CHAPTER 26

164 12 0
                                    

ASH POV

"Ash bilisan mo na dyan, tayo na lang ang iniintay" sigaw ni Chris mula sa labas ng kwarto ko

"Oo palabas na, saglit na lang

Bakit ba kasi sila nagmamadali hindi naman aalis yung mga bata sa foundation

Sobrang busy naming lahat simula kahapon ay wala pa kaming pahinga, halos late na rin ng umuwi kami ni Chris galing sa pamimili and wala pa rin kaming tulog dahil ipinagluto ko pa ang mga bata, pero sigurado naman ako na mawawala lahat ng pagod ko mamaya kapag nakita ko na sila

Lumabas na ako ng kwarto ko at nagtungo sa baba, pero wala na akong naabutan doon maliban kay Loves

"Loves asan po sila?

"Naku, nauna na sila, sumama na rin si Chris dahil tutulong pa sya sa pagbababa ng mga gamit

"Ganon po ba, tara na po"

Sumakay na kami ni Loves sa sasakyan, inalalayan ko syang makapasok bago ko maingat na isinara ang pinto

"Kuya Jun tara na po"

Nag-umpisa ng magmaneho si Kuya Jun, sobrang excited ako sa mangyayari ngayong araw na to, ito ang tunay na reward para sakin, yung makapagbigay ako ng tulong sa ibang tao

"Kumusta nga pala kayo nung wala ako?"

Kahit na alam kong itatanong nya ang bagay na yan ay hindi ko pa rin napaghandaan kung paano ko sya sasagutin

"Okay naman po, medyo naging busy po kami dahil sobrang dami po ng requirements and nagreview pa po kami para sa finals" paliwanag ko sa kanya

"Mabuti naman at nag-aaral kayong dalawa ng ayos, alam mo Hija, kahit kailan wag kang makakampante dahil nakakaangat tayo sa buhay ngayon dahil hindi tayo sigurado sa bukas, kaya tandaan mo na dapat kahit wala ang lahat ng ito ay makakaya mo pa ring tumayo sa sarili mong mga paa" saad nya habang nakahawak sa kamay ko

Maswerte ako dahil iminulat ako ni Loves sa reyalidad ng buhay, na kung may isang bagay man na permanente sa mundo, yun ay ang pagbabago. 

"Opo Loves naiintindihan ko po, kaya nga po ako nag-aaral ng mabuti, pero thankful po ako sa inyo at kina Mommy dahil nagsumikap po kayo para maipundar ang lahat ng meron tayo ngayon"

"Maswerte tayo dahil sa lahat ng meron tayo ngayon, kaya nga dapat ay hindi tayo nakakalimot na ibahag yun sa iba" saad nya habang ipinapatong ang ulo nya sa balikat ko

"Eh yung relasyon nyo ni Chris, kumusta?

Natigilan ako dahil sa tanong nya, hindi ko alam kung paano ko ba yun sasagutin, 

Sasagutin ko ba based sa kung anong nararamdaman ko, o based sa kung anong gusto nilang mapakinggan

"Okay naman po kami ni Chris Loves, maayos naman po yung relasyon namin, nagkakatampuhan minsan pero naaayos naman po namin"

Sana naman ay sapat na para sa kanya ang sagot ko, dahil hindi ko alam kung okay ba ang relasyon namin o hindi

May mga pagkakataon na nakafocus lang sya sa girlfriend nya at may mga pagkakataon naman na parang ako ang priority nya

Maging ako ay hindi ko maintindihan kung ano ba ako para sa kanya, asawa ba ako? kaibigan? o baka kakilala lang

Ayaw ko syang tanungin dahil natatakot ako sa posible nyang maging sagot, natatakot ako na baka makuha ko ang sagot na iniiwasan ko

"Normal naman sa isang relasyon na nagkakatampuhan pero sana huwag nyong hahayaan na tutulog kayo na hindi nyo naaayos yung bagay na hindi nyo napagkasunduan, dahil ang tampuhan na hindi napag-uusapan ay nagiging away"

Let Me Love You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon