Chapter 40

1.6K 33 2
                                    

Scarlet's POV



Hinde ko lubos akalain na ganun pala ang pinagdaanan ni Mama. Hinde na siya binalikan ng tunay kong ama



Gusto ko na sana siyang makausap, pero hinde pa ngayon dahil hinde pa daw ako pwedeng ma discharge kase kakagising ko lang



Nagpaalam naman saglit si Papa, uuwi lang daw saglit at titignan lang daw ang mga bata kasama si Louie, pumayag naman kami ni Mama



Para makapagbonding naman kaming dalawa, masaya kaming nag uusap sa mga bagay bagay. Napag usapan din namin ang tungkol sa pagbibigay ko ng pangalawang pagkakataon kay Louie



"Ma, ayos lang po ba sa inyo ang naging desisyon ko?" tanong ko sa kanya, tila naguluhan naman agad siya sa tanong ko



"Anong desisyon ang tinutukoy mo anak?" tanong niya pabalik sa akin



"Yung pagbibigay ko ng second chance kay Louie" tapos ay tinignan ko si Mama



"Sa tingin ko naman anak okay lang, kasi nakita namin kung paano mag alala sayo si Louie nung nalaman niyang nawawala ka. Nakikita ko naman din na nagsisisi siya sa ginawa niya sayo, wala naman ding masama kung bibigyan mo siya nang pangalawang pagkakataon. Basta anak maging maingat ka sa kung anong pwedeng mangyari" mahabang sabi sakin ni Mama



"Opo Ma, salamat" tapos ay nginitian ko si Mama. Nagtuloy tuloy pa ang pag uusap namin, magpapaalam na din sana siya nang biglang may kumatok sa pinto, tapos ilang saglit lang ay bumukas ito. Iniluwa nito ang bulto ng tatay ko, nang tunay kong ama



Nagulat pa si Mama pero mabilis siyang nakabawi at inayos ang kanyang sarili, nakatingin sa akin si Diego. Tapos ay nginitian ako, tapos non ay tuluyan na siyang pumasok sa silid ko



"Maaari ko ba kayong makausap?" tanong niya sa amin, buti at may isa pang upuan na natira na pinag upuan ni Papa kanina kaya doon siya naupo. Tinignan niya si Mama tapos ay ibinalik niya ang paningin sa akin, tumungo naman ako bilang pag sang ayon sa tanong niya



"Unang una sa lahat, Maria, patawad sa lahat ng nagawa ko sayo. Hinde ko yun sinasadya" tapos ay nilingon niya ako



"Anak ko, kay tagal kong hiniling sa Panginoon ang pagkakataon na ito, ang makilala at makasama ka. Pasensya na din kung hinde ka lumaki sa piling ko" naluluha niya nang saad sa akin, ayaw ko siyang pangunahan dahil hinde ko din alam ang side niya at yun ang gusto kong malaman



"Hinde mo ba kami hinanap?" tanong ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin at hinawakan niya ang aking mga kamay



"Hinanap ko kayo, pero hinde ko kayo mahanap. Ilang taon akong sumubok at naghanap pero wala, tapos yun pala ay napakalapit niyo lang sa akin" naluluha niyang saad



"Dad, pwede niyo bang ipaliwanag ngayon mismo kay Mama kung ano talaga ang nangyari noon?" tanong ko dito



"Anak wag na" sabi naman ni Mama pero nagsalita na si Dad



"Sige, anong gusto niyong malaman?" tanong niya sa amin, tinignan ko si Mama. Halatang hinde niya kayang itanong ito kaya ako na lang. Alam ko na ang itatanong ko ngayon ay ang matagal na ding tanong na palaging dumadalaw sa isip ni Mama



"Bakit hinde mo na binalikan si Mama gaya ng pangako mo?"



"Alam mo na pala ang tungkol jan, siguro binanggit niya na sayo" tapos ay pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mga mata



The Ex Wife's Sweet RevengeWhere stories live. Discover now