DALAWA

16 3 0
                                    

CHAPTER TWO

Buong araw kong inisip ang babaeng nakaharap ko kani-kanina lamang na nagdulot ng maraming katanungan sa ang aking isipan. Paano nangyari yun? Paano niya nalaman ang loob ng isip ko? Oo, tama siya, Nais ko ngang magpakamatay. Alam ko sa aking sarili na nakararanas ako ng depresyon at sa loob ng dalawang taon na aking dala-dala ang mga problema ito, naisipan kong tapusin na lamang ang buhay ko dahil nagsasawa na akong harapin pa ito. Sa nakalipas na dalawang taon, hindi natutuloy ang balak kong ito sapagkat laging sumasagi sa aking isipan ang kapatid ko na si Andrus na siyang dahilan kung bakit patuloy pa rin akong nabubuhay sa mundong ito. Ngunit kanina lamang, kahit na sumagi siya sa aking isipan ay napagpasiyahan kong gawin na ang aking binabalak na pagpapakamatay. Bakit? Bakit? Biglang may sumulpot na dahilan para tigilan ko iyon? Ano bang meron sa kaniya?

Sumapit na ang hapon at uwian na naman. Sinundo ko na ang kapatid ko galing sa eskwela at kumain ulit kami sa labas bago umuwi sa bahay. Pagdating namin sa bahay, as usual, tahamik at boring na naman. Buti nalang wala pa ang lalakeng yun…

"Drus akyat na ang kuya ha, gawin mo na homework mo. Napagod ako eh. Matulog ka na din pakatapos nyan ha" pagpapaalala ko kay Andrus bago tumungo sa taas upang magpahinga.

Habang ako ay nakahiga sa kama, hindi pa rin matanggal sa aking isipan ang mga nangyari kanina. Nakatingalang sinasariwa ko na naman ang lahat ng mga mapapait na pangyayari sa aking buhay dahilan upang hindi ko na naman mapigilang mapaluha sa nang aking ma alala.

2 YEARS AGO

Nakasilip ako sa pintuang naka awang habang pinapakinggan ang pagaaway ng aking mga magulang.

"Zandrew, ano ba naman! May mga isip na ang anak mo! Hindi ka pa rin tumitigil sa lahat ng mga ginagawa mo! Huwag mo naman silang pahirapan pa. Nasasaktan mo na ang mga bata. Zandrew pakiusap ko lamang, tumigil ka na!" pakiusap ng aking ina habang umiiyak at nakaluhod sa harap ng aking ama.

"Huwag na huwag mo akong sisihin kung bakit nagkaganito ang pamilya natin Gilda! Alam nating dalawa kung ano ang punot-dulo ng lahat ng ito. Kung hindi lang dahil sa kalandian mo, masaya tayo! Ano ba ang iyong dahilan? Hindi pa ba ako sapat? Hindi pa ba ako sapat at nagawa mo akong lokohin? Ang masama pa, nagiwan ka ng isang magpapaalala sa kalandian mo at sa ginawa mong panloloko sa akin! Napakahayop mo Gilda! Minahal kita, mahal na mahal kita pero bakit mo ako ginago?!" sigaw ng aking ama habang hinahawakan niya ang buhok ng aking ina. Nagulat ako sa mga narinig ko. Anong ibig sabihin ni papa? Anong iniwan ni mama sa amin at sino ang magpapaalala nito?

"Pakiusap! Huwag na huwag mong pagbabalingan ang anak ko na si Andrus. Nagmamakaawa ako Zandrew, magtigil ka. Kung galit ka sa ‘kin, ako ang pagbuntungan mo huwag siya! Ako na lang Zandrew, ako na lang!" ani ng aking ina humahagulhol na.

"Hayop ka talaga! Isinunod mo pa ang pangalan ko sa batang yan! Hindi ko anak yan, hindi! Si Zaurus lang ang anak ko! Wala akong anak na galing sa isang manloloko na kagaya mo!" panggagalaiti ng aking ama na bakas ang matinding galit sa kaniyang mukha.
Ano? Si Andrus? Ang limang taong gulang kong kapatid ay anak ni mama sa labas?

Hindi ko na napigilang manghimasok sa kanilang usapan kaya padabog akong pumasok sa kanilang kwarto na ikinabigla ng aking mga magulang. Tinitigan ko sila bago ako nagtanong.

"Totoo ba pa? Ano to? Si Andrus? B-bakit?" tanong ko sa aking ama.

"A-anak... anooo-" si papa

"Ano? Bat di kayo makasagot?!” pasigaw kong pahayag sa kanila.

"Zaurus anak, magp-papa l-liwanag ako.... " pautal-utal na saad ni mama sa akin.

I'm Here With You, Even Without YouWhere stories live. Discover now