CHAPTER 24

173 16 6
                                    

ASH POV

"Ash wait lang, let's talk" humahangos na saad ni Chris habang hinahabol nya ako

Agad akong napatigil sa pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko, pumikit ako para pakalmahin ang aking sarili

I sighed before I finally faced him, Pilit ko syang nginitian

"Do you need something?" parang walang nangyaring tanong ko sa kanya

I know that he wants to talk about that f*cking necklace but I dont want to talk about it anymore, lalo lang akong masasaktan kapag pinag-usapan pa at ayaw ko na makaapekto yun sa pagrereview ko

"About that necklace, sorry kung hindi ko sinabi sa iyo, sorry kung nagsinungaling ako"

Sorry, mapapawi ba ng sorry mo yung sakit na nararamdaman ko. 

"No need, you don't need to explain anything to me, it's not my business after all. Next time sabihin mo nalang yung totoo, it's better that way" muli ko pa syang nginitian at pumasok na ako sa kwarto ko

Ayaw ko ng makarinig pa ng kung anu-anong dahilan, whatever his reason is, mas pinili pa rin nya na lokohin ako, hindi man nya direktang sinabi na hindi talaga pambayad sa utang yung perang hiniram nya sakin, the way he looked at me with those guilty eyes, yun ang nagpapatunay na niloko nya ako

Kahit maghanda pa sya ng napakahabang explanation nagsinungaling pa rin sya, at hindi maitatama ng mga explanations na yun ang kasinungalingan nya

I can't believe it, pwede naman siguro nyang sabihin nalang na ' Ash bibilhan ko kasi ng regalo yung girlfriend ko pwede ba akong makahiram ng pera' pahihiramin ko naman sya eh

Kahit sampalin ako ng katotohanan na mahal na mahal nya ang girlfriend nya over his own wife, okay lang kaysa naman paniwalain ako sa isang kasinungalingan

Napaupo na lang ako sa sahig dala ng pagkadismaya, pagod na akong umiyak, I just want to make this marriage work but it seems like he doesn't want to.

Inabot ko ang picture ni Lolo na nasa side table ko

"Lo, is this really the right thing? Kung tama ito bakit sobrang nasasaktan ako

Kahit pagod na akong umiyak ay hindi ko pa rin napigilan ang luhang tila ba nagkakarera sa pisngi ko, niyakap ko ang picture ni Lolo para kahit pano ay gumaan ang pakiramdam ko

Itinago ko sa impit na iyak ang sakit na nararamdaman ko, alam kong umpisa pa lang ito at hanggang mahal nya ang babaeng iyon ay hindi mawawala ang pagkakataon na masasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit pumapayag ako na sila pa rin kahit kasal na kami.

Anong gagawin ko?

Hihilingin ko sa kanya na hiwalayan nya dahil asawa ko na sya, baka ako pa ang hiwalayan non at hindi ang girlfriend nya, natatakot ako sa posibleng sakit na maranasan ko kapag nagpatuloy to, pero mas masakit yata pag nawala sya sa buhay ko

Siguro nga ito yung reality ng buhay may asawa, it's far from what I have imagined when I was a teenager. It's not as magical of  what I saw on movies or even what I'm dreaming of.

For the nth time, nakatulugan ko na naman ang pag-iyak, 

Medyo tinanghali na ako ng gising kinabukasan, masyado atang napagod ang mata ko, nag-ayos na ako at nagsimulang mag-aral.

Pilit kong inalis sa isip ko ang lahat ng nangyari, isinantabi ko ang nararamdaman ko at nagfocus sa lahat ng lectures na pinag aaralan ko

I need to pass this final exam, I can't afford to fail. Hindi ngayon at hindi kahit kailan. 

Let Me Love You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon