ASH POV
Umaga na pero hindi pa rin ako nakakatulog, naiwan kasi ni Chris yung phone nya dito sa bahay at hanggang ngayon ay hindi pa rin sya bumabalik, nag-aalala na ako sa kanya.
Hindi ko alam kung san sya nandon, kaya wala akong magawa kundi ang maghintay kung kelan sya babalik
Bumangon na ako at nagtimpla ng kape, umupo muna ako sa may living room habang hinihintay sya
Napatayo ako ng mapakinggan ang pagbukas ng gate, senyales na umuwi na sya
Dali- dali akong lumabas para salubungin sya
"Chris, Bakit ngayon ka lang? Anong nangyari sa pag-uusap nyo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya
Tiningnan lang nya ako ng walang emosyon at hindi ko akalain na lalampasan nya lang ako na parang hindi nya ako nakita
Hindi ako kaagad naka imik dahil sa pagkabigla, siguro ay napagod lang sya o napuyat, baka hindi pa rin sila okay ni Yana
Pinabayaan ko sya na magpahinga muna sa kwarto nya, habang ipinagpatuloy ko ang paglilinis sa bahay at nagluto na ng pagkain para sa aming dalwa
"Chris, tara na kumain" katok ko sa kwarto nya
Hindi sya sumasagot kaya paulit-ulit ko syang tinawag mula sa labas
Napangiti ako ng buksan nya ang pinto
"Tara na...."
"Ano ba! Bakit ka ba katok ng katok" Sigaw nya sa akin, dahilan para mawala ang ngiti ko
"Yayayain lang sana kitang kumain" pinilit ko paring magsalita kahit nabigla ako sa pagsigaw nya
"Dala ko ba yung kaldero? Hindi ka ba makakakain ng wala ako" inis na sabi nya habang hinihilot ang kanyang sintido
"Okay ka lang ba? Nagising ba kita? Masakit ba ang ulo mo?" sunod sunod na tanong ko dahil sa labis na pag-aalala
"Pwede ba Ash, Kung gusto mong kumain, edi kumain ka. Wag mo na akong kulitin, Kakain ako kung kelan ko gusto" padabog nyang isinara ang pinto
Naguguluhan ako sa ikinikilos nya, okay kami kahapon, pero bakit parang galit sya sa akin ngayon
Hindi ko alam kung may kinalaman ba yun sa nangyari kagabi, hindi ko naman kasi alam na yun pala ang girlfriend nya, at wala namang mali sa sinabi ko, totoo naman na asawa nya ako
O baka hindi lang maganda ang gising nya kaya ganon, madami na namang tanong ang naglalaro sa isipan ko
Ibang iba sya kahapon, sa kung ano sya ngayon. Sobrang sweet nya kahapon, samantalang ngayon ay para bang galit na galit sya sa mundo. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila ni Yana, pero sigurado ako na yun ang dahilan kung bakit sya nagkakaganito
Okay naman sya eh bago nya sinundan si Yana kagabi, nagkaganito lang sya ngayong pagbalik nya
Nirespeto ko ang gusto nya hindi ko sya inabala maghapon, hindi rin namn nya ako pinansin nung lumabas sya para kumain ng tanghalian,
Ang gulo nya, kahapon okay kami tapos ngayon biglang hindi ko na alam kung ano bang nangyari, hindi naman nya ako kinakausap kaya hindi ko malaman kung ano bang problema
Sinasabi ko na nga ba, panandalian lang yung saya
CHRIS POV
Halos hindi ako lumabas ng kwarto ko, kumuha lang ako ng pagkain kanina at bumalik na ulit dito,
Hindi ko akalain na sa kabila ng maamo nyang mukha ay may tinatago din pala syang di magandang ugali
Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa sobrang inis, hindi ko inakala na magagawa nya yun
BINABASA MO ANG
Let Me Love You [COMPLETED]
General FictionAshley wants to be loved without any reason aside from that magical feeling itself. She wants to fulfill a promise even though she knew that she will get hurt. She meets him, but his heart does not beats for her. He is a sinner and she forgives him...