CHAPTER 16

196 18 4
                                    

ASH POV

Nasa bahay na ako ngayon at kasalukuyang tinitingnan ni Khai ang paa ko

"Hey, dahan dahan lang naman?

Napapapikit nalang ako sa tuwing gagalawin ni Khai ang paa ko, hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit. Nakadagdag pa ang pagkawala ng balanse ko kanina kaya siguro lalong pumaga ang paa ko

"Apo, ano kumusta ang paa ni Ash?" nag-aalalang tanong ni Loves 

"Tulad po ng sinabi ni Ash kanina, natapilok sya and it leads to sprained ankle. Hindi naman sya malala, its just a mild low grade ankle sprain, gagaling din yan in 1-3 weeks, depende nalang kung pano mag behave si Ash"

Muling kinutingting ni Khai ang paa ko, nandun pa rin yung pakiramdam na para akong kinukuryente sa tuwing igagalaw nya ito

"If she wants to recover quickly, she needs to follow P.R.I.C.E. method. First is protection, just sit or lie down, taking the pressure off your ankle and don't do anything that could aggravate your injury or cause you further harm. Second, "rest" suggests that you limit your walking and moving around. If you can't avoid walking, try to use crutches or a cane. Third is you need to apply ice for no more than 20 minutes at a time for about three to five times a day for the first two to three days after the injury. The fourth part of the P.R.I.C.E. ankle sprain recovery process is "compression," which involves applying pressure to the sprained ankle and its surrounding areas. And for the last part , elevate your ankle or leg as much as you can during your recovery period

"So ibig sabihin as much as possible dapat hindi ako gagalaw dito

Naiinis ako, hindi ko kaya na parati lang akong nasa iisang lugar at madami pa rin kaming kailangang asikasuhin ni Chris para sa kasal

"Yes kaya mas maganda kung may magbabantay at mag aasikaso sayo, its good to know na nandito ang fiance mo, pwedeng sya na muna mag alaga sayo dahil kapag si Loves ay baka mapagod lang sya"

Napabuntong hininga nalang ako dala ng pagkadismaya, bakit kasi hindi ako nag iingat. Ngayon tuloy ay alagain pa ako

"So pano ba yan, i need to go kailangan na rin ako sa ospital

Umalis na sya at bumalik ng Ospital habang si Loves naman ay nagpaalam na pupunta na sa kwarto nya para magpahinga, pero ibinilin nya ako kay Chris na kasalukuyang nakaupo sa sofa dito sa kwarto ko

Ng makalabas si Lola ay lumapit sya sa akin, bakas ang pag-aalala sa mga mata nya, kung pano nya ako tingnan kanina noong nasa cemetery kami ay ganon pa rin yung tingin nya, walang pagbabago. Ramdam na ramdam ko na nag-aalala sya sa kung paano nya ako kumustahin at tanungin kung masakit pa ba. 

Dahil sa ginagawa nya lalo nya lang akong ibinabaon sa pakiramdam na ito, lalo lang nya akong ipinagtutulakan na mahulog sa kanya kahit alam kong wala namang sasalo sa akin

Lumipas ang ilang minuto ay walang umiimik sa aming dalwa, nakaupo lang sya sa gilid ng kama ko habang ako naman ay nakikiramdam kung anong gagawin

"Sorry

Gulat akong napalingon sa kanya, bakas ang sinseridad sa kanyang boses maging sa kanyang mga mata

"For What?" 

Nagtataka ako kasi wala naman talaga syang dapat na ihingi ng tawad

"Im sorry kasi nauna akong bumaba, kung sinabayan sana kita ay may aalalay sayo at hindi mangyayari yan" 

Napailing ako habang nakatingin sa kanya, simula kanina ay hindi ko man lang inisip ang bagay na yon, kailan man ay hindi pumasok sa isip ko na sisihahin sya dahil sa nangyari 

Let Me Love You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon