CHAPTER 28

161 12 0
                                    

ASH POV

Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog ng makaramdam ako ng uhaw, ilang araw na rin na wala si Lola Anita pero nakakaraos naman kami ni Chris sa araw-araw. Nakapag-adjust naman na kami na kailangan naming alagaan ang isa't isa

Bumangon ako at bumaba para kumuha ng tubig, pero nung pabalik na ako may napansin ako na parang gumagalaw sa may sofa, hindi ko masyadong maaninaw kung anong meron dun dahil gabi na at madilim, natatakot naman ako na buksan ang ilaw

Dahil sa curiosity ay dahan dahan akong lumapit don, hinagip ko yung walis tambo na malapit sa akin. Habang papalapit ako ng papalapit ay pabilis din ng pabilis ang tibok ng puso ko dahil walang kasiguraduhan kung ano yun

Hahampasin ko na sana ng walis yung gumagalaw pero agad kong pinigil ng mapansin na si Chris iyon

Hindi sya mapakali at panay ang kamot nya sa kanyang braso at binti

Bakit ba kasi dito sya natulog eh pwede naman sa kwarto nya

Nilapitan ko sya para gisingin

"Chris, oi Chris"

"Hmmmm" tugon nito pero di pa rin natinag sa pagtulog

"Gumising ka dyan, inubos kana ng mga insekto dito oh"

Makailang ulit ko pa syang ginising bago nya iminulat ang mata nya

"Bakit" mumukat- mukat nyang tanong sa akin

"Bakit dito ka natulog, tingnan mo nangangati ka tuloy, kanina ka pa kmot ng kamot" tanong ko sa kanya habang pinapakita ang mga pantal nya sa braso

"Ang init kasi sa kwarto ko, hindi ako makatulog" paliwanag nya habang tuloy pa rin sa pagkamot

"Bakit hindi ka sa guest room natulog?

Umayos naman sya ng upo, "Nakalock eh, kahit ung ibang kwarto ganon din, kaya dito ako natulog di ko na kinaya yung init sa kwarto ko" paliwanag nya

"Dun ka nalang muna sa kwarto ko matulog para makapagpahinga ka ng ayos

Gulat naman syang naatingin sa akin

"Wag kang mag-alala malawak naman yun, kasya tayo don

Hindi ko na inintay pa ang sagot nya at hinila ko na sya papunta sa taas

Umupo muna sya sa may kama ko habang kumuha ako ng cream para ilagay sa mga pantal nya

"Akin na braso mo

Nilagyan ko ng cream yung mga kagat ng insekto

"Andami pala nito kaya pala kating-kati kana kanina"

Hindi sya umimik nanatili lang syang nakapikit, antok na antok pa siguro

Tinapos ko na ang pag-aasikaso na mga pantal nya

"Doon nalang ulit ako sa kwarto ko tutulog,salamat" akmang tatayo na sana sya pero agad ko syang napigilan

"Dito na, mainit don hindi ka rin makakatulog ng maayos" pagpilit ko sa kanya

"Nakakahiya naman kung dito ako makikitulog

"Wag kang mahiya, diba sabi nina Lola alagaan natin ang isa't isa kaya hindi kita hahayaan na doon matulog

"Doon na lang, lagot ako sa kuya kapag nalaman non na dit ako natulog

Napatawa naman ako, so yun talaga ang rason nya, natatakot sya sa pwedeng sabihin ni Kuya

Let Me Love You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon