Chapter 22

1.8K 29 4
                                    

Stacey's POV

Napabalikwas ako ng bangon ng pagbaling ko sa kabilang parte ng kama ay wala na akong makapa. Kaya pagbangon na pagbangon ko ay inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar upang hanapin si Louie pero wala siya.

Kaya naglakad ako papunta sa banyo at sa mini kusina nitong kwarto pero wala parin, aalis na sana ako ng kusina nang mapansin ko na may nakatakip sa ginta ng mesa. Pinuntahan ko iyon at binuksan, nanlambot ang puso ko nang makita ko ang ulam na nakahain dito. Isa itong adobong manok at may note sa gilid nito.

Babe,

Nagluto na ako ng kanin at ulam. Kumain ka muna bago mo ako hanapin. Nandito lang ako sa baba at nagpapahangin

Love,
Your babe Louie

Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa nabasa kong note, hindi pa rin pala nawawala ang sweetness niya sa akin. Kaya kumuha na ako ng plato at nilagyan ito ng kanin atsaka bumalik sa mesa para umupo at kumain.

Pagkatapos ko namang kumain ay naligo at at inihanda ang sarili ko para bumaba. Pagkababa na pagkababa ko ay inilibot ko agad ang paningin ko at hinanap agad si Louie. Hindi ko siya nakita pero nakita kong nagkukumpulan palibot sa apoy ang mga trabahante nila.

Kaya lumapit na lang ako at magtatanong. Nagbabakasakaling alam nila kung nasaan si Louie. Sa aking ikinatuwa ay nakita ko si Louie na kasama sila nang ako papalapit. Tinawag ko naman siya agad.

"Hello babe!" nilingon niya naman ako at agad na ngumiti sa akin

"Hi!" pagkatapos ay umupo ako sa tabi niya. Nagsimula namang tumugtog ng gitara ang isa sa mga trabahante nila kaya nakisama naman kaming dalawa ni Louie sa kasiyahan.

Masaya kaming nag uusapan at nagkakantahan nang makita naming papalapit dito sina Scarlet. Bigla namang umasim ang mukha ko. King saan nandoon kami kailangan ay nandoon din dapat siya! Papansin masyado!

Lumingon lingon pa sila upang maghanap nang mauupuan at sa minalas nga naman ang bakanteng mauupuan na lang ay ang lugar sa tabi namin. Kaya wala silang nagawa kundi ang umupo sa tabi namin

Hindi ko na magawang ngumiti dahil inaalis talaga ni Scarlet ang saya sa pagkatao ko. Basta nandito siya malapit sa amin ni Louie hindi ko magawang maging masaya.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang nakaisip nang ibang gagawin ang isa sa mga kasama namin dito, at yun ay ang spin the bottle. Ipinaikot na nila ang bote at ang unang tinuro nito ay si Scarlet.

"Truth or Dare po?" tanong sa kanya ng isang babae na sa tingin ko ay ang sekretarya niya.

"Truth" sagot naman ni Scarlet. Tinitignan ko siya ng masama ngayon. Alam niyo kung bakit? Simple dahil ayokong nandidito siya. Pero wala akong magagawa dahil parte siya nito at yun ang mas lalong nakakainis

"Meron ka bang isang pinagsisihan na ginawa mo sa buong buhay mo?" tanong nito sa kanya. Tila nagulat pa siya sa tanong pero ngumisi naman siya at sinagot ang tanong

"Oo naman meron" atsaka siya tumingin mismo kay Louie.

"Yun ay ang nagmahal ako ng taong hinde pala ako mahal" uto uto ka kasing babae ka kaya nababagay lang yun sayo!

"Yung akala ko mahal niya ako pero hinde pala" nanatiling naka'y Louie ang kanyang paningin, hinde niya ito inalis hanggang sa natapos na lang siya sa pagsasalita

Tinignan ko naman siya nang masama at alam kong nagbago ang ihip ng hangin. Sa masaya na napuntan sa tensyon.

Nagtuloy tuloy parin sila sa laro, hinde ko naman ito naeenjoy dahel sa naunang nangyari. Kaya ilang saglit lang din ang nagpaalam na muna akong pupunta ng restroom

The Ex Wife's Sweet RevengeWhere stories live. Discover now