Scarlet's POV
"Did you all agree sa ating napagplanuhan?" tanong ko sa kanilang lahat. They all nodded.
"Sa wakas at magkakaroon tayo ng isang mahaba habang bakasyon at buong kompanya pa ang makakabenipisyo" sabi ng isa.
Tama, dahil sa sobrang stress na namin sa work ay naisipan ko munang magkaroon kami kahit na sandale lang na pahinga mula sa trabaho. Kada empleyado ay maaaring magdala ng kani kanilang mga pamilya sa aming pupuntahan. Nakapagreserve na ako ng buong resort para lamang sa aming lahat. Ito na din ang paraan ko ng pasasalamat para sa mga empleyado namin na masipag magtrabaho at ginagampanan ang kanilang mga responsibilidad.
"Now the meeting is adjourned" pagkatapos kong sambitin ang mga katagang yun ay isa isa silang naglabasan sa silid na ito. Ako naman ay inutusan si Jane na ipatawagang lahat ng empleyado ng kompanyang ito.
Makalipas ang ilang minuto ay nasa harapan ko na ang lahat ng mga empleyado, yung iba medyo kinakabahan na para bang nakagawa sila ng pagkakamali kaya ngumiti ako ng napakatamis sa harapan nila upang maibsan ang kabang nararamdaman nila.
"Maaga kayong uuwi ngayon total weekend naman ngayon, tapos mag impake kayo ng gamit for one week, magkakaroon tayo ng bakasyon the whole company!" masigla kong sabi sa kanila. Bigla namang lumiwanag ang kanilang mga mukha, ang iba ay nagsisigawan sa tuwa, ang iba ang nagpapasalamat at samut saring mga reaksyon pa ang nakita ko.
Masaya akong nakikitang masaya ang mga empleyado ko sa aking napagplanuhan.
"Isama niyo na din ang mga pamilya niyo, at wag kayong mag alala sa gastos, sagot ko na ito agad!" at doon sila naghiyawan lahat. Napangiti naman ako sa pinapakita nilang ekspresyon sa akin. Halatang pinapahalagahan nila ang isang simpleng bagay na ginawa ko.
"So tapusin na natin ang mga trabaho para mas maaga pa sa inaasahan tayong makakauwi!" nakangiti kong turan sa kanila.
"Yes po maam! Maraming maraming salamat po!" at pagkatapos non ay isa isa silang nagsipag alisan sa silid ako naman ay bumalik na sa opisina ko pero bago yun kinausap ko muna si Jane.
"Ikaw rin Jane, isama mo na din ang pamilya mo" malumanay ngunit nakangiti kong wika sa kanya. Ngumiti naman siya kaagad sa akin at sumagot
"Yes maam, again thank you po" nakikita ko talaga sa mga mata niya na sincere siya sa kanyang sinabi kaya mas ngumiti pa ako ng malapad sa kanya at iniwan na siya sa desk niya.
Ilang oras pa ang lumipas at papalubog na ang araw kaya ipinatawag ko ulit kay Jane ang lahat ng empleyado, mga ilang minuto lang ang nakakalipas ay nandito na naman sila sa harapan ko.
"Medyo dumidilim na kaya, lets call it a day na! Pwede na kayong umuwi, ihanda niyo na ang mga gamit niyo dahil maaga tayong aalis bukas ng umaga okay!"
"Opo maam!"
"Sige take care sa daan niyo pauwi" at pagkatapos non ay sinabihan ko na din si Jane na maaari na rin siyang umuwi at ako na lang ang maiiwan dito, ngumiti naman siya sa akin at nagpasalamat pagkatapos ay inayos ang mesa at mga gamit niya at umalis na ng building.
At gaya nga ng inaasahan ako na lang mag isa ang natira dito sa building, maliban sa mga security guards. Inayos ko na lang din ang lamesa atmga gamit ko tapos tinigdan kung naka lock na ang lahat bago ako bumaba. Ipinalock ko na din sa security guard ang mga pasukan at exit bago ako umalis, sinigurado ko muna na sarado na nga ba pagkatapos ay nagpaalam na rin ako.
YOU ARE READING
The Ex Wife's Sweet Revenge
RomansaThis is story about a married couple who's marriage fall because of the husband having an affair with someone. Then his innocent and caring wife change into a strong, coldhearted person she could be. After for how many years of departed they meet ag...