Stacey's POV
Pagkatapos nang naging bangayan namin ni Scarlet sa may dalampasigan ay dumiretso na lamang kami ni Louie sa restaurant dahil nagugutom na ako.
Tila nakalutang parin ang isip niya dahil imbes na umorder na nang makakain namin ay umupo lang siya at nakatulala sa kawalan. Kaya niyuyog ko siya.
"Babe! Babe! Ano hinde ka pa ba mag oorder? Gutom na gutom na ako" bigla naman ay parang bumalik siya sa dati niyang sarili.
"Awh I forgot Im sorry babe, be right back!" hinalikan niya ako sa noo pagkatapos ay bigla na lamang umalis sa harapan ko. Habang naghihintay ako sa kanya ay napatingin naman ako sa paligid. Hanggang sa umabot sa bintana ang paningin ko. Nakita ko na naman siya.
Talaga bang siya iyon? O baka nagmamalik mata lang ako. Dahil imposible na nandito siya. Nang akmang lilingon na siya dito ay iniwas ko ulit ang paningin ko at itinuon ko na lamang ito kay Louie. Hindi ko na ibinalik ang aking paningin sa bintana dahil natatakot ako na baka makita niya ako dito.
Ilang minuto ko pang hinintay si Louie nang umupo na siya sa tabi ko at inilapag ang mga inorder niyang pagkain.
"Lets eat Babe!" bumalik na ang dati niyang sigla at syempre nasiyahan ako don. Ilang minuto kaming kumain. Iniabot niya sa akin ang ulam ng kare kare, ilalagay niya na sana ito sa plato ko nang bigla akong magsalita
"Wag mong ilagay babe! Ambaho naman niyan! Ayoko niyan babe! Wag mong ilalagay!" pagpipigil ko sa kanya. Dahil totoo namang ambaho at ang panget ng amoy nang kare kare na yan
"Hindi naman babe eh" depensa niya sa akin. Pero ayoko talaga non. Kaya binilisan ko na lang ang pagkain sa natitira kong pagkain tapos ay hinintay ko nalang siyang matapos.
"That was delicious" komento niya nang matapos na siyang kumain.
"Andame kong nakain babe oh" turo niya pa sakin. Nakita ko din na naubos niya ang lahat ng inorder niya, parang siya pa yata ang buntis sa aming dalawa sa sobrang katakawan niya.
Napangiti na lang ako sa pinapakita niya pagkatapos ay umakyat na din kame sa kwarto namin. Naligo lang ako saglit pagkatapos ay siya naman ang sumunod sa akin. Wala kaming ibang ginawa sa kwarto kundi ang manood ng movie.
Ilang minuto pa ang nakakalipas nang nagpaalam siya sa akin na bababa lang siya saglit.
"Saan ka pupunta?" tanong ko naman sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin bilang sagot.
"Basta bilisan mo ah, tandaan mo wala akong kasama dito" pagmamaktol ko sa kanya. Ngumiti naman siya ulit sa akin
"Oo naman babe" tapos non ay hinalikan niya ako sa noo at naglakad na palayo. Nanatili akong nakangiti at hinintay siyang makalabas ng pinto. Nang marinig ko ang pagsarado ng pinto, hudyat na nakalabas na siya ng kwarto namin.
Napabuntong hininga nalang ako at ipinagpatuloy ang panonood ko ng palabas. Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nakakabalik si Louie.
Tumayo ako at pumunta sa bintana, nagbabakasali na makikita ko siya. Pero kahit anong tingin ko ay wala siya. Kaya bumalik ako sa panonood, hihintayin ko na lang siya ulit ng ilang minuto
Sa pangalawang pagkakataon ay wala pa rin siya. Napatagal na ang kanyang paglabas na hanggang ngayon ay hinde parin siya nakakabalik. Kaya napagpasyahan ko na lang na bumaba at hanapin siya
Sakto namang papalabas na ako ng pinto nang bigla itong bumukas at inuluwa si Louie na nakangiti sa kawalan. Bigla naman akong nagsuspetsa kung ano at saan siya nanggaling
YOU ARE READING
The Ex Wife's Sweet Revenge
RomanceThis is story about a married couple who's marriage fall because of the husband having an affair with someone. Then his innocent and caring wife change into a strong, coldhearted person she could be. After for how many years of departed they meet ag...