CHAPTER 39

192 15 0
                                    

Nakailang tawid din kami ng kalsada at medyo malayo na rin ang nalakad namin bago ko naisipang tumigil.

Nasa park kami sa tabing dagat, dinama ko ang malamig na simoy ng hangin na sumasagi sa aking balat.

"May nangyari ba? bakit bigla mo akong hinila dito

Tumabi naman sa akin si Chris, kita ko kung paano sya namangha sa ganda ng tanawin sa lugar na ito,

Tumabi naman sa akin si Chris, kita ko kung paano sya namangha sa ganda ng tanawin sa lugar na ito,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita

"Diba sabi mo, sa susunod na iiyak ako magsabi ako sayo

Agad naman syang napatingin sa akin

Gusto kong umiyak kaya isinama kita dito, gusto kong ikaw ang magpahid ng mga luha ko"

Pagkasabing pagkasabi ko ng salitang yun ay nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko,

Ayaw ko ng ganitong pakiramdam, at sigurado ako na ayaw din ni Azy na ganito ang nararamdaman ko

Inalalayan ako ni Chris paupo sa bench malapit sa amin, isinandal nya ang ulo ko sa balikat nya at pinunasan nya ang luha sa pisngi ko

Pinakalma ko ang sarili ko at ikinuwento ko sa kanya ang lahat, sa kung gaano kami kaclose noon ni Azy, at kung paano rin kami nasira dahil mas nanaig sa akin ang inggit

Kung paano sya namatay sa harap ko, kung paanong nagbago ang lahat ng mabasa ko ang sulat nya

Yung mga panahon na hindi ako matingnan ng sarili kong mga magulang dahil sa akin nila isinisisi lahat, yung mga pagkakataon na hindi ako pinapansin ni Kuya dahil nawala yung paborito nyang kalaro

Sinabi ko rin sa kanya kung paanong sinaktan ko ang sarili ko noon at naisipan na magpakamatay nalang para patas na kami ni Azy

"Kahit sinasabi ngayon ng lahat na wala akong kasalanan bakit hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko?"

"Shhhhhh... Hindi mo kailangang madaliin ang lahat, dahan dahanin mo lang, nandito ako sasamahan kita" muli nyang pinunasan ang mga luha ko

"Pakiramdam ko kasi ay kasalanan ko lahat, kung hindi ako umalis ng bahay, kung inintindi ko sya edi sana matagal pa namin syang nakasama, may chance pa na gumaling sya sa sakit nya"

Niyakap nya ako gmit ang braso nya na nakahawak sa balikat ko

"Stop blaming yourself dahil wala kang kasalanan, hindi mo naman ginusto na mamatay sya diba? Diba sabi nina Lolo, lahat ng nangyayari may dahilan

Yumakap ako sa kanya, ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib nya

Impit kong iniiyak lahat ng hinanakit at guilt na nararamdaman ko

"Kapag oras na ng isang tao, wala tayong magagawa para pigilan yun"

Tama lahat ng sinasabi nya, pero may parte pa rin sakin na gustong sisihin ang sarili ko, na gusto kong maramdaman yung sakit na naranasan nya

Let Me Love You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon