Scarlet's POV
After nang naging proposal ni Louie ulit o ewan ko ba kung proposal ba yun ay umalis muna siya at ang sabi ay bibili lang daw muna ng makakain namin sa tanghalian. Naiwan naman sa akin ang dalawang makukulit na bata
"Mommy, thank you for telling us who our Daddy is" biglang sabi ni Scarlet
"Im sorry baby, kase tinago ko yun sa inyo ng matagal na panahon. Nagkaroon kasi kami ng malaking away ng Daddy niyo kaya ko yun nagawa" panghingi ko naman ng paumanhin sa kanila
Lumapit naman silang dalawa sa akin at niyakap ako.
"Its okay Mommy"
"We understand Mom" sabi nilang dalawa sa akin. Gumaan naman kahit papaano ang loob ko, thank you God for giving me such an amazing and good kids
"By the way Mommy, how about Tito Papa? We haven't seen him for days" sabi naman ni Violet
"Its adult stuff na babies okay? Kapag madischarge si Mommy dito mag uusap kami ni Tito Papa, so don't worry" sabi ko sa kanila sabay ngiti. Biglang bumukas ang pinto, akala ko si Louie na ang dumating
"Ano yang mga pinamili mo?" tanong ko sabay lingon pero ganun na lamang ang gulat ko nang hinde si Louie ang bumungad sa akin kundi si Chris, kasama si Jane at isang batang lalaki
"Tito Papa! Tito Papa!!! We missed you!" tapos ay tumakbo kaagad ang dalawang bata papunta sa kanya
Yumuko naman siya para malapit lang ang agwat ng tangkad niya pati ng mga bata
"I miss you too ofcourse andito may pasalubong ako sa inyo" tapos ay binigay niya ang isang supot sa dalawang bata. Tapos ang isa naman ay inilapag niya sa mini table na malapit sa hospital bed ko
"Babies, pwede iwan niyo muna kami ni Mommy? We have to talk about adult stuffs lang" tapos ay tinignan niya si Jane, siguro alam na ni Jane kung ano ang ibig sabihin nito kaya tinignan niya ang mga anak ko at niyaya sila palabas
"Kids, you know me right? Im your Tita Jane, this is my son Drake. Pwede kayong maglaro tatlo sa labas habang nag uusap si Tito Papa at Mommy" sabi niya sa mga bata bago siya tumingin sa akin. Tila nahihiya pa siya nang dumapo ang kanyang mga mata sa mga mata ko pero nginitian ko siya para iparating sa kanya na wag siyang mailang sa akin
Siguro ay nakuha niya kung anong ibig sabihin nun kaya ngumiti siyang muli sa akin, mas malapad at mas masaya na ngayon
"Bye mommy! We're just going to play outside with Drake" masayang wika ni Violet. Nakikita kong masaya siya na makakilala ng bagong kaibigan. Tapos ay lumabas na silang apat
"Kamusta ka na?" tanong sa akin ni Chris. Nginitian ko naman siya bago ko sinagot ang kanyang tanong
"Ayos lang naman, ikaw? Kayo ni Jane? Kamusta din ang lagay niya?"
"Maayos na din, I missed you love" nawala naman ang ngiti ko sa sinabi niya
"Tungkol pala jan, Chris hinde na natin pwedeng ipagpatuloy kung ano ang meron sa atin" malungkot kong saad
"Bakit?" tanong niya sa akin
"Alam kong mahal mo pa rin si Jane" nginitian ko na lamang siya habang sinasabi ko ang mga katagang iyon
"Ikaw ang mahal ko, maniwala ka" naluluha na niyang saad
"Yan lang ang gusto mong paniwalaan pero ang totoo mahal mo siya"

YOU ARE READING
The Ex Wife's Sweet Revenge
RomanceThis is story about a married couple who's marriage fall because of the husband having an affair with someone. Then his innocent and caring wife change into a strong, coldhearted person she could be. After for how many years of departed they meet ag...