ASH POV
Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa baba, napatingin ako sa orasan 8am na pala
HUH? 8am?
Ang huling natatandaan ko ay nag-uusap kami ni Chris sa kubo, pano ako nakauwi?
Inayos ko ang sarili ko bago tuluyang bumababa,
Pagkababa ko ay bumungad sa akin ang pinagmumulan ng ingay
Naabutan ko si Loves at si Chris na masayang nagkwewentuhan
"Loves" hindi ko maitago ang saya na nararamdaman ko habang papalapit ako sa kanya
Niyakap ko sya ng sobrang higpit
"Apo, Apo masyadong mahigpit, hindi ako makahinga" saway sa akin ni Lola
Umalis ako sa pagkakayakap ko sa kanya "Sorry loves sobrang namiss po kasi kita"
"Namiss din kita apo, namiss ko kayong dalawa" nakangiting saad nya sa amin ni Chris
"Teka Chris pano nga pala ako nakauwi kahapon" puno ng pagtatakang tanong ko sa kanya
"Nakatulog ka kasi sa kubo kaya minabuti ko na iuwi ka nalang dito sa bahay para makapagpahinga ka ng maayos" paliwanag nya
Nakatulog siguro ako dahil sa pagod, mabuti na lang at iniuwi nya ako
Napalingon ako kay Loves na nakangiti ng malaki sa aming dalawa, bakas ang saya sa mukha nya
"Naku, ay wala naman pala akong dapat na ipag-alala dahil maayos naman pala kayong dalawa dito at mukhang kayang-kaya nyong alagaan ang isa't isa"
Naku Loves kaaayos lang namin sa problema
Tangging ngiti lang ang naisagot namin ni Chris
"Oo nga pala Ash, kailangan na nating ihanda ang mga kakailanganin para sa pagbisita natin sa mga bata, naku siguradong iniintay ka na ng mag yun"
Kahit ako ay excited na makita silang muli, taon-taon kasi bumibisita kami sa Love House, isa syang foundation na pinopondohan nina Loves at ng iba pa nilang kaibigan kung saan dito dinadala yung mga bata na palaboy sa lansangan para bihisan, bigyan ng pamilya at pag-aralin. Minsan ipinaaampon nila yung ibang bata at ang mga hindi naman napipili ay nananatili doon.
"Naku Loves hindi pa po ako gaanong nakakapaghanda dahil kakatapos lang po ng final exams namin, pero plano ko po na ngayon mamili ng mga gagamitin para sa pagkain nila"
"Ay bakit hindi nalang tayo magpaluto sa mga catering services para hindi ka na mahirapan"
Sa totoo lang okay naman yung suggestion ni Loves, pero kasi napakapersonal para sa akin ng bagay na ito gusto ko na may involvement ako sa lahat
"Gusto ko po kasi na ako ang maghanda ng pagkain nila, sigurado po ako na namiss nila ang luto ko"
"Naku ikaw talaga, buti nalang at nandyan si Chris para tulungan ka, Diba hijo?"
"Opo Loves, ako na po ang bahalang tumulong kay Ash"
Tumingin sya sa akin ng may pagka ilang, siguro ay iniisip pa rin nya ang naging pag-uusap namin kahapon
"Sya sige na maghanda na kayo para makapamili na, ako na ang bahalang tumawag sa foundation para maipaalam na darating tayo, at Ash bumili ka na rin ng mga laruan na pwedeng ibigay sa mga bata, sabi ng care taker doon ay 32 na bata raw ang inaalagaan nila ngayon"
Umakyat na kami ni Chris para mag-ayos, sa mall nalang siguro ako kakain para mas mabilis, tinanghali kasi ako ng gising
Papasok na sana ako sa room ko ng pigilan ako ni Chris
BINABASA MO ANG
Let Me Love You [COMPLETED]
General FictionAshley wants to be loved without any reason aside from that magical feeling itself. She wants to fulfill a promise even though she knew that she will get hurt. She meets him, but his heart does not beats for her. He is a sinner and she forgives him...