CHRIS POV
Ang daldal naman ng babaeng yun. Pero salamat na rin sa kanya kasi libre sakay ako tapos naituro pa nya sakin ang room ko.
Katatapos lang ng klase ko ngayon. Ang intense pala talaga ng pagtuturo dito. Talagang kailangan kong magsunog ng kilay
Buti na lang wala ung prof para sa second subject ko, makakapag early lunch ako
**phone rings**
I answered the call
" Hoy! Christopher Alvarez!! Bakit hindi ka man lang tumawag HA! Kahapon ka pa nakarating dyan pero wala ka man lang update na ibinigay sa amin......
Inilayo ko ng konti sa mukha ko yung cellphone
"Ate wag ka nga sumigaw. Hayaan mo muna akong magpaliwanag" sinubukan kong pakalmahin ang kapatid ko
"Sige, magpaliwanag ka. Siguraduhin mo lang na matibay yang paliwanag mo" bakas pa rin ang pagka inis sa boses nya
"Christina Alvarez, makinig ka ha, kahapon kaya hindi ako nakatawag kasi po napagod ako sa byahe. Pagkadating ko kina Troy ay nakatulog agad ako. Kaninang umaga naman nagmadali akong mag ayos kasi pumunta ako sa kaibigan ni Lola, ibinigay ko yung sulat. Tapos pagdating ko dito sa school kinailangan ko pang hanapin room ko. Ngayon ko nga lang nahawakan Phone ko" Paliwanag ko sa kapatid kong reyna ng pagkaOA
Sana naman maniwala to sa sinabi ko.
"Kahit na nag-alala kami ng sobra sayo. Wag mo ng uulitin yan ha! Pati si Lola pinag Alala mo" Nga pala si Lola, ang engot mo talaga Chris
"Ate Pwede ba makausap si Lola?" Pakiusap ko sa kapatid ko
"Sige saglit lang, lagot ka masesermonan ka" Lumapit si Ate kay Lola at ibinigay ang cellphone
"Hi Lola" masiglang bati ko kay Lola
"Hi apo, kumusta ka riyan. Naibigay mo ba yung ipinabibigay ko" wika ni Lola na parang inaaninaw pa ako sa screen ng telepono
"Opo Lola naibigay ko po, ang bait po ng kaibigan nyo. Kahit kadadating lang po nya galing ibang bansa kanina at halatang pagod po sya ay inasikaso pa rin po nya ako. Kinukumusta ka po nya sa akin at inalok nya rin po ako na doon na tumira" masayang kwento ko kay Lola
Sa mga panahon na ganitong malayo ako sa kanila ay ipinagpapasalamat ko ang pag-unlad ng teknolohiya, kasi nakakausap ko sila ng ganito, malayo man ay parag magkalapit na rin kami
"Talaga yang si Amor, hindi pa rin nagbabago. Kapag nagkita kayo ulit sabihin mo ay maayos naman ako rito at hijo mapapanatag ang loob ko kung doon ka mananatili." tumatawang saad ni Lola
"Lola, ano po palang laman nung sulat" nagtatakang tanong ko
Medyo napa-isip naman si Lola sa tanong ko
"Ang totoo nyan apo, hindi ko rin alam ang laman ng sulat na iyon. Ibinilin sa akin yun ng Lolo mo bago siya napaslang sa isang misyon, kasama nyang namatay ang asawa ni Amor. Pareho silang sundalo. Hindi ko kailanman binuksan ang sulat dahil binilin ng Lolo mo na bubuksan lamang iyan kapag ikaw ay 21 taong gulang na. Bente uno ka na ngayong taon kaya naisip ko na ipadala na sa iyo ang sulat" Paliwanag ni Lola
"Bakit naman po edad ko ang kundisyon kung kailan bubuksan yung sulat" nagtatakang tanong
Parang lalo ata akong nalito
"Hindi ko rin alam apo eh, Hindi ko pa binubuksan ang kaparehong sulat na naiwan sakin" Muling paliwanag ni Lola
Lalong tumindi ang pagnanais ko na malaman kung ano ang nilalaman ng sulat
Natahimik ako ng ilang sandali, natauhan lang ako ng muling magsalita si Lola
"Sya sige na apo, ibabalik ko na ito sa ate mo at sumasakit na rin ang mata ko dito. Ay, mag iingat ka palagi. Magdadasal ha, magpapasalamat sa Diyos. I love you apo" Napangiti ako sa mga sinabi ni Lola
"Sige po Lola, Ingat po kayo, wag pong kalilimutan na uminom ng gamot. I love you too po" Humalik ako sa may camera para kunwari ay humalik na rin ako kay Lola
"Anong hinahalik halik mo dyan, kadiri ka ang dumi dumi nyan" pagtataray na naman ng kapatid ko
"Kaya wala kang boyfriend eh kasi ang taray taray mo" Pang aasar ko sa kanya
"Che. Manahimik ka nga dyan. Dyan ka na nga" sabay patay sa tawag
Tingnan mo to pikon.
