Prologue

45 6 0
                                    

PROLOGUE

Narito ako ngayon muli sa simbahan kung saan una kong narinig ang katagang "Mahal Kita" galing sa babaeng aking iniibig.  Dito ko rin pinakasalan, sa harap ng napakagandang altar na ito ang babaeng bumago sa takbo ng aking buhay at naging buhay ng buhay ko.

Kasalukuyan akong nakaharap sa altar at pinagmamasdan ang ganda nito habang hawak hawak ko ang babaeng pinakamamahal ko nang bigla akong nasilaw sa tama ng sinag ng araw galing sa nakaawang na bintana na siyang nagpakinang sa kwintas kong kulay pilak at may hugis buwan sa ibaba nito. Habang ang aking suot na kwintas ay patuloy sa pagkinang, bigla akong nakaramdam ng malakas, malamig at sariwang ihip ng hangin papasok ng simbahan. Ang aking mga labi ay nag-iwan ng isang napakatamis na ngiti nang tila'y yinayapos ako ng isang pamilyar na pakiramdam. "Alam ko, alam ko mahal ko... Narito ako kasama ka, kahit wala ka."



Azio's 2020

I'm Here With You, Even Without YouWhere stories live. Discover now