CHAPTER ONE
"Zaurus anak, kahit anong mangyari, huwag na huwag kang magagalit sa iyong ama. Wala siyang kasalanan sa mga nangyari anak. Ikaw na ang bahala sa kapatid mo, alagaan mo si Andrus pati na rin ang papa mo. Mahalin niyo ang bawat isa at maging masaya kayo kahit wala na ako anak. Mahal na mahal kayo ng mama. Aalis na ako 'nak, lagi kayong mag-iingat ha. I love you panganay ko...."
.
.
.
.
.
.
"Kuya!!! Kuya ko po, gising ka na!! Kuyaaaa!!", gising ng aking pitong taong gulang na kapatid na si Andrus. Napabalikwas ako sa aking higaan habang sapo-sapo ko ang aking dibdib na naghahabol ng hininga dahil sa isang masamang panaginip. "Kuya ko, nanaginip ka na naman po ba? Si mama po ba ulit?" tanong niya sa akin."Ah, oo bunso, nagbilin na naman si mama at tsaka nagtanong kung ano pa daw ginagawa mo dito sa kwarto ko ehh maaga pa daw pasok mo. Hala kaaa! Dadalawin ka daw niya mamaya" pananakot ko sa kaniya. "
"Kasi naman kuya eh", si Andrus na bakas ang takot sa kaniyang boses at umalis sa pagkasampa sa aking kama.
"Ayaw mo ba nun, si mama na ang dadalaw sa'yo?" tatawa-tawang saad ko kay Andrus na kita na ang takot sa kaniyang mukha. "Maiba ako bunso, kumain ka na ba? Baka hindi ka pa naliligo ha. Naku naman talaga, ako pa ba ang magpapaligo sa'yo?" tanong ko.
"Big boy na po ako kuya ko, prepared na din nga po yung dadalhin ko" sagot niya sa akin.
"Yan naman talaga, kumain ka na doon sa baba. May almusal na ba?" Ako
"Sabay na po tayo kuya ko tsaka nandun na po si papa sa baba hinihintay na tayo" ani kapatid ko
Biglang napalitan ng galit ang ngiti na kanina'y gumuhit sa aking mga labi.
Ano pa bang ginagawa ng lalaking 'yan dito sa bahay? Bakit nandito pa siya? Trabaho at mga babae niya lang naman ang buhay niya. Kaya naman naming magkapatid ng kami lang."Andrus, mauna ka na sa baba. Tinatamad pa ang kuya" yamot kong saad sa aking kapatid.
"Ayaw ko po kuyaaa. Gusto ko po sabay tayo nina papa kuya ko. Tara naa!" pagpipilit ng aking kapatid habang hinihila ako sa aking kama.
"Bakit ba gustong-gusto mong kasabay natin ang lalakeng yun? Hindi ka ba naaasiwa sa kaniya?" tanong ko sa kaniya
"Kuya naman, huwag ka pong ganyan. Mahal ko po yun si papa" ang kapatid ko
"Hindi natin tatay yun, tsk! Sige at hantayin mo na lang ako dito, sabay na tayong bababa" bigla akong bumigay sa pagpupumilit ng kapatid ko. Kung hindi ko lang mahal na mahal ito at kung hindi lang dahil kay... mama.....Pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili, bumaba na rin kami ni Andrus at dumiretso na sa kusina upang mag agahan nang aming madatnan ang lalaking kinakasuklaman ko sa buong buhay ko, ang aking ama, na nagluluto ng agahan. Kapag nakikita ko siya ay naaala ko ang mga katarantaduhan na ginawa niya sa aming pamilya at hindi ko matanggap na ama ko nga ang lalaking ito sa kabila ng mga panlolokong ginawa niya sa aming mag-iina.
Inihain na niya ang mga pagkaing niluto niya sa hapag-kainan.
"Wow!! Mukhang masarap ang niluto mo papa. Pwede ko po bang tikman?", turo ng kapatid ko sa omelete at sinangag na nakahain sa mesa. Dali-dali siyang sumampa sa upuan at magsisimulang kumuha ng pagkain nang...
"Teka ,sandali! Huwag mo yang pakikialaman bata ka, para yan sa kuya mo", bulyaw ng aking ama na si Zandrew sa aking kapatid, at tumingin sa akin
"Nak, halika na dito, kain ka na. 'Di ba paborito mo ito? Gumawa na rin ako ng pancakes kasi alam kong gustong-gusto mo ito. Halika na 'nak, maup-" Hindi ko na siya pinatapos"Nang!!! Manang Glendaaa!! Nasaan ka? Nasaan na yung almusal naming magkapatid?" sabat ko sa aking ama at tinititigan ang ginawa niyang almusal.
YOU ARE READING
I'm Here With You, Even Without You
Non-Fiction"I can be your star, your moon, and your sun. I can be your everything my love."