CHRIS POV
Nasa gate pa lang ako ng bahay ay ramdam ko na ang katahimikan sa buong lugar, it's already 1:45 am,sigurado akong tulog na rin si Ash.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto para hindi ko sya maabala kung sakaling tulog na sya,aakyat na sana ako sa kwarto ko ng mapansin na may tao sa kusina
Naabutan ko si Ash na natutulog, lalapitan ko na sana sya para gisingin ng mapansin yung design sa wall at yung mga pagkain sa mesa
Did she prepared all of this?
Halos lahat ng paborito ko ay nandon, may cake rin,
"Happy Birthday Chris" binasa ko ang nakasulat sa isang cake,
"Happy Birthday Ash?" hindi ako makapaniwala sa nabasa ko
Birthday din nya?
Muli ko pang inilibot ang paningin ko sa buong lugar, she prepared everything, pero late ako dumating
Biglang nagflashback sa akin ang napag-usapan namin dati kasama si Lolo Epifanio, na isa sa dahilan kung bakit kami ipinagkasundo ay dahil tulad ng mga lolo namin ay parehas kammi ng birthday
Inilagay ko muna sa ref yung mga pagkain na nakalagay sa mesa, sobrang natouch ako sa katotohanan na nag effort pa talaga sya na ipagluto ako ng lahat ng ito
Hindi ko maimagine kung gaano sya kalungkot na mag-isa lang sya rito sa bahay, na nag celebrate sya ng birthday mag-isa
Pagkatapos kong itabi ahat ng pagkain ay binuhat ko na sya papunta sa kwarto nya, hindi manlang sya nagising, napakalalim ng tulog nya dahil na rin siguro sa pagod
Nang maihiga ko sya ay dun ko lang napansin ang bakas ng luha na naiwan sa pingi nya, pinunasan ko yun gamit ang hinlalaki ko
"Im sorry, dahil napaiyak na naman kita, babawi ako sayo" hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan sya sa noo
Naiinis ako kay Yana, dahil kung hindi sana nya ako pinigilang umalis, sana maaga akong nakauwi, sana hindi mag-isa si Ash kanina
*flashback*
Hindi ko mapigilang mainis dahil sa inaakto ni Yana, at hindi ko rin ako makapaniwala na naiinis ako sa kanya
Simula kanina ay palaging gusto nalang nya ang nasusunod, hindi sya katulad ni Ash na tinatanong ako kung anong gusto ko
Sa halip na quality time namin together eh, dito pa nya ako dinala sa club, akala ko icecelebrate namin yung birthday ko ng magkasama pero di ko alam na may iba pa pala syang kasama
Kumain lang kami ng lunch ng magkasama tapos dumating na rin yung mga kaibigan nya
Napabuntong hininga na lang ako ng makita kung gaano sya kalakas uminom, hindi naman sya ganito dati
Kapag tinitingnan ko sya, hindi yun katulad ng pagtingin ko kay Ash sa tuwing magkasama kami, ramdam ko ang pagbabagong ito sa nararamdaman ko. Si Yana ang kasama ko pero si Ash ang nasa isip ko
Posible nga kayang magbago ang nararamdaman ko para sayo?
Hindi ako uminom kahit ilang beses nya akong inalok, hindi ko ugaling uminom ng walang dahilan
Mukhang di naman na nya ako kailangan dito dahil, parang wala rin naman ako dito dahil sila sila lang din naman ang nag-uusap
"Yana, uwi na ako, may naghihintay pa kasi sa akin sa bahay" paalam ko sa kanya
"Wag na muna, dito kana muna minsan na nga lang tayo magkita tapos aalis ka agad" pigil nya sa akin
Minsan na nga lang tayo magkita tapos sila pa yung inuuna mo
BINABASA MO ANG
Let Me Love You [COMPLETED]
Ficção GeralAshley wants to be loved without any reason aside from that magical feeling itself. She wants to fulfill a promise even though she knew that she will get hurt. She meets him, but his heart does not beats for her. He is a sinner and she forgives him...