CHAPTER 14

197 19 2
                                    

ASH POV

"Maria, buti naman at nakauwi kana, Salamat sa Diyos at maayos kana" di magkanda ugaga si Loves sa pag aasikaso sa bestfriend nya

Hindi ko mapigilan ang pagkawala ng ngiti sa aking mga labi, habang pinagmamasdan ko silang dalawa. Panay ang tanong ni Loves kay Lola kung may masakit pa ba

Bilang apo masarap sa pakiramdam kapag masaya si Loves, hindi ko man maibigay sa kanya ang lahat lahat sa mundo, atleast hindi ko ipinagkait sa kanya kung paano ngumiti ng totoo at makaramdam ng tunay na ligaya

Inihatid na ni Chris si Lola Maria sa kwarto nya, bilib din ako sa pagmamahal ni Chris sa Lola nya. Halos hindi na sya umuwi para lang mabantayan si Lola. Mahigit isang linggo rin syang halos dun na tumira sa ospital, ayaw na ayaw nya na iwan ang Lola nya.

Hindi na rin namin napag usapan muli ang tungkol sa pagbabago ng isip nya tungkol sa kasal, masyado pang maraming iniisip si Chris sa ngayon dahil sa nangyari sa lola nya at ayaw kong dumagdag don. 

Umakyat ako sa kwarto para magpahinga, masyadong nakakapanghina ang mga nangyayari , hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko

Humilata ako sa kama at pinilit na wag mag isip ng kung ano ano. 

*door opens*

"Kuya!" dali dali akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit

"K-Kuya Galit ka pa ba?" humahagulhol kong tanong sa kanya

"Halika nga dito maupo ka, napakadugyot mo talaga. Tingnan mo nga yang itsura mo

Inalalayan ako ni Kuya paupo sa kama, pinunasan nya ang luha ko at pilit akong pinakalma

"Hindi ako galit, naiinis lang ako na pumayag ka. Alam mo naman na kasal yun, it's a lifetime commitment. Hindi ka pwedeng umayaw kapag nahihirapan kana, hindi ka pwedeng sumuko kahit ayaw mo na. Ayaw ko lang na gumawa ka ng isang bagay na pagsisisihan mo sa huli. Ayaw ko na ikaw yung maiiwang miserabel" seryoso ngunit bakas ang pag aalala sa boses nya

hindi ko mapigilan na ngumiti, ang sarap sa feeling na all this time kapakanan ko lang ang iniisip nya

"Alam ko kung anong pinapasok ko kuya, at pangangatawanan ko ang desisyon ko hanggang sa huli, alam ko na hindi madali at alam ko na mahihirapan ako ng sobra. Pero kung yun ang paraan para mapasaya ko si Lola ng sobra gagawin ko" paliwanang ko sa kanya

"Si Lola lang ba ang dahilan Ash? o pinaniniwala mo lang ang sarili mo sa rason na yan?"

Hindi ko maintindihan kung anong pinupunto ni Kuya sa tanong nya

"Mukhang hindi mo pa kayang aminin sa sarili mo kaya huwag na muna nating pag-usapan, kahit ano man ang maging desisyon mo, wala akong magagawa dahil buhay mo yan. Pero lagi mong tatandaan, hindi ka nag iisa dahil nandito lang ako palagi sa likod mo susuportahan kita

Masaya ako na may kapatid ako na tulad nya, dahil alam ko na sa kahit anong laban ay maaasahan ko sya

Agad ko syang niyakap ng mahigpit

"Salamat kuya, salamat talaga

"Hindi ko hahayaan na matali ka sa taong hindi ka naman mahal"

"Kuya anong binubulong bulong mo dyan" may binulong kasi sya hindi ko lang napakinggan ng maayos

"Wala sabi ko walang anuman, wala namang magdadamayan kundi tayong dalawa lang diba"

Maswerte pa rin talaga ako sa pamilyang kinabibilangan ko, mahal na mahal nila ako

CHRIS POV

Let Me Love You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon