang halikan namin, lumalim, tumagal at mas naging mapusok. Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang pigilan ang sarili ko.
Mahirap magtimpi kay Scarlet, lalo na ngayon at nagbago na siya. Mas gumanda at mas lalong sumexy. Hindi na yata ako makapagpigil pa.
Mas hinalikan ko siya ng madiin at mas mapusok, sumasabay ang labi niya sa labi ko. Naglalabanan ang mga labi namin.
Patagal ng patagal ang halikan namin. Napapaungol na siya ng mahina sa paghahalikan namin. Nang akmang huhubaran ko na sana siya ng pang itaas ay bigla siyang tumigil.
"Makakaalis ka na" malamig niyag turan.
"Tapusin natin ang nasimulan na Scarlet" nakangising kong tugon.
"Makakaalis ka na Louie total natikman ko na ang labi mo" nakangiti niyang turan.
"Bakit hindi natin ipagpatuloy?"
"Dahil ayoko Louie. Tinikman lang kita" nakangisi at mapang asar niyang tingin.
"Tatandaan ko itong araw na ito Scarlet!"
Nakita ko pa siyang ngumisi bago alo nakalabas ng office niya. Habang pababa ako ng building ng kompaniya nila napansin ko ang mga nakatingin na empleyado sa akin.
Alam kong pogi ako pero hindi yun dahilan para pagtsismisan nila ako sa harapan ko pa mismo. Hindi ba sila nahihiya. Nakikita ko lang sila tapos yung iba kinikilig pa. Mga babae talaga ngayon ewan ko na lang.
Habang nasa byahe ako ay napapaisip ako, bakit ako hinalikan ni Scarlet? Hindi ako naniniwalang gusto niya lang akong tikman, alam kong may mas malalim pang dahilan. At bakit hindi siya mawala wala sa isip ko? Lubayan mo na ako Scarlet!
Pagkauwi ko sa bahay, sinalubong ako agad ni Stacey. Pero agad nagbago ang timpla ng kanyang matamis na mukha, napalitan ng pagtataka, selos at pagdududa.
"Hello love nandito na ako" akmang hahalikan ko na siya pero umiwas siya sa halik ko.
"Love bakit ka? Anong problema? May problema ba tayo?" tanong ko.
"Ikaw ang problema Louie!!! Gagawa ka na nga lang ng kasalanan yung malalaman ko pa!!"
"Alin? Ano? Anong ginawa kong kasalanan?" tanong ko.
"Tapos ngayon mag kukunwari kang wala kang alam?!! Huwag mo akong gawing tanga Louie! Babae din ako!" sigaw niya sa akin.
"Ano ba kasing kasalanan ko Stacey? Hindi kita maintindihan" naguguluhan kong tanong.
"Tignan mo ang mukha mo!" tapos umalis siya sa harapan ko.
Wala akong ka ide ideya kung bakit siya galit sa akin. Wala naman din akong ginawang masama. Naglalakad ako sa sala ng may maalala ako. Fvck! Dali dali akong pumunta sa harapan ng salamin at doon ko nakumpirma kung bakit siya galit sa akin.
May lipstick ang mukha ko! Scarlet! Kasalanan talaga ito ni Scarlet! Dali dali akong umakyat sa kwarto namin upang makapag paliwanag kay Stacey pero sinaraduhan niya ako ng pinto. Ayaw niya akong papasukin at ayaw niyang pakinggan ang mga sinasabe ko.
"Love, please love let me explain"
"Wala ka nang dapat pag iexplain sa akin Louie! Kitang kita ng mata ko!"
"Makinig ka naman sa akin please"
"Umalis ka muna Louie, wala kang mapapala sa akin ngayon! Huwag mo akong kausapin dahil ayaw kitang nakausap!"
Hindi ko na pinilit pa dahil ayaw kong mas lalo siyang magalit sa akin. Sana naman hayaan na ko ni Scarlet na magpaliwanag. Hindi ko naman sinasadya ang mga nangyare. Kasalanan talaga ito ni Scarlet. Napakatuso niyang babae. Makakabawi din ako sa ginagawa mo sakin ngayon Scarlet! May araw ka din sa akin.
Kaya lumipas ang gabi at sa sofa aki natulog dahil hindi ako pinapasok ni Stacey sa kwarto
Thank you guys, sorry if natagalan ang ud medyo busy. Sorry den if sabaw ang ud.😭😘
YOU ARE READING
The Ex Wife's Sweet Revenge
RomanceThis is story about a married couple who's marriage fall because of the husband having an affair with someone. Then his innocent and caring wife change into a strong, coldhearted person she could be. After for how many years of departed they meet ag...