Scarlet's POV
Ilang oras na din ang lumipas at medyo madilim na din sa labas pero hinde pa rin bumabalik si Louie dito, nasaan na kaya ang lalaking yon?
Kasama ko ang mga bata ngayon, naglalaro sila dito habang ako lang mag isa ang nakatingin sa kanila, dumalaw naman dito kanina si Dad para kamustahin ako. Tinanong ko din sa kanya kung ano ang naging sagot ni Stacey sa sinabi ko
Pero ang sagot niya lang sa akin ay hayaan ko na lang daw na si Stacey mismo ang magsabi sakin nun. Tila naguluhan naman ako don, pero ngumiti na lamang ako sa kanya kanina
Nagkaroon din sila ng oras na maglaro at magbonding ng mga bata, alam nilang lolo nila si Dad pero unti unti ko pa lang ineexplain sa kanila ang lahat, ayaw kong gulatin ang mga anak ko sa kung ano man ang nangyayari ngayon
Hanggang sa makaalis na lang din si Dad ay wala pa ring Louie na nagparamdam sa araw na ito simula pa kaninang umaga, pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ng libro dito nang biglang bumukas ang pinto. Akala ko si Louie iyon kaya kusa na akong nagsalita
"Bakit ngayon ka lang? Buong araw ka wala ah" tapos ay lumingon na ako, pero yung akala kong si Louie ang pumasok ay hinde pala, sina Mama at Papa pala at may dala dala din silang mga paperbags
"Si Louie ba yang tinutukoy mo anak? Hinde pa rin ba siya pumupunta dito?" tanong ni Mama sa akin, tinignan ko naman siya bago ko siya sinagot
"Wala pa rin Ma eh, hinde ko nga alam kung bakit pero iba ang pakiramdam ko dito" sabi ko kay Mama nang may nag aalalang tono
"Baka may ginawa lang anak, hayaan mo na. Dito o may dala kami ng Papa mong pagkain para sa inyo nang mga bata, alam namin na nagugutom na kayo" tapos ay isa isa nilang inilabas ang laman ng mga paperbags
Take out na pagkain lang ito mula sa restaurant, agad namang lumapit ang mga anak ko at nagmano sa lolo at lola nila bago nila nilantakan ang mga pagkaing dala ng mga ito
Binigyan naman ako ni Mama ng isang take out bago din sila kumain ni Papa nang sa kanilang dalawa
"Sya nga pala anak, nakausap namin ang doctor mo at ang sabi sa amin ay papalitan niya na lang daw yung mga bandage mo sa katawan at yang bandage mo sa ulo tapos ay pwede ka na daw madischarge mismo bukas" masiglang sabi sa akin ni Mama. Natuwa naman ako sa aking narinig
"Pero wag ka daw muna masyadong mag galaw at bawal ka sa mga mabibigat na trabaho anak kaya dahan dahan lang ha" sabi naman ni Papa sa akin, tumango naman ako sa kanya
"Opo Papa, mag iingat talaga ako" biro ko na lamang sa kanila, buti na lang talaga at mabilis maghilom ang mga sugat ko kaya ganito din ako kaagang madidischarge
"Yehey! Mommy will be home already!" masiglang wika ni Violet, nginitian ko na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain namin
"Yeah pero wag mo masyadong kulitin si Mommy, you heard Papshie right? Hinde pa pwedeng gumalaw masyado si Mama kaya wag matigas ang ulo" pangaral naman agad ni Gray kay Violet. Napangiti na lamang akong muli, napakaswerte ko talaga sa mga batang ito
"Of course kuya I know that! Stop telling me" tila naiinis na wika ni Violet
"Im just reminding you, silly" sabi naman sa kanya ni Gray at hinawakan siya sa ulo at ginulo ng kaunti ang kanyang buhok
"Hmph!" tapos ay nagpatuloy na sila sa pagkain
"Wag na nga kayong magtalo jan dalawa, ang mahalaga ay makakauwi na ang Mommy niyo" sabi naman ni Mama sa kanila

YOU ARE READING
The Ex Wife's Sweet Revenge
RomansaThis is story about a married couple who's marriage fall because of the husband having an affair with someone. Then his innocent and caring wife change into a strong, coldhearted person she could be. After for how many years of departed they meet ag...