LABINDALAWA

14 1 0
                                    

CHAPTER TWELVE

Isang linggo na ang nakalipas simula noon at isang linggo na rin ako hindi kinakausap ni Lou. Kapag susubukan ko naman siyang kausapin sa bahay, nagdadahilan siya para hindi ko siya makausap. Kapag sa cellphone naman, hindi ako nirereplyan at minsan binababaan pa ako ng telepono. Ramdam ko ang pag-iwas sa 'kin ni Lou. Kapag pumupunta ako rooftop, hindi ko siya naaabutan at kung minsan, pupuntahan ko siya room niya, mga kaklase niya ang sumasalubong sa akin at sasabihing busy kung hindi naman ay wala siya sa room nila.

"Bellarama? Ikaw na naman? Si Lou na naman ba ang hinahanap mo?"pagtataka ni Krystina. Pinakilala na sa akin ni Lou si Krystina noong mga nakaraang linggo. Siya yung kaklase at kaibigan ni Lou na nag-request sa kaniya na kumanta sa wedding anniversary ng mga magulang nila at yun din ang araw ng death anniversary ng papa niya. "Wala siya dito Dreik eh, nasa Music Club siya ngayon nagpapractice. May singing contest kasi ang music club sa Friday. Sumali siya, actually I pushed her to join kasi ayaw niya pa noong una but I said na may price na mapapalunan kaya ayun sumali siya. Magbabakasakali daw siya na baka manalo. I'm sure she'll gonna win kasi she's so very talented diba?" Tumango na lamang ako bilang pagsangayon sa kanya. Totoo naman yun, malaki ang posibilidad na manalo si Lou kasi magaling siya.

Uuwi na sana ako pero naisip kong uminom dahil sa kalungkutang nararamdaman ko, gusto ko munang makalimot. Miss na miss na kita Lou. Napadpad ako sa bar kung saan kami dati pumupunta nina Jarex at Francis. Inaasahan kong dito pa rin umiinom sila Jarex pero hindi ko inaasahang makita sila dito ngayon. Nasa counter sila at naguusap nang maupo ako sa gilid ni Jarex. Nag-order ako ng isang shot ng vodka at nilagok iyon. Napansin ata ng dalawa ang presensya ko kaya kinausap ako ni Jarex.

"I didn't expect to see you here again Dreik. It's been a long time" saad ni Jarex.

"Why? Hindi ba pwedeng gusto ko lang uminom ngayon? Bakit ikaw ba magbabayad sa iinumin ko?" malamig na tugon ko.

"No, it's not what I mean it's just-" pagpapaliwanag ni Jarex pero kaagad naman itong pinutol ni Francis

"Let's go Jarex, baka mapaaway na naman tayo" sabat ni Francis dahilan para mapangisi ako.

"Are you scared Francis?" panunudyo ko kaya lumapit sa 'kin si Francis at hinarap ko din naman siya.

"No, I'm not scared Dreik. Umiiwas lang ako kasi alam kong gulo na naman to" may diin niyang tugon habang nag susukatan kami ng tingin.

"Francis stop, I'm sorry Dreik, we're leaving" aya ni Jarex kay Francis at tumalikod na sa akin. Hindi pa naman sila nakakalayo ay nagsalita na ako dahilan upang tumigil sila sa kanilang balak gawin.

"Why Jarex? Why did you do that?" tanong ko sabay lagok ulit ng drinks na inorder ko. Ramdam kong napatigil sila sa paglalakad nang marinig nila ang tanong ko. "Jarex, you owe me an explanation. Why did you do that?" muli kong tanong at sinulyapan sila.

Mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin. Naglakad siya pabalik at umupo sa left side ko at nag-order din ng isang drinks at nilagok ito bago nag salita.

"You know how I'm broken to Selina that time. Ikaw yung unang taong nakaalam ng mga pinagdadaanan ko at ikaw din yung unang taong pinagsabihan ko nung nagkahiwalay kami. I was so broken, kailangan ko ng comfort galing sa isang tao nun pero hindi ko nagawang lumapit sa'yo kasi alam kong may pinagdaraanan ka din noon sa mama mo kaya ayaw ko nang maging pabigat sa'yo, sinolo ko ang problema. Nasa burol ako ng mommy mo noon and I'm still devastated that night, still can't get through the pain that I feel. Lumabas ako ng chapel to get some fresh air and para makalma ko ang sarili ko and then I saw Ellaine crying kaya nilapitan ko siya at tinanong kung bakit siya umiiyak. Sinabi niya na hindi mo daw siya kinakausap o pinapansin man lang. She was also hurt and I was trying to comfort her just to lessen the pain that she feels. I was so caught off and not expecting that Ellaine will kiss me. Believe me Dreik, I tried to stop her, I did but the next thing I knew I was kissing her back, I'm sorry Dreik. I also tried to stop myself but I miss doing those things with Selina. Kaya nga hindi ko naisip na si Ellaine pala ang kahalikan ko kasi when we we're kissing, si Selina ang iniisip ko. Papasok na sana ako sa loob nang makasalubong ko si Francis. Hinarang niya ako at sabi niya, kailangan niya akong makausap. Doon pa lang, alam ko na nakita niya ang nangyari." Tumingin si Jarex kay Francis na para bang sinasabi na pagkakataon niya nang magpaliwanag. Ako naman, tumingin din sa kanya saka nilagok ang hawak kong shot glass na may lamang whiskey naman ngayon. Naupo narin si Francis sa tabi ko.

I'm Here With You, Even Without YouWhere stories live. Discover now