CHAPTER 4

311 41 18
                                    

CHRIS POV

Pagkarating ko sa bahay nina Ash ay inasikaso ako kaagad ni Lola Amor. Ipinakita nya sakin ang kwarto na tutuluyan ko. Maganda yun, may aircon, study table, medyo may kalakihang kama at cabinet na pwede kong paglagyan ng mga damit ko

Inayos ko na ang mga gamit ko at pagkatapos ay nahiga sa kama, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa kabaitan na ipinakikita sa akin ni Lola Amor. 

Pumikit ako at huminga ng malalim. Hindi rin pala biro na mapalayo kina Lola, pero kailangan kong magtiis dahil para sa amin din naman itong ginagawa ko.

Naisipan ko na bumaba muna dahil tapos na rin naman akong mag ayos ng gamit. Pagkababa ko ng hagdan ay nakita ko agad si Ash kasama yung lalaking nakita ko kanina.

Talagang inihatid pa sya dito nung lalaking yun

Dahil sa pagdating ko ay naagaw ko ang atensyon nila

"Chris, andito kana pala. Dito kana titira?" Masiglang tanong ni Ash

"Di ba halata" pabalang na sagot ko. Di ko alam kung bakit bigla akong nawala sa mood

Mukhang nagulat naman si Ash at yung kasama nyang lalaki dahil sa inasta ko. Tumahimik nalang ako at naupo sa sofa na katapat nila. 

Mukhang nahalata naman nung lalaki na nagulat si Ash kaya nag open ito ng panibagong topic

"So okay ka na ba ngayon, o nalulungkot ka pa rin" malambing na tanong nung lalaki kay Ash

Aba't sa harap ko pa talaga mag lalandian 

"Ahmm okay na ako, salamat sa pagsama mo sakin kanina, palagi ka talagang dumadating sa mga ganong pagkakataon, bakit nga pala hindi ka nagsabi na uuwi ka" nakangusong tanong ni Ash

Sana humaba nguso mo

"Gusto kitang sorpresahin, pero diba alam mo naman talaga na uuwi ako dahil sa birthday ni Loves, hindi mo nga lang alam yung eksaktong araw" pagbibiro ng lalaki

"Di manlang tuloy kita nasundo sa airport. Nakakahiya talaga naabutan mo pa akong umiiyak kanina" nakanguso ulit na tugon ni Ash

Ano ba naman tong babaeng to, parang bata.

"Nahihiya ka? Eh kung ganito mahihiya ka pa?" sabi nung lalaki

bigla ko nalang napakingan yung halakhak ni Ash

"Hahaha tama na please, di na ko mahihiya Haaahahahaha " 

Napatingin ako sa kanila

Kaya pala sya tawa ng tawa kasi kinikiliti sya nung lalaki

Natigilan ako ng mapatingin ako kay Ash. Hindi ko alam pero parang pamilyar ang tawa nya. Parang napakingan ko na ang halakhak nya dati.

Agad ko ring binawi ang tingin ko kay Ash. 

Baka may  kapareho lang tawa nya. 

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang dumating si Lola Amor

"Mga apo, halina kayo at kakain na tayo" Lahat kami ay napatingin sa kanya

Tumayo na si Ash at pumunta sa dining table

Naiwan kami nung kasama nyang lalaki

Bigla naman akong napababa ng tingin dahil ang sobrang seryoso mg tingin ng lalaking to

"Ano hindi ka ba tatayo dyan para kumain" ramdam na ramdam ko ang awtoridad sa boses nya

Parang hindi sya yung lalaking nakikipag kulitan kanina.

Let Me Love You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon