CHAPTER 38

229 14 2
                                    

ASH POV

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit gusto na kaagad kaming papuntahin ni Loves sa New York. Pwede namang sa Christmas break nalang nya kami papuntahin doon pero nagpumilit sya na sumunod na kami, kinausap pa nya si Tito para sa pag-aaral namin ni Chris.

Nakatanaw lang ako sa labas, nakatingin sa mga ulap na malayang nakalutang sa kalangitan, napakatagal ng byahe, 16 hours na kaming nasa eroplano at isa't kalahating oras nalang ay lalapag na ito sa John F. Kennedy International Airport.

First time ko pumunta rito, hindi kasi ako madalas sumama kapag umaalis sila ng bansa.

Posible kaya na may alam na sila sa sitwasyon ko?

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa naisip ko, hindi maalis ang kaba sa dibdib ko

Paano kung hanggang ngayon ay ako pa rin ang sinisisi nila?

Paano kung magalit ulit sakin sina Mommy dahil sa pagkamatay ni Azy?

Paano kung bumalik sa dati si Kuya?

Iniisip ko pa lang ang mga bagay na posibleng mangyari ay naiiyak na ako, 

Alam ko ang mga pagkakamali ko noon, masyado pa akong bata kaya napaka unreasonable ko mag-isip, kaya nga sobrang nagsisisi ako ngayon

Nakatitig lang ako sa labas at hinayaan na tumulo ang mga luha ko, sa ganitong paraan lang maiibsan ang bigat na nararamdaman ko

"Okay ka lang ba?"

Nagulat ako sa tanong ni Chris kaya agad akong tumalikod sa kanya at pinunasan ang mga luha ko

"Okay lang naman bakit" nakatingin lang ako sa kabilang side para hindi nya makita ang pamumula ng mata ko

"Baka nagugutom ka, kumain ka muna" iniabot nya sakin yung sandwich na binigay ng flight attendant kanina

Kinuha ko naman yung tinapay ng hindi sya tinitingnan, muli kong hinila yung blanket at ibinalot sa katawan ko

"In the future, if you want to cry sana sabihin mo sa akin, I'll wipe away those tears for you

Napapikit nalang ako ng madiin dahil buong akala ko ay hindi nya nahalata ang pag-iyak ko, Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko. Kinain ko na rin ang sandwich na binigay nya

Inintay ko munang mawala ang pamumula ng mata ko bago ako lumingon sa kanya

Natutulog kana naman

Hindi ko mapigilan ngumiti habang tinititigan sya, siguro ay nahihilo sya kaya palagi syang tulog, sabi kasi nya sa akin ay first time lang nya sumakay ng eroplano

Inayos ko yung blanket na nakapatong sa kanya bago ako tumayo para pumunta sa comfort room

Medyo lutang pa ako kaya muntik na akong matumba habang papalapit sa C.R. buti nalang at nahawakan agad ako ng isang flight attendant, sya rin yung nagbigay sa amin ng sandwich kanina

"Are you okay, Ms?" nag-aalalang tanong nya habang nakahawak pa rin sa braso ko

Hindi ko maiwasang hindi humanga sa pigura nya, bagay na bagay sa height at build ng katawan nya ang propesyon na pinasok nya. 

"Im okay thank you" nginitian ko sya at nagtungo na sa C.R.

Palabas na sana ako ng mapansin ko na may name tag na nakasabit sa damit ko, 

Lorie Ann

Siguro name tag to ng flight attendant na tumulong sa akin kanina, 

Pagkalabas ko ng cubicle ay hinanap ko agad kung nasaan sya, hindi ata nya napansin na nahulog nya ito kanina

Let Me Love You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon