This is work of fiction. Names, characters, events, places, businesses and incidents are either the product of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance of actual person's, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Nasisilayan ko ngayon ang buong Laguna, ito na ata ang magandang tanawin na natanaw ko sa buong buhay ko. Ang mahabang buhok ko'y nililipad ng malakas na hangin. Tumingala ako nang makakita ng isang ibon, ibon na malayang lumilipad sa langit.
"Sana naging ibon na lang ako..." I said and laughed.
Tinaas ko ang mga kamay ko upang damdamin ang sariwang hangin.
"H-hoy miss, huwag mo 'yang gagawin! Kung may problema ka, nandito ako, handa akong makinig!"
Napahawak ako ng mahigpit sa bakal ng muntik na akong mahulog dahil sa gulat.
"Stupid. Ikaw pa nga ang papatay sa'kin!" I shouted." And, who the hell are you?"
"S-Sasagutin ko ang tanong mo kung bababa ka d'yan," He replied, I chuckled because of his reaction. Natataranta s'ya! May pa-hand gestures pa s'ya.
"Are you my Jack?" I joked
"Ha, sinong Jack? Ako si Neke!"
Ngumiti lang ako at muling pinagmasdan ang magandang tanawin. Hindi kaya'y pinadala s'ya ni Lord to save me from sadness? Muli akong lumingon sa kan'ya ngunit hindi ko na s'ya nakita. Ahh, hallucinations ko lang ata 'yun.
"Ahhhhhh!" Napatili ako nang mahulog ako.
"Aray, ang bigat mo!" He said."Uy gago, sarap na sarap sa dibdib ko?"
"Pervert!" I screamed and punched him.
"Aray ko, tangina!"
Tumayo ako at hindi s'ya pinansin. Inayos ko ang damit ko dahil nagusot ito.
"Gan'yan ka ba mag-pasalamat!?" He asked, bumangon s'ya at umupo sa floor.
"Bakit ko naman 'yon gagawin?!"
"Niligtas kita kaya! Bobo ka ba!" He replied, uminit ang ulo ko dahil sa sinabi n'ya.
"I have 100 plus medals, certificate, trophy's. And you called me a stupid?!" I exclaimed
"Edi wow!" He answered, what?!
"Ikaw ang stupid!" I rolled my eyes
"Matalino pero mag-papakamatay, 'nu 'yon?" Tumayo s'ya at hinarap ako.
"I'm n-" Natigilan ako nang yakapin n'ya ako.
Sinubukan kong kumawala ngunit masyado s'yang malakas. What's wrong with him?!!
"Okay ka lang ba?" He asked, hindi ko alam kung bakit pero biglang uminit ang gilid ng mga mata ko.
"Ano bang prob---"
"Alam ko na may mabigat kang dinaramdam, kahit 'wag mong sabihin. Sapat na ang mga mata mo upang malaman ko ang tunay mong nararamdamdam." Aniya. Natigilan ako at hindi nakapagsalita." Pero, gusto ko sanang sabihin sa'yo na nandito ako upang maging diary mo, handa akong makinig."
Wala na akong nagawa nang mag-unahan ng tumulo ang mga luha ko. Para akong isang batang inagawan ng pagkain. I don't know him but, I can't control myself. Pakiramdam ko ngayon lang nangyari ito, na may nakakaintindi sa'kin.
"I'm so sorry, I can't con--"
"Shhhhh, umiyak ka lang ng umiyak. Walang masamang umiyak kapag hindi mo na kaya." Hinagod n'ya ang likod ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak sa dibdib n'ya. Lumayo na ako ng maging magaan na ang pakiramdam ko. Bigla akong nahiya nang mapagtanto ang nangyari.
"I'm so sorry, I will pay sa shirt mo. It's dirty na eh.. sorry.." I said, tinitigan n'ya lang ang t-shirt n'ya at bahagyang tumawa.
"Hayaan mo na, sa UK ko la--"
"UK?!" Gulat na tanong ko, tinakpan ko pa ang bibig ko. Mygosh!
"Oo, ukay lang 'to!" Kumunot ang noo ko.
