CHAPTER 41

174 14 0
                                    

Wag mo na munang intindihin ang sinabi ko, mamaya nalang natin pag-usapan

Yan sinabi nya kanina matapos nyang sabihin na nagseselos sya kay Liam

Hinayaan ko nalang sya, siguro ay ayaw nya munang maapektuhan ang takbo ng araw namin, at para siguro hindi na rin awkward, feeling ko liliwanagin naman nya lahat mamaya

Marami pa kaming ibang lugar na pinuntahan, nagbike rin kami and nagpunta sa central park zoo, kaya sobrang pagod at gutom na rin namin

5pm na pero hindi pa kami naglulunch, nagmeryenda lang kami ng  burger kanina kasi may nadaanan kaming stall

Nasa resto kami ngayon ni Chris malapit sa may lawa, at iniintay na lang namin ang order namin

"San mo pa gustong pumunta after nito?" tanong nya sa akin habang nilalaro yung lalagyan ng tissue sa harap nya 

"Gusto ko sanang pumunta sa Belvedere Castle, sabi kasi nung pinay na nakausap ko kanina ay maganda raw don"

"Sige puntahan natin yun mamaya"

Dumating na ang pagkain namin, kaya galit galit muna. Pareho kaming gutom dalawa dahil sa sobrang dami naming ginawa at pinuntahan, masasabi ko na sobrang sulit ang buong araw na ito para sa amin

"Oo nga pala Ash, saan mo gustong mag OJT?

Napa-isip naman ako sa tanong nya

Sa totoo lang kahit saan naman sa akin ay okay lang, alam ko naman na kahit saan ako dalhin ay may matututunan ako, pero gusto ko ay sa bukid talaga. Puro building na lang kasi ang nakikita ko since nangyari yung aksidente

"Kahit saan okay sa akin, di naman ako mapili sa lugar

"Ikaw saan mo ba gusto?" pahabol na tanong ko pa 

"Mas gusto ko sa amin, pero parang imposible naman"  

Ngayon ko narealize kung gaano kahalaga ang lugar na yun para sa kanya, 

Doon sya lumaki at nagka-isip, at doon din nangyari ang pinakamadilim na bangungot ng buhay ko 

Para sa akin, napakatamis at napakapait ng lugar na Mindoro

"Malay mo naman, Pero paano kapag magkahiwalay tayo ng lugar?" wala sa sariling tanong ko

Natawa nalang ako sa sarili ko dahil parang sinabi ko na rin na gusto kong magkasama kami, 

"Malakas ang kutob ko na magkasama tayo, kilala ko na ugali ni Loves. hindi yun papayag na paghiwalayin tayo" dahan dahan nyang hinawakan ang kamay ko na kasalukuyang nakapatong sa mesa "At hindi rin ako papayag na mahiwalay ka sakin" dagdag pa nya

Bakit napakadali para sa kanya na buhayin ang mga paru-paro sa sistema ko, sa kanya ko lang naramdaman ang ganito.

He's my first and hopefully my last

I gave him my sweetest smile, "Gusto ko rin na magkasama tayo"

Matagal naming tinitigan ang isa't isa bago, napatawa at muling ibinaling ang atensyon sa pagkain, ngunit hindi pa rin nya binitiwan ang kamay ko

Mukhang kailangan ko na talagang linawin kung ano ba tayo, dahil lalo akong nababaon sa ideya na gusto mo rin ako

Tinapos ko na ang pagkain ko at ganon din sya, 

"Tara na, umpisahan na natin maglakad, pampahulaw. Busog na busog ako eh

Napatawa naman ako dahil halata naman na busog na busog sya dahil hinihilot pa nya yung tyan nya

Let Me Love You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon