Scarlet's POV
I was busy here at my office nang biglang tumawag ang lawyer ko. Kinuha ko naman ang telepono at sinagot yun.
"Ms. Akatsuki? Yung pinagawa niyo po sa akin ay okay na. Pwede niyo na po iyong mabawi mula sa kanila"
"Kapag ba ginawa ko yun, makakapalag sila sa akin?" tanong ko dito.
"Hindi po maam kase in the first place sa inyo po yun nakapangalan. Kahit po asawa niyo pa rin siya wala po siyang karapatan doon"
"Thank you very much, I appreciated it!" masiglang ani ko sa kanya.
"Welcome maam. I will just call you again for the next update of this" at pagkatapos noon ay ibinaba ko na ang telepono.
May naisip akong magandang pambungad sa magandang balita na yun. I immediately called on of my yaya's. After a few seconds she picked it up.
"Hello maam Scarlet?"
"Hi manang! Namiss po kita!" masaya kong bati.
"Buti naman po maam at napatawag kayo! Namiss na din po namen kayo maam! Maam kelan po kayo babalik?"
"Just wait manang. Soon babalik ako jan. Ayy manang may ipapafavor po sana ako"
"Ano po yun maam?"
"Pakilinisan yung kwarto ko tapos po may dalawa papong bakanteng kwarto jan linisan niyo na rin po" magalang kong saad
"Eh maam may mga gamit po nila eh" medyo nag aalangan niyang sagot
"Alisin mo lahat manang, lahat ng gamit nila ay ilabas niyo ng bahay. Alisin niyo din po ang kahit anong gamit nila sa buong bahay mismo, uuwi po ako manang at may dadalhin akong kasama na siguradong matutuwa kayo"
"Ganun po ba maam sige po! Aayusin po namin itong lahat sa pagbabalik niyo!"
"Sige po manang salamat!" pagkatapos noon ay tinapos ko na din ang tawag.
Tignan lang natin kung ano ang magiging reaksyon nila sa gagawin ko! Just wait and see my guests! At napatawa ako sa sarili kong naisip.
Lumipas ang ilang oras at biglang tumunog ang telepono ko, pagtingin ko kung sino ang tumatawag, si manang pala.
"Hello maam! Tapos napo kaming maglinis, anong oras po kayo darating para po makahanda kami ng makakain?"
"Mamayang gabi po manang, kung magluluto po kayo damihan niyo napo dahil sasabay kayong lahat samin na kumain"
"Maraming salamat po maam. Sige po maghahanda na po kami" at ibinaba na ni manang ang telepono. Ako naman ay may ibang tinawagan at yun ay si Chris.
Mga ilang ring lang ay sinagot na din ni Chris ang tawag.
"Love napatawag ka?" malambing niyang tanong. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla akong napangiti marinig ko lang ang boses niya.
"Uhm love mamayang gabe magready kayo ng mga bata ah. Puntahan niyo ako dito sa office, may pupuntahan tayo ng mga bata" nakangiti kong saad
"Sige love no worries, see you later! I love you!"
" I love you too!" pagkatapos noon ay pinatay ko na ang tawag.
Let us just see later. Mukhang masisiyahan ako mamaya sa makikita ko. Inabot ako ng ilang oras dito sa opisina ko at pagtingin ko sa labas ng bintana ay madilim dilim na kaya nagpasiya na akong mag ayos ng gamit at sa baba na lang sila hihintayin. Sinabihan ko na din ng maaga ang aking sekretarya para makaalis na ako agad. Pagkatapos kong mag ayos ang dumeretso na ako pababa at sakto naman pagkababa ko ay dumating na sila.
YOU ARE READING
The Ex Wife's Sweet Revenge
RomansaThis is story about a married couple who's marriage fall because of the husband having an affair with someone. Then his innocent and caring wife change into a strong, coldhearted person she could be. After for how many years of departed they meet ag...