Stacey's POV
Tila hinde pa pumasok sa isipan ko kung ano ang sinabi ng nanay ni Scarlet. Napaka pakialamera niya!
"Tumahimik ka!" tapos ay sa kanya ko itinutok ang baril ko.
"S-stacey w-wag a-ang n-nanay k-ko" mahinang sabi ni Scarlet. Hinang hina na siya pero nakakapagsalita pa din!
"Tumahimik ka din Scarlet kung ayaw mong pagsasabugin ko lahat ng mga bungo niyo!" sigaw ko sa kanilang lahat, napako ang tingin ko kay Louie. Nakatingin lang siya sa akin na parang hindi siya makapaniwala sa mga ginagawa ko ngayon
Kung alam mo lang, para sayo ang lahat ng ito. Babawiin kita, maghintay ka lang. Hindi ko hahayaang bumalik ka pa kay Scarlet dahil akin ka lang Louie, akin lang.
"Tama na Stacey, sasama na ako sayo diba? Tama na. Pakawalan mo na si Scarlet, please"
Tapos ay inutusan ko ang dalawang lalaki na kasama ko na tanggalin sa pagkakatali si Scarlet, dumiretso naman ng takbo si Louie para saluhin siya. Nakatutok sa mga magulang ni Scarlet ang baril ng mga kasama ko kaya wala silang kawala
"Tumupad ka sa usapan Louie" maikli kong sabi sa kanya, lumingon naman siya sa akin. Ang mga mata niya ay umiiyak
"Yes I will. Just let me hold her for the last time" tapos ay hinawakan niya sa pisnge si Scarlet.
"Baby, stop now please. Daddy is begging. This is not good for you" nilingon ko naman si Daddy. His eyes are also with tears
"Please baby stop" yun na lamang ang nasabi niya tapos ay lumapit siya kay Scarlet habang sinasabi ang salitang 'anak ko'
"Dont tell me na magkapatid kami ng babaeng yan?!!!" sigaw ko. Hinde ko tanggap na magiging kapatid ko ang babaeng kinuha at inagaw sa akin ang lahat!
"Diego protect Scarlet!"
"Sabi nang tumahimik ka!" tapos ay pinaputukan ko sa binti ang nanay ni Scarlet. Napatumba naman ito at sinalo ito ng asawa niya
"STACEY!!!" galit na sigaw ni Daddy. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan
"Drop the gun, drop the gun NOW!" muling sigaw niya. Pero hinde ko ito ginawa. Sorry daddy, but I have to do this. I cant drop the gun
Nagulat na lamang ako ng biglang sumampal sa akin, paglingon ko si Scarlet. May lakas pa pala ang babaeng ito!
"Ayos lang sa akin na saktan mo ako pero ang idamay ang nanay ko, hinding hindi kita mapapatawad!" singhal niya sa akin
"Dad! Umalis na kayo dito! Dalhin niyo si Mama sa ospital!" napalingon naman ako sa gawi ng mga magulang niya at ginamit niya ang pagkakataon na yun para kunin sa akin ang baril at deretsong pinagbabaril ang dalawang lalaking kasama ko sa binti
Tapos ay lumapit si Daddy sa isa at si Louie naman sa isa at kinuha ang mga baril nila
"Wala ka nang kawala ngayon kaya Stacey tumigil ka na" nanghihina na talagang sabi ni Scarlet. Siguro kinuha niya lang ang lakas niya kanina dahil sa galit sa akin pero nanghihina pa rin siya
Kaya kinuha ko din yung pagkakataon yun para sugurin siya at kunin mula sa kanya ang baril. Kahit nanghihina na siya ay hinde niya pa rin binitawan ang baril. Nang tuluyan ko itong nakuha sa kanya ay diretso ko itong itinutok sa kanya at kinalabit ang gatilyo
YOU ARE READING
The Ex Wife's Sweet Revenge
Roman d'amourThis is story about a married couple who's marriage fall because of the husband having an affair with someone. Then his innocent and caring wife change into a strong, coldhearted person she could be. After for how many years of departed they meet ag...