Chapter 4

3.5K 92 5
                                    

Scarlet's POV

Pagkatapos ng naganap na meeting ay umalis na ako kaagad dahil alam kong hindi palalampasin ni Louie ang pagkakataon para kausapin ako.

Sa buong oras na nagsasalita siya sa harapan ay binibigyan ko siya ng kakaibang tingin, yung tingin na pati mismo siya ay mapapatingin ulit sakin. Nasasayahan akong makita ang  paglunok niya tuwing siya ay titingin sa akin, nakakatuwang tignan. Mas ginaganahan akong asarin siya.

Well Im only starting HON, my revenge is just starting. Be ready to face the consequences of what you have done to me.

Napansin kong hinahabol niya ako sa likod kaya lumihis ako ng daan papunta sa kotse ko, doon muna ako namalagi at hinintay siyang makaalis bago ako umalis doon. Napakasayang makipagbiruan sa taong kagaya niya.

Pagkauwi na pagkauwi ko sinalubong agad ako ni Chris, napakasweet talaga nitong lalaking to.

"Hello love, napagod ka ba?"

"Medyo lang naman love"

"Kamusta ang naging meeting?" tanong niya.

"Ayos lang love, natutuwa akong tignan ang gulat sa mukha ni Louie para siyang nakakita ng multo na muling nabuhay"

Pero napansin ko ang paglungkot ng mukha niya pero ipinagsawalang bahala ko na lang yun. Alam ko ang ibig sabihin non.

"Kumain ka na?" iniba ko nalang ang usapan.

"Wala pa, hinihintay kita" sabi niya.

"Halika na kain na tayo" niyaya ko siya.

Habang kumakain kami napatingin ako kay Chris. Nagpapasalamat ako ng malaki dahil kung hindi dahil sa kanya hindi ko maabot ang kung anong meron ako ngayon. Kaya utang ko sa lalaking ito ang kasiyahang nararanasan ko, hinding hindi kita bibiguin Chris hindi.

*kinabukasan*

Maaga akong nagising at nagpaalam kay Chris at sa dalawa kong bulinggit na si Gray at Violet na pupunta na ako ng trabaho. Syempre ang mga malalambing na tao sa buhay ko ay binigyan ako ng matamis na mga halik.

Nang makarating na ako sa kompanya deretso ako sa office attinawag ang sekretarya ko.

"Alice, pakisabi sa secretary ni Mr. Dela Cruz na hindi ko nagustuhan yung presentation niya kahapon at ipupull out ko na ang shares ko sa kompanya nila"

"Yes maam"

Ngayon tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo Louie, nagsisimula pa lang ako at madami pa akong pasabog sayo. Maghintay ka lang and you'll see.

Alam kong kapag nalaman mo ito paniguradong magwawala ka lalo na at ako ay may pinakamalaking shares sa kompanya niyo.

Alam kong pupuntahan niya ako dito upang makipag usap sakin dahil sa ginawa ko kaya naghintay lang ako ng hintay at habang naghihintay nakaisip ako ng ibang paraan para sa pagdating niya mamaya.

Mga 2 oras ang nakakalipas nakarinig ako ng ingay sa labas ng opisina ko, andyan na siya. Nararamdaman ko.

Bumukas ang pinto at niluwa nito ang lalaking minahal ko noong nakaraang 6 na taon at ama ng mga anak ko.

"Mrs. Akatsuki bakit mo pinull out? Ang akala ko ba ay nagustuhan mo ang presentation ko kahapon?"

"Wala naman akong sinabing nagustuhan ko Mr. Akatsuki"

Sa pagsasalita kong yon ay mas lalo siyang natulala at nagulat, nakalipas ang ilang segundo bago siya muling nagsalita.

"Scarlet? Ikaw si Scarlet, hindi ako pwedeng magkamali"

"Buti naman at nahalata mo na HON" nakangiting wika ko sa kanya.

"Walang hiya ka talagang babae ka!"

"Sige pagsalitaan mo lng ako ng ganyan, kaninong kompanya kaya ang babagsak"

"Ginagawa mo ba ito dahil sa ginawa ko sayo noon?" tanong niya.

"Ano ba ang ginawa mo sa akin noon?" maang maangan kong tanong.

"Huwag mo akong gawing tanga Scarlet, aaminin kong madaming nagbago sayo pero alam kong ikaw parin ang dating Scarlet na kilala ko"

"People change ika nila Louie, hindi pang habang buhay ay ganon na lang ako. Kaya tanggapin mo na ang katotohanan na mas nakabangon ako ng wala ka" pagkatapos kong sabihin yun ay dahan dahan akong lumapit sa kanya.

Tinitignan ko siya ng may pagnanasa, susubukan kita ngayon Louie.

"Pero alam mo namiss kita Louie lalo na yung mga ginagawa natin noon"

"Tumigi-----"

Bago pa siya makapagsalita ay hinalikan ko na siya sa labi....

Thank you for reading guys!! Hope you like it😘

The Ex Wife's Sweet RevengeWhere stories live. Discover now