LABIMPITO

1 0 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Magdamag ko lamang inisip ang mga nangyari at kahit na nakainom ako ay hindi man lamang ako dinadalaw ng antok. Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na. Alas ocho na ng umaga at kailangan ko ng bumaba para mag-agahan. Hindi ko namalayan na pinindot ko ang gallery ng phone ko at pinagmasdan ang larawan kung saan magkasama kami ni Lou, natulog sa loob ng kotse ni Francis. Parang kahapon lang Lou maayos tayo tapos ngayon, ganito na.

Nag-ayos na ako ng sarili at naligo para makahabol sa agahan. Nilagyan ko rin ng band aid ang isang parte ng mukha ko dahil sa sugat gawa ng paghagis ko ng bote sa dingding kagabi. Naabutan ko sa baba sina Jarex, Francis, Wendy, Krys at syempre si Ellaine na tahimik lang kumakain habang ang iba naman ay nagkukuwentuhan at nagtatawanan pero wala si Lou.

Lumapit na ako sa kanila para bumati at inanyayahan naman akong sumabay sa kanila. Alam kong alam na ni Jarex ang nangyari dahil kita ko sa mga tingin niya ang pag-aalala sa akin. Sinubukan ko naman na ngumiti para ipakita sa kanilang ayos lang ako. Sinubukan kong maging pormal bago nagsalita.

"Asan si Lou?" Hindi ko napigilang magtanong dahil siya ang bukod tanging nasa isip ko.

"Nasa kwarto pa si Lou, nagpaiwan. Masakit daw ang ulo niya at ayaw niya munang magpaistorbo. Sabi ko nga eh bumaba muna para kumain kaso ayaw naman niya dahil hindi pa siya gutom. Hindi ko naman na pinilit at hinayaan ko na lang magpahinga. Mamaya dadaanan namin ni Wendy para bigyan ng medicine bago kami mag-swim right Wends?” si Krys. Alam kong nagdadahilan lang siya para hindi ko siya makita at makausap. Sa kabilang banda, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa narinig ko kay Krys dahil baka tama siya.

"Krys, daan kayo mamaya sa room ko bago kayo pumunta kay Lou" saad ko.

"Oh my god are you inviting us in?" sigaw ni Wendy pero binatukan naman siya ni Krys.

"No! Hahaha, meron kasi akong nadalang gamot sa sakit ng ulo. Daanan niyo sa kin tapos ibigay niyo mamaya kay Lou." Mabilis na dahilan ko.

Sumapit na ang tanghalian at nag-aya na naman kumain pero hindi pa rin bumababa si Lou. Nakita ko naman sina Wendy at Krys na magkasama galing sa taas na hindi maipinta ang mukha. Bigla akong kinabahan kaya mabilis akong lumapit sa kanila para itanong kung ano nangyari pero naunahan ako ni Jarex sa pagtanong.

"Where's Lou? Masakit pa rin ba ulo niya? halata sa boses ni Jarex ang pag-alala

"Yun na nga eh, pumasok kami sa kwarto para yayain na sana siyang bumaba pero naabutan naming nagsususuka sa banyo" nagaalala din sambit ni Wendy.

"Yeah, parang wala na nga siyang maisuka nun kasi wala naman siyang kinain kanina pero duwal ng duwal pa rin si Lou, hindi mapigil" pagdurugtong ni Krys.

"Lou is sick, siguro kailangan na nating umuwi ng maaga so we can take her to the hospital. What do you think guys?" tanong ni Francis sa amin. Lahat naman ay sumang-ayon maliban kay Ellaine na umiirap lang. Gusto ko sana siyang puntahan sa kwarto niya kaso pinipigilan ako ng sarili ko kapag naaalala ko ang nangyari kagabi pero hindi pa rin ako mapakali.

Inutusan ko si Jarex na ibigay ang inihanda kong pagkain pero nang bumalik siya, nakasimangot siya at sinabing hindi daw tinanggap ni Lou dahil wala siyang gana. Nasa labas na kami para maghanda na sa maagang pag-alis at hinihintay lang naming bumaba si Lou, Wendy, Krys at Ellaine. Nakita ko namang papalabas na sina Wendy at Krys habang akay-akay si Lou sa paglalakad at nasa likod nila si Ellaine na nakasunod lang sa kanila. Nakikitang kong hinang-hina si Lou dahil kinailangan pang dalawa ang umalalay sa kanya. Lumapit naman si Jarex at tinulungang ang dalawa sa pag-alalay.

"Lou, gusto mo bang idaan ka muna namin sa hospital? You don't look fine" pagaalala ni Jarex.

"Aahh, o-kay lang ako. Gusto ko lang mauwi para makapagpahinga" pagtatanggi ni Lou.

I'm Here With You, Even Without YouWhere stories live. Discover now