"What's that?" I asked, I thought in United Kingdom n'ya binili.
"D'yan lang sa tabi tabi," He chuckled
Tumango-tango na lang ako.
"Okay ka na?" He asked
"I think, thank you. Gumaan pakiramdam ko." I smiled, hinawakan n'ya ang kamay ko at sabay kaming umupo sa sahig.
"Sige na.. mag-kwento ka na." Nagulat ako sa sinabi n'ya.
"Ha?"
"Diba sabi ko kanina na handa ako maging diary mo, ang pag-kakaiba nga lang hindi ka gagamit ng ballpen o lapis... kun'di ang bibig mo." He answered.
"Ha, pero hindi kita kilala."
"Hindi mo pa ba alam? Uso na ngayon na mag-kwento sa taong hindi mo kilala." He said, napakamot ako sa ulo ko.
"Really?" I pouted. Sa huli napapayag n'ya pa rin akong mag-kwento.
"Grabe, nakaka-awa ka pala. Naiintindihan ko lahat ng sinasabi mo lalo na ang nararamdamdam mo." He said
"Thank you ha dahil naintindihan mo 'ko at hindi mo 'ko hinusgahan." I smiled
"Lahat ng tao sa mundo walang karapatang mang-husga ng ibang tao, ayon ang itinuro ng Nanay ko." He answered, napangiti ako." Kaya 'wag kang mag-alala, lahat ng sinabi mo sa'kin magiging lihim at ligtas."
"Hindi ko alam kung paano ko maibabalik ang kabutihan na pinapakita mo sa'kin." I said, hindi ko alam na may ganitong tao sa mundo.
"May paraan,"
"Ha, ano 'yun?" I asked
"Mangako ka sa'kin, na hindi ka na gagawa ng bagay na ikakapahamak mo. Huwag kang papayag na lamunin ka ng lungkot." He replied, halos mangiyak ngiyak ako dahil sa mga sinabi n'ya. Hindi ako nag-iisip at nagiging padalos-dalos!
"Salamat. Ano nga ulit pangalan mo?"
-------
"Ma'am Elle, oras na po upang pumasok sa eskwela."
Naalimpungatan ako dahil sa tinis ng boses ni Manang. Napakamot ako at pilit na inaalala ang pangalan ng batang nakilala ko noong labing apat na taong gulang ako.
"Napaginipan ko na naman!" Padabog akong bumangon upang mag-handa sa panibagong araw.
Wala sa sariling umupo ako sa hapag. Hindi ko na pinansin ang mga salitang binibigkas ni Mama dahil nakabisa ko na iyon. Sa paulit-ulit n'ya ba namang sabihin sa tuwing papasok ako sa paaralan.
"Nakikinig ka ba Ell?!"
"Opo. Huwag makikipagkaibigan, makinig sa guro, maging masungit, huwag makipag-usap sa taong hindi kilala, huwag hahayaang malamangan ng iba." Walang ganang sagot ko.
"Palagi mong tatandaan 'yan, anak. Sa mundong ginagalawan natin, lahat ng tao ay gagamitin ka lang!" Mama said and held my hand. Tumango na lang ako at hinalikan s'ya sa pisngi bilang paalam.
Napabuntong hininga ako ng madatnan si Manong Chan na nag-hihintay sa labas ng bahay.
"Hanggang sa pag-tapak ko ba naman ng Senior high school kasama ko pa rin kayo?!" Reklamo ko, nakakasawa na kasi mukha ni Kuya Chan. Simula bata pa lamang ako s'ya na ang driver ko.
"Hanggang sa mamatay kayo Ma'am Ell kasama n'yo ko." He replied and chuckled.
I rolled my eyes. Padabog akong sumakay sa kotse. Tumatawang sumakay si Kuya Chan sa kotse kaya lalo akong nainis. Unang araw pa lang pero sira na araw ko.
BINABASA MO ANG
Drowned by Love
Teen FictionIba't ibang storya ang matutunghayan. Iba't ibang pinagdadaanan ang matutuklasan na sa murang edad ay mararanasan. Halikana't tunghayan ang mga nakaka-antig pusong storya nila. teen series #1