Inilagay ko na ulit sa bulsa ko ang phone ko ng matanaw ko si Ash na may kasamang lalaki at tumakbo sila papunta sa sasakyan
Andaming tanong na pumasok sa isip ko
Sino yung lalaking yun?
Bakit sila magkasama?Pero teka bakit ko ba iisipin yun eh hindi naman kami close and wala akong pakialam sa kanya
Tama, wala akong pakialam sa kanya
Nang makita ko na umalis na yung sasakyan nila ay lumabas na rin ako ng campus para kumain
Buti na lang may karinderya malapit, bumili lang ako ng pakbet at humingi ng sabaw, buti nakang din at may lunchbox na ibinigay kanina si Lola Amor
Binuksan ko yung lunchbox, nagulat ako kasi pamilyar sa akin ang pagkaka ayos nito , para bang nakakain na ako ng ganito dati.
Baka dala lang ng gutom
Kumain na ako at bumalik sa campus para sa dalwa pang klaseng natitira sa araw na to.
Nakinig lang ako ng nakinig sa lahat ng sinasabi ng prof, pagod na pagod yung utak ko
Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako sa labas, nagulat ako ng nasa may parking malapit sa gate ng campus ang driver nina Ash na naghatid sa amin kanina
"Sir, ipinapasundo po kayo ni Ma'am Amor, kunin nyo na daw po ang mga gamit nyo, dun na raw po kayo titira" nagulat ako sa sinabi nung driver, hindi ko inaasahan na magiging ganito kabilis ang pangyayari.
"Sige po" gulat man ay pinilit ko pa ring magsalita
Di ko maiwasang matuwa dahil sa lahat ng nangyayari
Una nakapasok ako sa Clover University.
Tapos eto libre akong patutuluyin ni Lola Amor sa bahay nilaSumakay ako sa sasakyan, dumaan muna kami kina Troy para kunin ang mga gamit ko
"Tita maraming salamat po sa pagpapatuloy ninyo sa akin, pakisabi narin po kay Troy salamat" wika ko habang inaayos ang aking mga gamit
"Walang anuman hijo, mag iingat ka sa iyong titirhan, wag kang mag alala at sasabihin ko kay Troy" Nakangiting saad ng Nanay ni Troy
"Sige po tutuloy na po ako" nagmano ako kay Tita at sumakay na muli ng sasakyan papunta kina Ash
Kinakabahan ako, pero sa tuwing maiisip ko kung gaano kaganda ang naging pagtanggap nila sa akin ay nababawasan ang kaba ko
Huminga ako ng malalim para ikalma ang aking sarili
Kung mapapanatag si Lola na doon ako tumuloy kina Lola Maria ay gagawin ko, ayaw ko na mag alala ng sobra si Lola ngayong malayo ako sa tabi nya
*** to be continued ***
BINABASA MO ANG
Let Me Love You [COMPLETED]
Ficción GeneralAshley wants to be loved without any reason aside from that magical feeling itself. She wants to fulfill a promise even though she knew that she will get hurt. She meets him, but his heart does not beats for her. He is a sinner and she forgives him...