Scarlet's POV
Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong binuhusan ako ng tubig. Hindi lang basta tubig kundi malamig na tubig na siyang nagpagising agad sa diwa ko
Sinubukan kong galawin ang mga kamay at paa ko pero nakatali ito. Pahirapan akong gumalaw para makaupo
"Gising ka na ba?" napaangat ako ng ulo at doon ko nakita ang babaeng siyang naging dahilan kung bakit ako nandito ngayon
"Saan mo ako dinala?! Walanghiya ka pakawalan mo ako!" singhal ko sa kanya. Humalakhak naman siya biglang tugon sa akin saka niya ako nginisian
"Matapang ka pa rin kahit na nakatali ka na" nakangisi niya pa rin wika
"I missed you a lot Scarlet" nakangising wika sa akin ni Stacey. Oo si Stacey ay kumuha at dumukot sa akin
"Lumaban ka ng patas Stacey hinde yung ganito!" singhal ko sa kanya. Sinampal niya naman agad ako
"Nananahimik na kami Scarlet! Bakit ka pa kase bumalik! Nasira tuloy ang lahat, iniwan ako ni Louie nang dahil sayo! Dahil sayo!" tapos ay hinila niya ang buhok ko. Napadaing naman ako sa sakit dahil napakahigpit ng hawak niya sa buhok ko
Binigyan ko naman siya ng nakakalokong ngiti bago ako nagsalitang muli
"Hinde ko kasalanan kung madali kong naakit muli si Louie, hinde mo kase siya binabantayan ng maayos" wika ko na tila nang aasar. Sinampal niya naman ako bigla. Parang namanhid ang aking pisnge dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin
"Tumahimik ka! Kasalanan mo itong lahat!" tapos ay sinampal niya ako ng paulit ulit, hinde naman ako makapalag sa kanya. Dahil nakatali ang mga kamay at paa ko
Pinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya sa akin, namanhid na ang pisnge ko sa tagal at dami ng mga sampal niya
"Talian niyo nga siya ng patayo!" sigaw niya sa dalawang lalaki na nakatayo sa may pinto at nagmamasid.
Inilibot ko ang aking paningin sa lugar na kinaroroonan ko ngayon, ngayon ko lang napansin na ito ay medyo luma na at wala nang tao ang namalagi dito sa tagal ng panahon. Nakasarado din ang mga bintana at tinakpan iyon ng itim na mga kurtina
Hinde ko alam kung saan ang lugar na ito, nahihirapan din akong mahanap ng pwede kong takasan dito kung sakali ay mabibigyan ako ng pagkakataon
"Pakawalan mo na ako Stacey!!" humalakhak naman siya sa sinabi. Halakhak na parang siya ay isang baliw
"Sa tingin mo ba ay papakawalan pa kita?! Ha?! Nang dahil sayo! Iniwan ako ni Louie!" bigla ang nagalit siyang muli at nagsimula na namang sampal sampalin ako
Hawak hawak na din ako ngayon ng dalawang lalaking kasama niya at tinatali ako ng patayo. Ang kanan kong kamay ay nakatali sa kanang bahagi at ang kaliwa naman ay nasa kaliwang bahagi
Hinde ko maintindihan kung bakit ngayon pa nag atubili si Stacey ang gawen lahat ng ito
"Sige saktan mo na ako! Hinde pa rin mababawe ang katotohanang ako ang nanalo sa ating dalawa Stacey, ako!" sigaw kong muli sa kanya. Ngayon hindi lang sampal ang iginawad niya sa akin, pati suntok na rin
Sinuntok niya ako sa may bandang tyan ko, hinde pa siya nakuntento at inulit niya pa yong muli
Nagsisimula nang manubig ang mga mata ko, dahil dobleng sakit ang naramdaman ko ngayon. Una, sakit sa puso dahil sa ginawa ni Chris at sa mga nalaman ko. Pangalawa, itong ginagawa sa akin ni Stacey ngayon
Pero walang wala ito sa sakit na ibinigay sa akin ni Chris. Lalo pa nung nakita ko kung paano niya titigan sa mata si Jane.
"Walanghiya ka talagang babae ka! Lahat na lang ay inaagaw mo sa akin!" sinampal sampal niya ako sabay tadyak sa ibabang parte ng katawan ko
YOU ARE READING
The Ex Wife's Sweet Revenge
RomanceThis is story about a married couple who's marriage fall because of the husband having an affair with someone. Then his innocent and caring wife change into a strong, coldhearted person she could be. After for how many years of departed they meet ag...