CHRIS POV
Umpisa na ulit ng klase pero wala akong ganang pumasok, may book fair lang naman ngayon sa school kaya di na ako nag abala pang pumunta doon
Nagising ako dahil sa tunog ng computer dito sa loob, nakalimutan ko na naman palang patayin kagabi
Bumangon ako at laking gulat ko na tumatawag si Loves,
Agad kong inayos ang sarili ko bago sinagot ang tawag nya
"Hi loves, kumusta po" kumaway pa ako sa kanya sa screen
Miss ko na rin sya, sya na rin kasi yung tumayong pangalawang Lola ko habang nandito ako sa kanila
"Okay naman ako apo, ikaw kumusta ka sabi sa akin ni Anita ay hindi ka raw pumasok" bakas ang pag-aalala sa boses nya
"Okay lang naman po ako, wala rin naman pong gagawin masyado sa school kaya minabuti ko po na magpahinga nalang muna"
"Apo kaya ako napatawag ay may itatanong sana ako sayo"
Ramdam ko na medyo seryoso si Loves sa kung ano man ang itatanong nya
"Sige lang po Loves, ano po yun?"
"Kumusta si Ash nitong mga nakaraang araw"
Natigilan ako sa tanong ni Loves, dahil ang totoo ay kahit ako ay nawiwirduhan sa ikinikilos ni Ash nitong mga nakaraang araw
Hindi na nya ako masyadong kinukulit pero okay naman kami sa harap ng mga kasama namin dito sa bahay
Pero bukod doon ay para syang laging lutang at malalim ang iniisip
"Okay naman po sya bakit po"
Ayaw kong mag-alala si Loves sa apo nya dahil baka makaapektuhan pa nito ang kalusugan nya
"Naka-usap ko kasi sya noong isang gabi, mukhang hindi maayos ang lagay nya, parang ang dami-dami nyang iniisip"
Kitang kita ang pag-aalala ni Loves sa apo nya, kahit ako ay hindi ko alam ang problema nya
"Ayos lang ba kayo apo, wala ba kayong problemang dalawa"
Hindi ko alam kung problema bang maituturing para kay Ash yung pakikitungo ko sa kanya, pero kahit ako ay pansin ko na problemado nga sya
"Wala naman po Loves, pero parang tahimik nga po sya nitong mga nagdaang araw"
Napabuntong hininga na lang sya dahil sa sagot ko
"Para kasing nagbago sya eh, at kinakabahan ako sa pagbabagong iyon, at teka may ipapakita pala ako sa iyo"
May pinindot pa sya sa phone nya at maya-maya ay may dumating na message sa akin
"Apo, tingnan mo ang picture na sinend ko sayo" utos sa akin ni Lola
Tiningnan ko yung photo na sinend nya at nagulat ako ng makita na yun yung kwintas na suot ni Ash noong pumunta kami sa Love House
"Ano pong meron sa kwintas na to loves?" hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko na magtanong, malakas ang kutom ko na may matutuklasan ako tungkol sa kwintas na ito
"Napapansin mo ba na palaging suot yan ni Ash"
Pilit kong inalala ang suot ni Ash nitong nakaraang ilang araw, at kapansin pansin na palagi nga nyang suot ang kwintas na yun
"Ang alam ko po ay suot nya yan noong nagpunta tayo sa love house"
Tumango naman si Loves
BINABASA MO ANG
Let Me Love You [COMPLETED]
Fiksi UmumAshley wants to be loved without any reason aside from that magical feeling itself. She wants to fulfill a promise even though she knew that she will get hurt. She meets him, but his heart does not beats for her. He is a sinner and she forgives him...